Sa mga co-writers ko diyan, mapa-famous man or underrated, I just want to say na kahit ano ka pa sa dalawang 'yan, you're a good writer. Magsulat ka not for popularity, magsulat ka kasi 'yan ang gusto mo, 'yong tipong hindi ka napipilitan sa ginagawa mo. Keep writing kahit minsan, mali na 'yong format ng sentence mo. Keep writing, kahit minsan, nalilito ka na kung past, present or future tense 'yong word na ilalagay mo. Keep writing, kahit mali-mali 'yong English mo, sa pagkakamali naman tayo nagsisimula dahil ako, diyan din ako nagsimula at hindi pa rin ako nakakaalis hanggang ngayon.
Ang dami kong errors na nagawa, naranasan kong ma-bash ng isang tao kahit na nasa maliit na yugto palang ako pero hindi ako sumuko, kahit minsan, pinanghihinaan na ako. Oo, may time na napapagod na akong magsulat pero imbis na mag-quit, pahinga muna then continue. Dito ako sumaya, bakit ko 'to iiwan? Dito 'ko kinilig, bakit ko 'to tatakasan? Dito sila naging proud sa akin, bakit ako aalis? Dito ako nagtiwala sa sarili ko, bakit ko ito tatakbuhan?
Kayo rin, sana hindi niyo iwan ang landas na ito. Cheer up, co-writers!
P.S. Huwag kayong magalit kung madalas akong umeepal. Hahaha! Charot lang!
BINABASA MO ANG
When She's 18
WampiryKilalanin si Ercole Marjery Santillan, ang babaeng nangarap na respetuhin at mahalin ng mga taong nakapaligid sa kanya. Ano nga kayang mangyayari kapag nalaman na niya ang tunay na dahilan kung bakit hindi siya nirerespeto ng mga ito? Patuloy niya p...