Ercole's POV:Palabas na kami ng room nang biglang umalingawngaw ang hiyawan at tilian ng mga estudyante. Nagkakagulo ang lahat. Kung saan-saan sila nagpupunta na para bang hindi sila mapalagay kung saan sila dapat magtago. Pinilit naming lusutan ang mga nagkakagulong estudyante. Hindi na kami nagtanong pa kung anong nangyayari dahil may ideya na kami. Pagkababa namin ng Senior High Building, dali-dali kaming pumunta sa VUOB. Naabutan namin ang ibang members na naghahanda na para sa...sabi ko na nga ba.
Pero bakit gano'n? 'Di ba gabi lang sila lumilitaw kasi malalapnos sila sa liwanag? Baka naman mali ang nakita ni Tita Yzel sa pangitain niya? Baka hindi lang gabi lumalabas ang mga Moon? Syete naman!
"Nasaan sina Ken at Zae?" nag-aalalang tanong ko nang makita kong hindi nila kasama 'yong dalawa.
"Hindi namin alam, Secretary." sagot ni Muse Lauren.
Hindi ako mapakali. Saan ba sila nagsisisuot?
Paikot-ikot na 'ko kakaisip kung nasaan sila. Bakit wala pa sila?!
"Secretary Ercole, relax!" pagpapakalma sa akin ni PO Yencel. Napatingin ako sa kanya at saka ko siya niyakap. "Chill, nandyan lang sila!"
"Bakit wala pa sila?" Syete! Pinapaiyak ako ng dalawang 'yon!
Habang nagda-drama ako, napapansin kong nagbabago na ang anyo ko. Ang malaberdeng buhok ko, naging kulay pula. Nagkulay dugo ang mga mata ko at naglabasan ang naglalakihang mga pangil ko. Nagbago na rin ang suot ko. Ang kaninang uniporme ay napalitan ng vampire gown. Nagsihaba ang mga kuko ko. Gano'n din ang nangyari sa iba.
"Hindi na natin kailangan ng materyales na panglaban dahil gagamitin natin ang sarili nating mga kuko para lumaban!" maawtoridad na paliwanag ni PIO Thereze. Seryoso na naman siya.
"Kahit anong mangyari, hindi natin gagalawin si Eunice!" pagsingit ni Auditor Bryle. I pinky understand. Kadugo nila si Eunice at ayaw nila itong saktan.
"Gagawin ko na lang ito para sa kaligtasan ni Eunice." Napatingin ako kay Aikz. "Okay lang kung hindi niya 'ko mahalin pero pinapangako ko, maisasalba natin siya sa labang ito."
Ilang sandali pa, nakikita ko na sina Ken at Zae na papasok na ng office. Sinunggaban ko agad ng yakap si Zae.
"Bakit ang tagal niyo? Nag-aalala na 'ko sa inyo eh!" Hinampas-hampas ko siya sa dibdib. Tinawanan lang niya 'ko na siyang dahilan kung bakit kumunot ang noo ko. "Anong nakakatawa?"
"Nag-aalala ka sa amin? Parang sa akin lang eh."
Syete! Nang-uto pa!
Naka-change-outfit na sila kaya maaari na naming harapin ang laban na walang kaide-ideya kung sino ang leader na makakatunggali namin.
****
Sinasalubong namin ang bawat takbo ng mga students. Halatang takut na takot na sila.
Pagdating namin sa field, naabutan namin ang iba pang mga teachers, Queens at Kings na nag-aabang sa papalapit na kalaban. Nagulat pa 'ko nang makita ko si Dad, as in 'yong totoo kong ama. Kasama niya sila Mommy, Daddy, sissy, Erine, Tita Enzaimee at Ms. Yvone. Teka, kung nandito sina Mommy at Daddy, sinong nagbabantay kay Zaeli?
"Mommy, sinong nagbabantay kay Zaeli?" tanong ko kay Mommy.
"Pinapunta ko sa bahay sila Jared kaysa naman makisali pa sila sa labanang ito."
Napatangu-tango na lang ako. Matagal pa kaming naghintay hanggang sa naaninag na namin ang mga kaaway. Nang malapit-lapit na sila, nakita kong may suot-suot silang coat at makapal na pang-ibaba.
BINABASA MO ANG
When She's 18
VampireKilalanin si Ercole Marjery Santillan, ang babaeng nangarap na respetuhin at mahalin ng mga taong nakapaligid sa kanya. Ano nga kayang mangyayari kapag nalaman na niya ang tunay na dahilan kung bakit hindi siya nirerespeto ng mga ito? Patuloy niya p...