Aikz's P.O.V:Good morning, Wednesday.
Pagkagising ko palang ay dumiretso na kaagad ako sa kitchen. Shockness registered to my face nang madatnan ko sina Mom and Dad na nasa hapag-kainan na at ako na lang ang hinihintay.
"Mom! Dad!"
They both look at me then smile. Nilapitan ko sila nang may ngiti sa labi. Sa gawing kaliwa ako naupo, kung saan wala akong makakatabi habang sa kanan nakaupo ang parents ko. Bale kaharap ko sila.
"Kailan pa kayo dumating?" pagbasag ko sa katahimikan.
"Kaninang madaling-araw lang," my Mom answered.
"Bakit inabot kayo ng gano'ng oras?"
"Dumaan pa kasi kami sa pinsan mo."
'Ahh. Kaya naman pala.'
Natapos kami sa pagkain na si Mom lang ang nakausap ko. Hindi palabida si Dad kaya hindi siya nakikisali sa bidahan naming mag-ina.
Umakyat ulit ako sa taas para kuhanin ang tuwalya at mga susuotin ko at saka ako pumunta sa katabi ng kuwarto ko, which is the shower room. Tapos nasa kabila n'on ang CR. Take note, solo ko 'yon.
'Galante sa shower at CR eh!'
Pagkatapos kong maligo, lumabas ako na suot ang uniporme. Bumalik ako saglit sa kuwarto ko. Inayos ko muna ang lahat, dinamay ko na rin ang sarili ko at saka ako bumaba.
Naabutan ko ang parents ko na seryosong nag-uusap. Medyo na-curious ako sa pinag-uusapan nila kaya naman nakitsismis ako.
'Oo na, tsismoso ako!'
"Arvie," Mom uttered my Dad's nickname.
"Bakit, Andy?" Dad asked her.
"N-natatakot ako."
Halos mapaatras ako nang makita ko ang pag-iyak ni Mom. Ngayon ko lang siya nakitang umiyak.
"Andy, you don't have to be afraid."
"But I can't control myself!"
"Ssh! Stop. Hindi mo kailangang matakot, Andy. You know that Aikz is taking care of her. You don't have to worry okay?"
Teka. Si Ercole ba ang pinag-uusapan nila? Well, great. Panibagong istorya na naman ng bampira ang pinag-uusapan nila.
Oo. Bampira si Ercole, hindi dahil sa minarkahan siya ng pinsan ko kung hindi dahil bago pa man siya angkinin ng pinsan ko ay may dugong bampira na siya. Naging malala lang ang sitwasyon niya dahil gano'n talaga ang isang babaeng bampira kapag mag-e-18 na siya, plus, may marka na siya kaya naman gano'n na lang kalala ang naging kilos niya kahapon.
Hays.
'Kung 'di pa ako dumating, baka may napatay ka na, Ercole.'
Isang buntong-hininga muna ang pinakawalan ko at saka ko naisipang bumalik sa kuwarto. Hindi na ako magtitiyagang makinig sa usapan ng parents ko, lalo na nang nalaman kong si Ercole ang topic nila dahil alam ko na kung anong pag-uusapan nila.
A/N:
Sobrang ikli ng update. 'Yan, pinangunahan ko na kayo hehe.
~Chancet_13
BINABASA MO ANG
When She's 18
VampirosKilalanin si Ercole Marjery Santillan, ang babaeng nangarap na respetuhin at mahalin ng mga taong nakapaligid sa kanya. Ano nga kayang mangyayari kapag nalaman na niya ang tunay na dahilan kung bakit hindi siya nirerespeto ng mga ito? Patuloy niya p...