August 10, Monday.
Ercole's P.O.V:
Three days.
Three days ko na siyang hindi naaabutan paggising sa umaga. Tatlong araw na siyang pumapasok nang maaga. Noong Sabado't Linggo, hindi ko siya nakasama dahil sa VUOB siya nagpalipas ng gabi. Ngayon, Lunes na naman. Pang-apat na araw na niyang ginagawa 'yon.
Kasalukuyang nagluluto ako ng almusal. Naglabas ako ng dalawang hotdog na payat. 'Yan lang naman ang gusto niyang ipaulam sa akin.
Hays. Naalala ko tuloy 'yong unang araw ko siyang ipinagluto.
"Bakit wala pang nakahain?" inis akong tumingin sa kanya. "Akala ko pa naman pakakainin mo 'ko ng masarap kaya maaga mo 'kong pinagigising."
Tinaasan niya ako ng kilay. Hindi pa nakuntento at nangunot-noo pa.
"Ano ka? Sinusuwerte? Libre ang pagtira mo sa mansion ko kaya naman kailangan mong paghirapan ang pagiging libre mo."
Kulang na lang ay mahulog ang panga ko.
"Pagsisilbihan mo 'ko, Ercole. 'Yon ang kapalit ng pagliligtas ko sa 'yo at pagtatakas ko sa 'yo kaya wala kang karapatang magreklamo."
"Syete! Mas gusto ko pang mamatay kaysa ang pagsilbihan ka!"
"Tss. Ang sabihin mo, hindi ka marunong sa gawaing-bahay."
"No way! Expert kaya ako!"
"Gawa hindi salita."
"Syete! Nakakainis ka! Akala ko pa naman nagmabuting loob ka, 'yon pala, manghihingi ka ng kapalit! Impakto!" Nilabas ko ang sama ng loob ko nang nasa kusina na ako.
Binuksan ko muna 'yong gasul bago ko sinindihan 'yong kalan pagkatapos, sinalang ko 'yong kawali. Nilagyan ko na rin ng mantika. Pinky yes! Same lang ang buhay naming mga Sun Vampire sa buhay ng mga tao!
Mayamaya pa'y lumapit ako sa ref. Wow! Ang dami niyang stock na ready to cook sa ref niya! Siguro, matakaw siya. Sa sobrang dami ng stock niya, hindi ko alam kung anong lulutuin ko kaya tinanong ko siya.
"Zaerus!"
"What?"
Kailangan na yata ng boses niya ng jacket.
"Ano bang gusto mong kainin, kamahalan?"
"Hmm...cook some fried eggs. Gusto ko 'yong may yolk sa gitna. Magsama ka na rin ng tocino at ham. 'Yong hotdog na lang ang sa 'yo."
Napalingon ako sa kanya.
"Ilang supot po ba ng tocino at ham ang gusto niyo tapos ilan pong itlog?" Syete! Nakakabanas siya!
"Tig-isa lang. Hindi ako matakaw kaya okay na rin sa akin 'yong dalawang itlog."
Lihim akong natawa sa sinabi niya. Wow! Hindi raw siya matakaw! Hiyang-hiya naman 'yong pagkaing pinaluluto niya sa kanya.
"'Yon lang po ba?"
"Yeah. Dalawang piraso lang ng hotdog na payat lang 'yong sa 'yo. Kailangan rin kasi nating magtipid 'pag may time."
Syete! Ginagago ba niya ako?
Natawa ako.
Iyon ang unang araw kung saan muntik na akong mag-alburuto sa inis. Pagsisilbihan ko raw siya? Nakakatawa.
Sabi pa niya, hindi raw siya matakaw. Halos tig-isang supot na nga ng tocino at ham ang ipinaluto niya! May dalawang itlog pang kasama ha!
Pero aminin ko man o hindi, nami-miss ko na siya. Nakakainis. Nang dahil sa ginagawa niya, imbis na matutunan kong kalimutan ang nararamdaman ko para sa kanya, ang natutunan ko ay 'yong bigyan siya ng halaga at mas lalo pa siyang mahalin. Lumayas pa kasi eh!
BINABASA MO ANG
When She's 18
VampireKilalanin si Ercole Marjery Santillan, ang babaeng nangarap na respetuhin at mahalin ng mga taong nakapaligid sa kanya. Ano nga kayang mangyayari kapag nalaman na niya ang tunay na dahilan kung bakit hindi siya nirerespeto ng mga ito? Patuloy niya p...