Ercole's P.O.V:Akala ko, may magbabago, na kapag nandito na ako, wala na 'kong maririnig na masasamang bulungan tungkol sa akin pero nagkamali pala ako.
Huminga ako nang malalim. Sumisikip na naman ang paligid na nakalaan para sa akin. Sa sobrang sikip, lumalapit sa akin lahat ng masamang pangyayari.
Kasalukuyang nasa kalagitnaan na kami ng biyahe. Heto ako, katabi ko si Zaerus. Kung may iba nga lang akong kakilala rito, hindi ko siya tatabihan.
Kanina ko pa gustong sabunutan ang sarili ko. Bakit kasi minarkahan pa 'ko ng lalaking ito, eh hindi niya naman ako type?
Syete! Ayokong makasal sa bampirang hindi ko mahal!
"What are you thinking, my lady?"
Nakangiwi kong pinagmasdan si Zaerus.
"Hey. What's with that face? You look ugly."
Tinignan ko siya nang masama. "Bakit ako ang napili mo kung mukha akong ugly?"
"Para kapag iniwan mo 'ko, hindi ako manghihinayang sa 'yo at para hindi ako ma-fall sa 'yo! Pft!"
Teka. Bakit magkaiba ang rason niya? Last night, sabi niya sa akin, interesado siya sa personality ko tapos ngayon...
Lalong sumama ang timpla ko hanggang sa hindi ko napigilang hampasin si Zaerus.
"Syete kang lalaki ka!" Pinaulanan ko siya ng hampas.
"Aray. Masakit."
"Marunong ka palang masaktan."
"Tsk."
"Kahina-hina lang ng hampas ko, nasasaktan ka na."
"You're so fucking childish," aniya at sa labas na siya tumingin.
Nakarinig na naman ako ng bulungan. Talaga namang sinasabayan nila ang pagtahimik namin ha? Hindi ako nagdalawang-isip na pakinggan sila.
"Who's that girl? I think, ngayon ko lang siya nakita?"
"Ako rin. Bakit nakadikit siya kay Prince Zaerus?"
"Baka nagpapa-cute!"
"As if namang ma-notice siya ni Prince Zaerus!"
"Napansin nga siya eh!"
"Ah gano'n? Attention seeker pala siya eh!"
"Sinabi mo pa!"
"Saan kaya nanggaling ang losyang na 'yan?"
Syete! Ako? Losyang?
"Baka sa simenteryo! Baka patay na muling nabuhay!"
BINABASA MO ANG
When She's 18
VampirKilalanin si Ercole Marjery Santillan, ang babaeng nangarap na respetuhin at mahalin ng mga taong nakapaligid sa kanya. Ano nga kayang mangyayari kapag nalaman na niya ang tunay na dahilan kung bakit hindi siya nirerespeto ng mga ito? Patuloy niya p...