Next day.
7:30 pm.
Erine's POV:
"Hindi ka ba sasama sa kanila?" tanong ni Ercole nang makita niyang hindi ko ginagayak ang sarili ko.
Nagsisigayakan na silang lahat, maliban sa akin at kay Ercole. Mayamaya lang, magsisialisan na sila para humanap ng magiging hapunan.
Balik tayo kay Ercole, nakatingin siya nang malalim sa mukha ko na para bang naiinip na siya sa sagot ko. Ngumiti muna 'ko bago ko naisipang sumagot.
"Walang magbabantay sa 'yo kung sasama 'ko sa kanila."
"Eh saan ka kukuha ng pagkain mo?"
"Makiki-share na lang ako kay Denver. Hindi kita puwedeng iwang mag-isa. Walang titingin sa'yo kung sakaling sumama ang pakiramdam mo kaya mabuti nang maiwan ako para may magbabantay sa 'yo."
"Sigurado ka?"
"Oo naman. Alang-alang sa inyo ng magiging pamangkin ko."
"Na-touch naman ako," sabi niya na may palagay-lagay pa ng kamay sa dibdib.
Mayamaya'y dumating si Denver, kasama si Jared. Nilapitan ako ni Denver habang si Ercole naman ang nilapitan ni Jared.
"Alis na kami," nakangiting paalam ni Denver pagkatapos ay iniwanan niya ako ng goodbye kiss sa pisngi.
"Ingat kayo ah? Damihan mo na lang ang bibiktimahin mo para marami tayong kainin mamaya," natatawang bilin ko. Nagjo-joke lang naman ako. Kahit isa lang, sapat na. Magkakasya na sa amin 'yon.
Napatingin ako kay Jared na feel na feel ang pagsunod sa kasunduan nila ni Dad; ang panindigan ang kasinungalingang sinabi ni Dad na siya ang nobyo at ama ng dinadala ni Ercole. Dahil mahal niya si Ercole, sumunod siya sa gustong mangyari ni Dad.
"Kumain ka nang mabuti ha? Huwag kang magpapagutom," akala mo nanay na bilin ni Jared kay Ercole. Tinawanan lang siya ni Ercole. "Sige, aalis na kami. Goodnight, my precious." At dinampian niya ng halik sa pisngi si Ercole.
Siguro, kung nakikita lang ng ama ng dinadala ni Ercole ang kalokohang pinaggagagawa nitong si Jared, baka may action scene na 'kong natutunghayan but the question is mahal ba talaga si Ercole ng ama ng bata?
Ang hirap manghula lalo na't hindi sinabi ni Dad kung sino ang bampirang nakabuntis sa twin sister ko. Feeling ko, kilala niya. Ayaw lang talaga niyang ipaalam kung sino ang masuwerteng nakadali sa kakambal ko.
"Erine, kailan namatay si Mom?" Pagkaalis ng dalawa, laking-gulat ko nang tanungin iyon ni Ercole.
Sa dinami-rami ng puwede niyang itanong, bakit about pa kay Mom? Bakit about pa sa kasinungalingang ipinasok ni Dad sa kukote niya?
Magsisinungaling ba 'ko o magsasabi ng totoo? Ayoko namang magalit siya kay Dad pero ayokong palalain ang kasinungalingang alam niya. Saan ako lulugar?
"Erine, ano na?" pukaw niya sa natutulala kong mukha.
"Ah kasi ganito iyon. Simula noong isilang tayo ni Mom, namatay na siya. Namatay siya dahil sa panganganak sa atin." Parang gusto kong patayin ang sarili ko dahil sa pagiging storymaker ko.
"Nagsasabi ka ba ng totoo?" Biglang naging cold ang boses ni Ercole.
Sa totoo lang, gusto kong magsalita pero parang zinipper ang bibig ko. Kahit anong gawin ko, walang lumalabas na salita sa bibig ko.
"'Yong totoo? May hindi pa ba 'ko nalalaman tungkol sa nangyari kay Mom?" Bumangon siya at sinandal sa unan ang ulo niya. "May nililihim ba kayo sa akin?"
BINABASA MO ANG
When She's 18
VampirKilalanin si Ercole Marjery Santillan, ang babaeng nangarap na respetuhin at mahalin ng mga taong nakapaligid sa kanya. Ano nga kayang mangyayari kapag nalaman na niya ang tunay na dahilan kung bakit hindi siya nirerespeto ng mga ito? Patuloy niya p...