Ercole's POV:
Sobrang takot na takot na ako. Masyado nang malalim ang gabi. Malamig na pero naiinitan pa rin ako. Tumatagaktak ang pawis ko na sinabayan pa ng ubod lakas at bilis na kalabog ng puso ko. Kinakabahan ako na baka sa isang hakbang ko lang ay isa-isang magsisalakay ang mga Moon Vampire.
"Natatakot ako, Zae!" Hindi ko na napigilan pang magsalita.
Tumingin sa akin si Zae ngunit hindi iyon naging dahilan para tumigil kami sa paglalakad. Lakad-patakbo na ang ginagawa namin kaya lalo akong ninenerbiyos. May nararamdaman na kaya ang isang ito kaya bigla kaming nagmadali?
Naging mabilis ang paglalakad niya kaya may mga oras na naiiwan niya 'ko. Dinaig pa niya 'yong snail na si Turbo.
"Zae, bakit?" tanong ko nang tumigil siya sa paglalakad.
"Nandito na sila."
The fear slowly drawn on my face. "Talaga ba?"
Mas bumilis ang paglalakad namin, to the point na sumasadsad na ang mga paa namin sa lupa. Madumihan na kung madumihan kaysa naman sa malapa.
"Ercole."
Tumingin ako sa kanya. Binigay niya sa akin 'yong maleta ko.
"Zae, bakit?"
"In the count of three, tatakbo tayo."
"Ha?"
"1."
"Ano? Hindi kita naintindihan!"
"2."
"Anong gagawin ko?"
"3."
"Zae, anong–"
"Run!"
Gulat na gulat akong tumakbo. Bawat takbo ko ay may nararamdaman akong sumusunod sa 'kin. Hindi lang isa, marami sila. Parami nang parami. Papalapit na sila nang papalapit kaya lalo ko pang binilisan. Takbo lang ako nang takbo hanggang sa nasubsob ako.
Syete! Bakit ngayon pa umarya ang katangahan ko?
Tatayo na sana ako nang makita kong nakapaikot na ang mga Moon Vampire sa akin. There are 7 ugly vampires.
"Isa laban sa pito? It's pinky unfair!" maangas kong sabi.
Napangiwi ako nang mapadako ang paningin ko sa tuhod ko. Nagkasugat ako dahil sa pagkakasubsob ko.
Tumayo ako. Pinagpag ko muna ang kasuotan ko at saka ako tumingin sa kanila.
"What do you want from me? Gusto niyo ba 'kong gawing hapunan?" Ewan ko ba kung saan ako humuhugot ng lakas ng loob para sabihin ang mga 'yon pero 'yong totoo? Nag-e-enjoy ako sa ginagawa ko.
"Ano ka ba, mahal na Prinsesa? Hindi ka namin kakainin dahil kalahi ka namin," sabi ng isa sa kanila. So isa siya sa mga bampirang nagtangkang kumuha sa akin noong birthday ko?
"Ah talaga? Nakakatuwa namang malaman na kalahi niyo 'ko! Pwe! Kung kalahi niyo 'ko, hindi niyo ako sasaktan! Bakit ako maniniwalang kalahi niyo 'ko gayong sa itsura niyo palang, gusto niyo na 'kong gawing dinner?" pang-aasar ko.
"Hindi ka naman namin sasaktan kung wala kang balak na saktan kami."
"Sino namang tanga ang maniniwala sa inyo?!" I removed my red coat. Isinagawa ko ang transformation ko.
May kakaibang dumaloy na dugo paakyat sa ulo ko. Nagkulay dugo ang mata ko. Humaba ang pilantik ng mga kuko ko. Pumuti nang pumuti ang balat ko. Naglabasan ang naglalakihang kong mga pangil.
BINABASA MO ANG
When She's 18
VampirosKilalanin si Ercole Marjery Santillan, ang babaeng nangarap na respetuhin at mahalin ng mga taong nakapaligid sa kanya. Ano nga kayang mangyayari kapag nalaman na niya ang tunay na dahilan kung bakit hindi siya nirerespeto ng mga ito? Patuloy niya p...