𝑪𝒉𝒂𝒑𝒕𝒆𝒓 49

675 15 0
                                    

Ercole's P.O.V:

"Guys, recess tayo?" pag-aaya sa amin ni P.O. Yencel.

"Sige! Basta ba manlilibre sina President Zaerus at Secretary Ercole!" masayang sabi ni PIO Thereze, na siyang nakakuha sa atensyon namin.

Totoo ba 'to? Si PIO Thereze, nagkaka-emosyon na rin?

"Why are you staring at me, guys?" magkasalubong ang kilay na tanong ni PIO Thereze.

"Bakit ang saya mo?" tanong din ang isinagot namin.

"Bakit? Masama ba?" Sa tono ng pananalita ni PIO ay malapit na siyang mamersonal.

Wala nang umimik sa amin, sa pag-aakalang malapit nang sumama ang timpla ni PIO Thereze pero laking-gulat namin nang hatakin niya kami papunta sa canteen.

May bulungan na naman kaming narinig. Ano pa nga bang bago?

Dahil marami kami, napagdesisyunan naming maghati sa tatlo. We occupied three tables. Sila Zae, PO Yencel, PO Ryle, Aikz at Ken ang kasama ko sa isang table.

"Guys, pupunta na kami sa counter ni VP Ken. Anong ipapabili niyo?" Panay ang kindat ni Aikz habang nagtatanong.

Kasalanan 'to ni Eunice eh. Nang dahil sa kanya, lumabas ang kaabnoyan ni Aikz. Mabuti na lang at dumating siya sa buhay ni Aikz, at least ngayon, tuluyan ko nang nakilala ang pagkatao ni Aikz dahil sa kanya.

Paano naman si Zae? Syempre, ngayon ko lang nalaman na magaling pala siyang kumanta. Except for being handsome and unique, isa 'yon sa magiging dahilan para habulin siya ng mga kababaihan.

After naming masabi ang ipabibili namin ay tuluyan nang nagtungo sa counter sina Aikz at Ken.

"You are a good singer, my lady."

I disgustingly look at him. Pa-humble pala ang isang 'to.

"'Yong sa'yo kaya ang maganda," pagtatama ko.

"Huwag kang pa-humble. Mas maganda 'yong sa 'yo."

"Ikaw 'tong pa-humble eh!"

"Wow! Huwag mo 'kong binabaligtad ah?"

"Ikaw nga 'tong–"

"My goodness! Parehas lang kayong pa-humble! Parehas lang maganda ang boses niyo kaya 'wag na kayong magtalo! Pinamumukha niyo lang sa akin na hindi ako kasinggaling niyo!" mangiyak-ngiyak na paliwanag ni P.O. Ryle, dahilan upang sabay kaming matawa ni Zae.

****

Hapon.

Paglabas ng huling teacher namin ay lumabas na rin ako ng classroom. Sinundan agad ako nila Aikz, Zae at Ken.

"Alright! Makakatawagan ko na naman si Eunice ng buhay ko!" pagyayabang ni baklang Aikz.

Imbis na matuwa ay nalungkot ako. Sa sobrang pagmamahal niya kay Eunice, nakakalimutan na niya 'ko. Unti-unting naglalaho ang friendship namin nang hindi niya nalalaman.

Hindi ako nag-comment sa sinabi niya. Zinipper ko na lang ang bibig ko dahil once na magsalita ako, baka hindi ko mapigilan ang sarili ko na manumbat, magalit at umiyak.

Nagseselos ako. Na-miss ko 'yong closeness namin ni Aikz noong nasa human world pa kami. Halos hindi kami mapaghiwalay before. He was my savior everytime there was someone who attempted to insult me. He never wanted to leave me but now? Everything was change. 'Yong mundo ko, pati ako.

Simula noong makilala ko ang mundong ito, si Zae na ang naging tagapagligtas ko. Hindi na pumapel si Aikz.

"Escort Aikz, hindi ka ba naiilang?" nag-open ng topic si Ken.

"Saan naman ako maiilang?"

"Senior High School na tayo pero na-in love ka pa rin sa isang Junior. Let's get straight to the point, Escort Aikz. Eunice is too young for you."

"But according to humans, age doesn't matter dahil ang mahalaga, nagmamahalan kami." At biglang napatakip ng bibig si Aikz. "Oops! Ako lang pala pero hindi eh! Feeling ko, unti-unti na akong nagugustuhan ni Eunice! Binigay na nga niya 'yong cellphone number niya sa akin eh!"

"Binigay niya iyon para matawagan mo siya in case na kailanganin mo ng tulong niya. I need to destroy your imagination. What if, mali ka ng akala? What if, one sided love lang ang maranasan mo? Anong gagawin mo?"

"Grabe! Ang sakit ah!"

"That's the point. Ako palang 'tong nagsasabi sa 'yo pero nasasaktan ka na pero paano kung siya na? Anong mararamdaman mo kapag sinabi niya sa 'yong hanggang magkaibigan lang kayo?"

****

Gabi.

Aikz's POV:

Ilang beses ko ng kino-contact ang number ni Eunice pero cannot be reach pa rin. Potek. Nag-aalala na ako sa kanya. Ayokong isipin na may masama ng nangyari sa kanya.

Sana naka-airplane mode lang ang phone niya kung hindi man, naka-off o kaya'y lowbat na. Wait a minute. Baka in-off niya talaga ang phone niya kasi alam niyang tatawagan ko siya? Baka alam na niyang gusto ko siya kaya niya ginawa 'yon?

"Pero sino namang magsasabi sa kanya? Kilala ko sila, kahit gano'n ang attitude nila, they used to keep secrets," bulong ko sa sarili ko.

Ilang minuto lang ang nakalipas at may tumawag sa akin. Sa pag-aakala kong si Eunice ang tumatawag ay binuksan ko kaagad ang phone ko.

Nawalan ako ng sigla nang makita kong si Ercole ang tumatawag.

"Hello! Good evening! Anong lagay–"

"Aikz, may kailangan kang malaman!"

Bigla akong kinabahan. Sa tono ng pananalita ni Ercole ay natatakot siya. Potek! May nangyayari bang hindi maganda?

Kailangan, malaman ko ang sasabihin niya. Pinilit kong pigilan ang kaba ko. Kung maaari lang lunukin ito, gagawin ko para lang hindi ako magkaganito.

"A-anong kailangan kong malaman, Ercole?" bakas ang panginginig sa boses ko.

"Huwag kang mabibigla pero si Eunice..."

"A-anong nangyari kay Eunice?!"

"Nawawala si Eunice!"

Sapat na ang narinig ko para mawala ako sa sarili ko. Kung nananaginip man ako, sana magising na ako.

"Hello Aikz! Nandyan ka pa ba? Hello! Magsalita ka naman!"

Saan ko sisimulang hanapin si Eunice?

When She's 18Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon