𝑪𝒉𝒂𝒑𝒕𝒆𝒓 24

1.1K 26 0
                                    

Ercole's POV:

Nagising ako dahil sa init ng likidong tumama sa sugat ko. Nasa mansion na kami ni Zae at kasalukuyang ginagamot na niya ang sugat ko.

"Paano tayo nakauwi?" tanong ko.

Oo, naguguluhan ako. Babangon na sana ako nang bigla niya 'kong isinaldak sa kama.

"Huwag ka munang bumangon. Masakit pa ang katawan mo. Ang mabuti pa, magpahinga ka muna."

"Paano 'tong damit ko? Tignan mong ang dumi–" Ngayon ko lang napansin na hindi ko na suot 'yong dress ko.

"Lumilitaw lang ang vampire dress mo kapag nagbabago ka ng anyo."

"Sabi ko nga."

Kumuha siya ng panibagong bulak. Nilagyan niya ito ng betadine at saka niya ipinahid sa sugat ko.

"A-Aray!" daing ko.

"Ilan ba ang nakalaban mo?" tanong niya.

"Pito."

"Seryoso?"

"Oo nga. Bakit? Ilan ba 'yong sa 'yo?"

"Isa."

"So ako talaga 'yong tinarget nila?"

Tumango siya. "Mabuti naman at hindi ka napatay sa dami nilang 'yon?"

"Paano? Ako 'yong nakapatay!" may pagkahambog kong sabi.

Gaya ng inaasahan, lumamukos ang mukha ni Zae. Para siyang nilamukos na papel na kahit anong plantsa ang gawin, hindi na babalik ang itsura sa dati.

"Anong nangyari sa mukha mo?" tanong ko.

"Wala. Nayabangan lang ako sa 'yo."

"Talaga namang pinagyayabang ko ang kagitingan ko eh!"

"Fucking crazy."

"Eh 'di wow!"

"Sabihin mo nga sa akin, anu-ano 'yong mga naging kagitingan mo?"

"Hmm, may binalian lang naman ako ng buto tapos hindi pa 'ko nakuntento, tinanggalan ko ng braso. Marami akong naging kagitingan eh, kaso nakalimutan ko na."

"'Yan ang hirap sa 'yo eh. Magkukuwento ka na lang, 'yon pang hindi detelyado. Hindi ka puwedeng maging writer."

"Hindi ko naman pinangarap maging writer eh."

"Mabuti."

"Pero alam mo ba? 'Yong lalaking nanabunot sa akin kanina?"

"What about Terrence?"

"Siya 'yong dahilan kung bakit may galos ako sa pisngi. May in-inject siya sa akin. Sabi niya, magdidilim daw ang paningin ko at mawawalan ako ng malay kapag tumalab na sa akin 'yong likidong itinurok niya. Alam niya kung kailan tatalab sa akin 'yong in-inject niya."

"'Yon ang kakayahan nila, ang gumawa ng mga likido na puwedeng magdulot ng panganib o 'di kaya'y papatay sa atin. 'Yon ang kakayahan nila na wala tayo. Hindi lang basta-basta likido ang ginagawa nila. Minsan 'yong mga likidong iyon, nakakapagpabura ng ala-ala."

"Gano'n? Sana hindi mabura ang ala-ala ko kapag umepekto na sa akin 'yong likido."

Hinawakan niya ang kamay ko.

"Sana nga dahil ayokong makalimutan mo 'ko, Ercole."

Napalunok ako nang sunod-sunod. Hey, Ercole! Huwag kang assuming! Baka nakakalimutan mo, may Piurne siya!

"Oo naman, Zae. Hindi kita makakalimutan dahil naging bahagi ka na ng buhay ko. You became my savior."

Ang bigla niyang pagyakap sa akin ay nagdulot ng kakaibang kuryente sa katawan ko. Ganito pala kapag 'yong bampirang mahal mo ang yumakap sa'yo.

When She's 18Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon