Erine's POV:Nang makawala si Ercole ay kaagad namin siyang sinundan.
"Dad," kaagad kong tinawag si Dad nang makita ko siya.
May isang Ginang na tumingin sa akin. Nagtataka niyang tinitigan ang mukha ko at aaminin kong naiilang ako sa ginagawa niya.
Obviously, hindi lang naman siya ang nagtataka sa nakikita niya. Marami sila at pinagbubulungan na nga ako ng ilan.
"Oh my gosh! Sino siya? Bakit magkamukha sila ni Princess Ercole?"
"Oo nga 'no? Buhok lang ang pinagkaiba nila!"
"Dad."
Magsasalita na sana siya kung hindi lang sumabat ang Ginang.
"Meul, siya ba ang kakambal ng anak natin?" tanong ng Ginang, dahilan para mapatingin ako sa kanya.
S-she's my Mommy?
Hindi nag-respond si Dad sa tanong ng Ginang. Kasabay n'on ang pagtawag sa akin ni Ercole.
"Erine." sabi ni Ercole sabay lapit niya sa akin. Tinignan niya muna saglit ang anak niya at saka siya tumingin sa Ginang. "Mommy, si Erine, ang twin sister ko. Buhay siya, Mommy."
Ramdam kong nagdikit ang katawan namin ng Ginang. Ang higpit ng yakap niya sa akin.
"A-Anak." Finally, narinig ko na rin ang matagal ko ng pinapangarap na marinig sa mahal kong ina. Ang tawagin niya akong anak.
"Kaytagal mong nawalay sa akin, anak. Ang akala ko nga, pinatay ka na ng Dad mo kaya hindi ko lubos akalain na magkikita pa tayo. Ang saya-saya ko..."
"Mommy, bakit niyo 'ko iniwan?" Sinimulan ko nang hanapin ang kasagutang kaytagal ko ng nais na malaman.
Here I am
Alone and I don't understand
Taos-puso kong dinama ang paghaplos niya sa aking pisngi. Ang sarap pala sa pakiramdam kapag nadama mo na ang haplos ng inang kaytagal mo nang pinapangarap na makasama.
Exactly how it all began
The dream just walked away
I'm holding on
When all but the passion's gone
"Anak, patawarin mo 'ko. Pareho ko naman talaga kayong kukunin noon kung hindi ka lang nakuha sa akin ng Dad mo. Maniwala ka, paulit-ulit kitang binalikan pero ayaw kang ipakita sa akin ng Dad mo, to the point na naisip ko na baka patay ka na. I'm so sorry! Sorry!"
And from the start
Maybe I was tryin' too hard
It's crazy coz it's breakin' my heart
Things can fall apart but I know
That I don't want you to go
"Ano pa nga bang magagawa ko? Nangyari na 'yon eh. Naiwan mo na ako pero okay na iyon kasi nandito ka na ulit. Kaytagal kong pinangarap na makita ka at heto na 'yon, makakasama na kita. Napakasaya ko, Mommy!"
And heroes die
When they ignore the cause inside
But they learn from what's left behind
And fight for something else
And so it goes
That we have both learned how to grow
BINABASA MO ANG
When She's 18
Ma cà rồngKilalanin si Ercole Marjery Santillan, ang babaeng nangarap na respetuhin at mahalin ng mga taong nakapaligid sa kanya. Ano nga kayang mangyayari kapag nalaman na niya ang tunay na dahilan kung bakit hindi siya nirerespeto ng mga ito? Patuloy niya p...