Ercole's P.O.V:Good morning, Tuesday.
Pagdilat palang ng mga mata ko ay bumangon na ako at dumiretso sa kusina. Bago pa ako makarating sa nasabing lugar, may nakita akong hindi inaasahan.
'Katatanong ko lang kagabi kung kailan ka uuwi tapos nandito ka na kaagad. Sa wakas, dumating ka na, Mommy."
"Mommy!" I shouted her name. Hindi ko na hinintay pang lumingon si Mommy. Sinugod ko na siya at saka ko siya sinunggaban ng yakap. "Na-miss kita, Mommy!"
Tinanggal niya ang kamay ko na nakayakap sa likod niya, bagay na ipinagtaka ko.
Hindi ba niya ako na-miss?'
Sisimangot na sana ako nang biglang humarap sa akin ni Mommy. Ako naman ang yinakap niya.
"Ayokong niyayakap ako nang patalikod dahil gusto ko, nakaharap ka sa akin para damang-dama ko na na-miss mo nga ako."
Masaya kong ipinikit ang mga mata ko upang damhin ang yakap ng isang ina. Matagal ding nawala si Mommy kaya ngayong nandito na siya, na-realized kong na-miss ko talaga siya.
Saglit pa kaming nanatili sa gano'ng posisyon hanggang siya na mismo ang humiwalay sa akin.
Hinawakan niya ang magkabilang pisngi ko at pinanggigilan niya ito.
"Na-miss kita, anak!"
"Sa sobrang pagka-miss mo sa akin ay pinanggigigilan mo na ako, Mommy!" biro ko.
"Matagal ko kasi kayong hindi nakita ng kapatid mo eh."
"Bakit po ba ngayon lang kayo dumating? Saan po ba kayo nanggaling?"
Kitang-kita ko kung napaano nabura ang ngiti sa labi niya.
'Nagtanong pa kasi ako eh.'
"Mommy, okay ka lang?"
"Oo naman." Ngumiti ulit si Mommy pero sa tingin ko, napilitan lang siyang gawin 'yon para hindi na ako mag-alala sa kanya. Mukhang may problema siya.
I really know my Mommy well. Kapag may problema siya, sino-solo lang niya. Ayaw niyang ipaalam sa amin kaya hindi ko na siya pipiliting magsabi.
"Kumusta kayo ng Ate mo?" pag-iiba ni Mommy sa usapan.
Napangiwi ako.
'Ate ko nga pala si sissy!'
"Okay naman po kami ni sissy."
"Hindi ka pa rin ba sanay na tawagin siyang Ate?"
"Hindi siguro ako masasanay, Mommy."
"Paano kang masasanay? Eh hindi mo naman sinusubukan?"
Hindi ako nakasagot. Yeah right, ni minsan, hindi ko sinubukang tawagin na Ate si sissy kaya never nga naman akong masasanay.
BINABASA MO ANG
When She's 18
VampirosKilalanin si Ercole Marjery Santillan, ang babaeng nangarap na respetuhin at mahalin ng mga taong nakapaligid sa kanya. Ano nga kayang mangyayari kapag nalaman na niya ang tunay na dahilan kung bakit hindi siya nirerespeto ng mga ito? Patuloy niya p...