October 11, Wednesday.Ercole's POV:
Sa mansion pa rin ako nag-stay at natulog kagabi. Gusto ko mang umuwi na kay Zae pero ayaw akong payagan ni Mommy. Medyo nakakahinga na nga ako nang maluwag dahil wala pa ring mga Moon Vampire na sumalakay rito noong nakaraang dalawang gabi. Ibig sabihin, hindi nila alam na nandito na ulit ako.
Kasalukuyang nasa hagdan na 'ko nang mapahinto ako. Narinig ko kasi ang pinag-uusapan nina Mommy at Daddy malapit sa kinaroroonan ko. Mukhang seryoso ang pinag-uusapan nila. Wala akong marinig na biro o kahit na anong prangka.
Nakatayo sila, hindi kalayuan sa hagdan. Magkaharap na nag-uusap. Medyo malakas ang boses nila. Hindi malabong marinig ko sila.
"Kumusta ang anak mo?" tanong ni Daddy kay Mommy.
"Hayun, nagsusuka pa rin," malungkot na pagkakasabi ni Mommy.
Nakakainis naman. Hanggang ngayon nasusuka pa rin ako.
"Sinabi mo na ba sa kanya?" Biglang sumeryoso ng ayos si Daddy.
Umiling lang si Mommy.
"Hanggang kailan mo ba ililihim sa kanya ang lahat, Nadeia?"
Bigla akong natigilan. Lihim? Meron na namang inililihim sa akin si Mommy?'
Bumilis ang tibok ng puso ko. Lumakas ang pintig nito, katunayan na kinakabahan ako. Kinakabahan akong may malaman na naman akong hindi matanggap ng kalooban ko.
Ano na naman bang sikreto ni Mommy?
"Hindi ko alam pero tumitiyempo lang ako ng tamang oras, Benedict. Hindi pa maayos ang lagay niya kaya hindi magandang malaman niya na 'yon ngayon. Masama ang pakiramdam niya at ayokong makadagdag sa ikakasakit ng damdamin niya," madamdaming sabi ni Mommy.
"Kung sakaling malaman na ni Ercole ang katotohanan? Ituturing pa ba niya 'kong ama niya?" tanong ni Daddy.
Kulang na lang bumagsak ako sa kinaroroonan ko. Anong sinasabi ni Daddy?
"Sa tingin ko naman, oo. Minahal mo si Ercole. Marahil sa una, hindi niya matatanggap pero darating din ang panahon na matatanggap din niya na hindi talaga ikaw ang ama niya."
Daig ko pa ang sinaksak ng sampung beses. On the spot akong nakaramdam ng sakit. Nabigla ako sa mga narinig ko. Kaunti pa lang ang naririnig ko pero bumibigay na kaagad ang katawan ko, paano pa kaya kapag narinig ko na lahat? Baka naman ikamatay ko na. Umaagos na pababa sa pisngi ko ang mga luhang hindi ko alam kung paano namuo. Nasasaktan talaga 'ko.
Namalayan ko na lang na kumikilos na ang mga paa ko. Bumaba ito nang dahan-dahan sa hagdan. Nang makababa ako nang tuluyan, lumapit ako nang kaunti sa puwesto nila. Mas mabuti nang dito na lang ako para marinig ko ang lahat. Siguro, ito na ang tamang oras para masaktan ako. Kailangan ihanda ko na ang sarili ko sa susunod na maririnig ko. Hindi nila dapat ako makita. Ayokong maputol ang pakikinig ko. Sadyang uhaw na uhaw na 'kong malaman ang buong katotohanan. Sana hindi 'yon ipagkait ng pagkakataon.
"Ikaw ang inaalala ko, Nadeia. Kung magagalit siya sa akin ay mas magagalit siya sa 'yo. Sana kayanin mong tanggapin ang lahat ng sakit, oras na malaman na niya ang lahat."
"Kung magiging handa man ako, mawawala ang kahandaan ko kapag narinig ko na ang sumbat ng anak mo. Kahit anong gawin ko, masasaktan pa rin ako dahil mananaghoy ang anak natin dahil sa kagagawan ko," umiiyak na sabi ni Mommy.
"Nadeia..."
"B-Benedict, ang intensyon ko lang naman ay tigilan na tayo ng mga Moon Vampire dahil simula't sapul, itinuring na nila tayong kaaway, na puwede nilang patayin at kainin."
BINABASA MO ANG
When She's 18
VampiriKilalanin si Ercole Marjery Santillan, ang babaeng nangarap na respetuhin at mahalin ng mga taong nakapaligid sa kanya. Ano nga kayang mangyayari kapag nalaman na niya ang tunay na dahilan kung bakit hindi siya nirerespeto ng mga ito? Patuloy niya p...