Ercole's P.O.V:
"Tyron, okay ka lang?" tanong ko nang mapansin ko sa front mirror na masama ang timpla ng mukha niya.
He sighed. "Okay lang ako, Princess Ercole."
Nagulat ako sa tinawag niya sa akin.
"Princess?"
"Yeah, princess. Kung hindi niyo po naitatanong, bilang bampira ay mataas ang uri ng pamilya niyo. Ako naman, galing ako sa mga tagapagsilbing pamilya kaya kailangan ko kayong igalang."
"Servant ka? Hindi halata."
"Po?"
"Hindi ko lubos maisip na may guwapo palang servant."
"Huwag niyo po akong bolahin, Princess."
"Hindi kita binobola." I smiled at him. "Pero puwede ko bang malaman kung bakit ako naging mataas?"
"Queen and King ang iyong mga magulang, Princess. Gano'n din ang magulang ni Prince Aikz. Nagmula po kayo sa Royal Blood."
Bigla kaming kinain ng katahimikan. Kaming dalawa na lang talaga ni Tyron ang gising kaso hetong si Aikz, nakatunog. Nagising siya sa tabi ko.
"Bakit hindi ka pa natutulog?" humihikab na tanong niya.
"Hindi ako inaantok eh," sagot ko.
"Bakit?"
"Try mo kayang itanong sa mata ko at baka sakaling sagutin ka. Sa hindi nga ako inaantok. May magagawa ka?"
"Potek!"
****
"Nandito na po tayo," pag-a-announce ni Tyron.
Lumabas na ako ng sasakyan. Sumalubong sa akin ang isang malahiganteng gate na ang nakasulat ay VAMPIRE'S VILLAGE. Mukhang dugo pa ang ginamit para maisulat ito.
Hanggang sa unti-unting bumukas ang gate.
'Wow! Automatic!'
"Tara na sa loob."
Pumasok na kami sa loob. Grabe, magkakaiba ang ayos ng mga bahay. They have not the same colors and sizes. The color of the trees are same to the color of cherry blossom tapos may bermuda grass din. Tama si Aikz, mas maganda nga rito kaysa sa mundo ng mga tao.
Pinagpatuloy namin ang paglalakad hanggang sa...
"Dito kami nakatira," sabi ni Aikz.
Hindi ko naiwasang tumingin sa bahay ni Aikz. Syete! Bahay ba 'yon? Eh parang mansion eh! Isang napakagandang white mansion!
"Dito mo 'ko pupuntahan, kung sakaling kailanganin mo ko," dagdag pa ni Aikz.
Pagpasok nila Aikz sa mansion nila ay lumakad na ulit kami nila Mommy. Huminto kami sa isang mint green na mansion.
"Ito ang mansion natin, Ercole."
Napangiti ako sa sinabi ni Mommy. Syete! Mas maganda pala itong mansion namin kaysa sa mansion nila Aikz!
Two days later...
August 2, Sunday.
Ercole's P.O.V:
"Oh-my-pinky-gosh!" sambit ko nang makita ko ang itsura ko sa salamin.
Syete! Bakit ang aga naman yatang lumitaw ng pagiging bampira ko?
'Yong mata ko, lalong pumula tapos 'yong pangil ko, lagpas lower lip na. Syempre hindi magpapatalo ang skin color ko. Lalo pang pumuti.
"Siyeteng pinagbiyak sa sampu na hindi ko alam kung paano nangyari 'yon oo!" Kung anu-ano na ang lumalabas sa bibig ko. Dahil sa paghiyaw ko kanina na akala mo may sunog ay pinanhik ako nila Mommy.
BINABASA MO ANG
When She's 18
VampirKilalanin si Ercole Marjery Santillan, ang babaeng nangarap na respetuhin at mahalin ng mga taong nakapaligid sa kanya. Ano nga kayang mangyayari kapag nalaman na niya ang tunay na dahilan kung bakit hindi siya nirerespeto ng mga ito? Patuloy niya p...