Ercole's P.O.V:
"This is my mansion. Hindi nila tayo matutunton dito."
Halata nga, kasi malayo 'yong mansion niya sa mga kabahayan. Feeling ko nga, wala na kami sa Vampire Village. Bukod sa mansion ni Zaerus ay wala na 'kong iba pang bahay na nakikitang nakatayo malapit dito.
"Pasok na tayo," sabi ko.
Nginitian niya lang ako at nagpatiuna na siya sa paglalakad. Syete! Maganda pala sa loob ng mansion niya. Akala ko kasi, kung anong ikinalanta ng kulay sa labas ay ganoon din ang ikinalanta sa loob. Hindi ko bet 'yong kulay sa labas. Gray. Walang kabuhay-buhay, parang si Zaerus lang. Wala palang emosyon ang taong 'yon. Pati kulay sa labas ng mansion, dinamay niya. Nagmukha tuloy pangit sa labas pero bawing-bawi naman sa loob. Dirty white ang kulay.
"Ikaw lang ba ang nakatira dito?" Hindi ko napigilang magtanong.
"Oo, pero hindi na ngayon, dahil titira ka na rito. May kasama na 'ko."
"Okay. Hindi naman sa nakikialam ako or what pero may pamilya ka pa ba?"
"Oo."
"Bakit hindi mo sila kasama?"
"Because I want to live alone."
Natameme ako.
"Sanay naman sila na hindi nila ako kasama sa iisang mansion. Actually, bago 'ko tumira rito, sa VUOB ako nag-ii-stay, hindi sa mansion nila."
"VUOB? Ano 'yon?"
"Vampire University Organization Building. Tinayo 'yon para sa mga University Officers."
"Officer ka?"
Ngumiti siya. "Yes. I'm the President."
"Syete! Ang yabang ah? Teka! Anong oras na ba?" Tumingin ako sa suot kong relo. "Oh my pinky gosh! Madaling araw na pala! Matulog ka na!"
"Bakit mo naman ako pinapatulog?"
"May pasok ka pa bukas eh! Teka, hindi ka pumasok kanina 'no?"
"Hindi nga."
"Pero bakit ginabi ka ng pagpunta sa amin? Aysus! Ang sabihin mo, sinadya mo talagang magpagabi para maisakatuparan mo ang pagtakas mo sa akin!"
"Aikz told you that we were busy pero oo, sinadya ko talagang magpagabi sa pagpunta sa inyo pero malay ko bang susugurin ka ng mga Moon Vampire kahit hindi pa madaling araw."
"Syete! Tigilan na nga natin ang Moon Vampires na 'yan! Napahiwalay tuloy ako sa pamilya ko nang dahil sa kanila!"
"Don't worry, Ercole. Magkikita pa rin naman kayo ng pamilya mo pero 'yong makasama mo silang matulog sa iisang bahay? Hindi na mangyayari iyon dahil simula ngayon, ako na ang makakasama mo."
"Ano 'to? Live in?"
"Parang gano'n na nga."
"Syete! Sana naman hindi ako mapahamak sa 'yo 'no!"
"Paano ka mapapahamak sa akin? Eh wala naman akong gagawin sa 'yo. You're not my type, Ercole."
"Weh! Hindi raw ako type pero may nalalaman pa kaninang I can legally kiss you, hug you and touch you."
"I'm serious."
"Bakit minarkahan mo ako, kung hindi mo ako type?"
"I'm interested to your personality."
"Tse! Ewan ko sa 'yo! Matulog ka na nga!"
"Sabay na tayong matulog."
"Oh my pinky–"
BINABASA MO ANG
When She's 18
VampireKilalanin si Ercole Marjery Santillan, ang babaeng nangarap na respetuhin at mahalin ng mga taong nakapaligid sa kanya. Ano nga kayang mangyayari kapag nalaman na niya ang tunay na dahilan kung bakit hindi siya nirerespeto ng mga ito? Patuloy niya p...