Kinabukasan.October 3, Tuesday.
Ercole's POV:
Nagising ako dahil sa putak ng inahin. Inis kong tinignan ang babaeng nanira ng tulog ko. Oo, bampira 'yong inahing tinutukoy ko.
Nakakainis. Hanggang pagtulog ko ba naman, si Piurne pa rin ang maninira? Sinira na nga niya ang pangarap ko na maging kami ni Zae tapos pati ba naman pagtulog ko, sisirain niya?
Nang mapatingin sa akin si Piurne ay agad kong ipinikit ang mga mata ko. I need to pretend that I'm still sleepy. Malay natin? She'll grab the opportunity to show her plasticity.
"Ercole Marjery Santillan, napakagandang pangalan ngunit ahas naman ang nagmamay-ari. Inakit mo ba si Zaerus? I can't imagine na ipagpapalit niya 'ko sa isang pangit na tulad mo. Sa dami ba naman ng puwede niyang markahan, bakit ikaw pa na mangmang? Well, galing ka sa royal family tulad niya kaso brainless ka naman pero thanks ah? Kasi hindi mo natutunang mahalin si Zaerus! Alam mo kung bakit? Kasi hindi mo na 'ko pinahirapan pa na pabalikin siya sa akin! Alam mo ba kung anong gagawin ko kung sakaling minahal mo siya? Simple lang. Ipapain kita sa mga Moon Vampire. Handa akong i-prepare ka bilang dinner nila para lang mawala ka sa landas ko pero hindi ko gagawin 'yon dahil sabi mo nga, hindi mo siya mahal."
"Tulog-mantika ka pala, Ercole. Ang pangit mong matulog kaya hindi ka magugustuhan ni Zaerus. Pupunta muna 'ko sa kusina ah? Ako kasi ang magluluto ng breakfast niyo! Oh ano? Feeling señorita ka ngayon? Bye bye!"
Pinky taena. Dinilat ko ang mga mata ko. Nag-uusok ang ilong ko dahil sa pinagsasasabi niya.
"Iyon ba ang meron si Piurne na wala ako? Plasticity? Kung alam ko lang na gano'n ang type ni Zae, eh 'di sana, noon pa man nagpakaplastik na 'ko! Pinky G.R.R.R!"
Bumangon ako para isuot ang pinky slippers ko. Oo, pink ang favorite color ko.
Si Zae kaya? Ano kayang favorite color niya?
Dumiretso ako sa sala. Mamaya na 'ko pupunta sa kusina kapag nakalayas na 'yong impakta. Paniguradong maisusuka ko lang ang kakainin ko sa ka-cheap-pan nila ni Zae. They are not pinky sweet. Eww.
"Ercole."
"Hay cheap–Zae!"
Zae sat beside me. Hindi nakaligtas sa paningin ko ang pagtitig niya sa akin. Naka-focus sa mukha ko ang mala-perpekto niyang mga mata.
"May masakit pa ba sa 'yo?" tanong niya. Kahit cold ang boses niya, naramdaman ko pa rin na nag-aalala siya.
Na-pinky touch naman ako.
"Kumusta ang pakiramdam mo?"
"Heto, hindi pa rin masyadong okay. Mahapdi pa rin 'yong sugat sa magkabilang pisngi ko. Pati 'yong katawan ko, nanghihina pa rin. Huwag muna kaya akong pumasok?"
Actually, dinahilan ko lang naman na masakit ang katawan ko kahit hindi naman talaga. 'Yon lang kasi ang alam kong paraan para hindi niya 'ko payagang pumasok. Bukod sa tinatamad ako, kung papasok naman ako, paniguradong hindi si Zae ang makakatabi ko. Sure namang sila ni Piurne ang magtatabi sa bus. Baka ma-bitter lang ako kaya dito na lang ako.
"Sige, huwag ka munang pumasok pero hindi ka puwedeng maiwan mag-isa."
"Bakit? Natatakot ka ba na baka salakayin ako ng mga Moon Vampire? Zae, maliwanag pa. Hindi ako masusugod ng mga 'yon at saka isa pa, hindi nila alam na nandito ako kaya makampante ka na safe pa rin ako kahit mag-isa lang ako rito."
"Paano kung gabihin ako? Paano kung sa VUOB ako magpalipas ng gabi?"
"Zae, alam kong uuwi at uuwi ka pa rin kaya huwag mong gawing big deal 'yong sinasabi mo dahil hindi mo naman magagawa 'yon."
BINABASA MO ANG
When She's 18
WampiryKilalanin si Ercole Marjery Santillan, ang babaeng nangarap na respetuhin at mahalin ng mga taong nakapaligid sa kanya. Ano nga kayang mangyayari kapag nalaman na niya ang tunay na dahilan kung bakit hindi siya nirerespeto ng mga ito? Patuloy niya p...