Ercole's POV:
Natapos ang klase subalit hindi ang pagdadalamhati ni Aikz. Kanina, pinagmamasdan ko sila ni Zae. Magkatabi silang dalawa. Sa nakikita ko, parang nag-aasaran sila. Akala ko, kahit papaano, nabawasan na ang sakit na nadarama ni Aikz ngunit panandalian lang pala ang kasiyahang naidulot sa kanya ni Zae dahil ang kaninang napapangiti at natatawang si Aikz ay bumalik ulit sa pagiging emosyonal.
Naiintindihan ko kung bakit siya nagkakaganyan.
Mahal na mahal niya si Eunice. Base sa mga kilos na pinapakita niya, halatang baliw na baliw na siya sa babae pero imbis na kilig, kalungkutan ang naidudulot sa kanya ni Eunice.
Buong gabi naming hinanap si Eunice subalit kahit anino man lang niya, hindi namin nakita. Kung saan-saan namin siya hinanap pero sa bandang huli, nabigo lang kami. Wala kaming Eunice na natagpuan. Wala kaming Eunice na nakita, dahilan kung bakit nalulugmok sa kalungkutan ang best friend ko.
Sa tagal na naming magkaibigan ni Aikz, ngayon lang siya nagmahal. Sa pagkakaalam ko, si Eunice ang unang nagpatibok ng puso niya. Ito ang gumising sa natutulog niyang puso pero aaminin ko, hanggang ngayon, nagseselos pa rin ako dahil simula nang mapunta kami ni Aikz sa mundong ito ay nabawasan na ang closeness namin. Kung dati para kaming magnet na hindi mapaghiwalay, ngayon hindi na. Si Eunice na 'yon eh. Si Eunice na ang hindi niya kayang hiwalayan, ito na ang hindi niya kayang tiisin. Nakakalungkot isipin na sa mundong ito magbabago ang lahat sa amin pero anong magagawa ko? Lahat puwedeng magbago. Kahit gustuhin ko man ang isang bagay, kung talagang hindi ito nakatadhanang mangyari ay hinding-hindi ko ito mararanasan.
Gayumpanan, kahit na nagseselos ako, mayroon pa rin akong limitasyon. Mabait pa rin ako kay Eunice kahit pinagseselosan ko siya. Hindi ko magagawang magpakaplastik sa babaeng tunay na iniibig ng kaibigan ko. Ako 'yong tipong hanggang selos lang, walang halong plastikan at siraan.
Magkakasama naming binabagtas ang daan patungong VUOB nang harangin kami nina Trixia at Jairah. Sila ang mga secretary sa Royal Office.
"P-pinapatawag kayong lahat ni Queen Yzel at lahat ng bumubuo sa Royal Empire," naghahabol ng hiningang anunsiyo ni Trixia. Siguro, tumakbo pa sila para lang maabutan kami.
"Bakit daw?" tanong ni Ken at saka niya kami tinignan isa-isa. "Kami lang ba?"
"Hindi. Lahat ng VUO Officers ay kailangang magtungo sa Royal Office, ngayon din," sabi ni Jairah.
"Saglit lang at pupuntahan ko ang ibang miyembro sa taas," paalam ni Ken. Sasama sana 'ko kung hindi lang ako pinigilan ni Zae. Sinenyasan niya akong maiwan na lang ako at siya na lang daw ang sasama kay Ken. Wala akong nagawa kung 'di tumango. Hinatid ko ng tingin ang papalayong sina Zae at Ken at saka ako muling tumingin sa dalawang babae.
"Mukhang importante ang sasabihin ng nakatataas ah?" tanong ko.
"Napakaimportante po, Princess Ercole." si Trixia.
"Kaya siguro pinuntahan niyo kami kaagad."
Mayamaya pa'y nakikita na namin ang papabalik na si Zae kasama ang ilang hukbong sandatahan–este miyembro ng VUO. Syete! Kung anu-ano na tuloy ang sinasabi ko!
"Kumpleto na ba ang miyembro ng inyong organisasyon?" matalinhagang tanong ni Trixia.
Nagsitanguan ang lahat maliban sa amin ni Aikz. Napasenyas si Jairah na maglakad na kami. Mukhang importante nga ang sasabihin ng mga nakatataas. Hindi naman kami pagmamadaliin ng dalawang ito kung hindi. Saglit lang ang inaksaya namin sa daan at kasalukuyang nasa harap na kami ng Royal Office. Pumatiuna si Trixia at saka niya kami pinagbuksan ng pinto. Sinara lang niya ito noong makapasok na kaming lahat.
BINABASA MO ANG
When She's 18
VampiriKilalanin si Ercole Marjery Santillan, ang babaeng nangarap na respetuhin at mahalin ng mga taong nakapaligid sa kanya. Ano nga kayang mangyayari kapag nalaman na niya ang tunay na dahilan kung bakit hindi siya nirerespeto ng mga ito? Patuloy niya p...