𝑪𝒉𝒂𝒑𝒕𝒆𝒓 53

645 13 0
                                    


Ercole's POV:

"Aikz."

Pagkatapos ng klase ay kaagad kong nilapitan si Aikz. Kasalukuyang nasa tabi na niya 'ko. Nakaupo habang hinihintay ko na bigyang-pansin niya 'ko.

Kakaalis lang nina Ken at Zae para puntahan ang iba pang member ng VUO sa kanya-kanyang room ng mga ito. Nagpaiwan ako dahil gusto kong kausapin si Aikz.

"Bakit nandito ka?" malamig na trato niya sa akin. Wala akong kasalanan pero dahil sa pinapakita niya, parang meron eh.

Tatayo na sana siya kung hindi ko lang siya pinigilan. Humarap siya sa akin. Kitang-kita ko kung paano nagsalubong ang mga kilay niya. Syete. Ang sama-sama niyang tumingin.

"Puwede ba? I don't need you! So go away and leave me alone!"

Kulang na lang, lumuwa ang mga mata ko dahil sa cold treatment niya sa akin. Kung tratuhin niya ako, para akong kaaway. Magkaibigan naman kami ah? Inaalis na ba niya 'ko sa landas niya?

"Hindi ako aalis hangga't hindi mo 'ko kinakausap!"

"Ano bang dapat nating pag-usapan? Wala naman tayong problema!"

"Aikz, alam kong mahal na mahal mo si Eunice at atat kang bawiin siya sa kaaway natin pero alam mo bang kinakalaban mo na 'yong mga bampirang handang tumulong sa'yo?" Kasabay ng panunumbat ko ang pagbagsak ng luha ko.

Syete. Nasasaktan na naman ako.

"E-Ercole, hindi ko sinasadya–"

"Kaya lang naman nasabi sa 'yo ni Treasurer Dyrish 'yon kasi gusto ka niyang gisingin sa katotohanan. Hindi ka mahal ni Eunice. Magalit ka na kung magalit pero nagsasabi lang ako ng totoo. Base sa pinapakita ni Eunice, halatang kaibigan lang ang turing niya sa 'yo. Ayaw lang ni Treasurer Dyrish na  umasa ka kasi nakikita niyang wala namang patutunguhan ang pagmamahal mo kay Eunice. She was just concern about you," umiiyak na paliwanag ko.

"Aamin ko, natutuwa ako kasi nakikita ko 'yong best friend ko na nagmamahal nang totoo pero nasasaktan din ako kasi sa umpisa palang, I didn't see any chance na magugustuhan ka niya," I said honestly.

"Ercole..."

"Aikz, kung ako sa 'yo, bawiin mo na lang siya bilang kaibigan mo kasi lalo ka lang masasaktan kapag pinakinggan mo pa 'yang sinisigaw ng puso mo."

"Ercole, huwag mo namang sabihin sa akin 'yan oh."

Hindi ko siya pinakinggan. "Actually, maaalis mo naman siya kaagad diyan sa puso mo kung bibigyan mo ng pansin 'yong mga bampirang nagpapahalaga sa 'yo. Alam mo bang napapabayaan mo na sila simula noong nagkagusto ka kay Eunice? Oo, pati ako napabayaan mo. Pinabayaan mo na ako kasi nandyan na si Zae, without knowing na kailangan pa rin kita kasi mahalaga ka sa akin. Nang dahil sa Eunice na 'yon, nagkaroon ng lamat ang friendship natin."

"Ercole, huwag mo namang sisihin si Eunice."

Umiling ako. "Nagseselos ako, Aikz. Nagseselos ako. Bakit hindi mo tanungin kung bakit? Kasi nasa kanya na lang ang atensyon mo. Nagbago ang lahat simula noong dumating siya sa buhay mo. Nakalimutan mo nang may kaibigan ka na laging naghihintay para pansinin mo. Hindi na tayo katulad ng dati, Aikz pero gusto kong bumalik 'yon. Ibalik natin 'yong dating tayo. 'Yong dating ikaw na masayahin sa tuwing kasama mo 'ko, 'yong dating ikaw na savior ko kapag may nang-aapi sa akin, 'yong para tayong kambal na hindi mapaghiwalay. Ibalik natin 'yon, unti-unti na kasing naglalaho eh."

"Ercole naman!"

"Aikz, hindi mo deserve 'yong one-sided love pero kung papasukin mo talaga iyon, parang sinabi mo na rin sa akin na hindi na ako mahalaga sa 'yo. I'm pinky concern to your happiness pero kung nagagalit ka sa akin, okay, tama na, hanggang dito na lang ako. Tapusin na natin ang lahat sa atin para hindi na kita mapakialaman pa."

When She's 18Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon