August 12, Wednesday.
Ercole's P.O.V:
Nasa school na ako. Kasalukuyang si Ms. Yvone na ang nagtuturo. Gaya ng nakaraang two days, lahat ng mga tinuturo niya, labas-pasok lang sa tainga ko because until now, my attention is still flying somewhere.
Hanggang ngayon, iniisip ko pa rin kung bakit hindi siya umuuwi ng mansion. Oo, hindi siya sa mansion natutulog.
Let's get straight to the point. Nalulungkot ako sa sitwasyon namin. Sa sobrang busy niya, hindi ko na siya nakakasama nang matagal. Maghapon akong nag-ii-stay sa school habang siya, kapag may vacant subject, sa VUOB siya pumupunta. Alam mo kung anong mas matindi? Hindi na niya ako inaayang sumama sa kanya.
Bibihira ko na lang siyang makausap. Napakadalang niya na lang din akong lapitan. Hindi ko alam kung iniiwasan ba niya ako o ano pero sa tingin ko, wala naman kaming napag-awayan kaya bakit tinatrato niya ako nang ganito?
"Ms. Santillan, are you listening?"
Nagulat ako sa biglang pagsasalita ni Ms. Yvone. My eyes widened after I saw her in my front. Syete. I lost my hearbeat.
"Ms. Santillan!" Ms. Yvone shouted at me at saka niya hinampas nang malakas ang armchair ko.
Napalunok ako. Zae was right. Terror Oldie nga ang isang ito.
"Ms. Santillan," biglang huminahon ang boses niya.
"Y-yes, Miss?"
"You are not listening in my class. Aren't you?"
"H-hindi po. Nakikinig po ako."
"Then give me the 100 abilities of Sun Vampires!"
Patay.
"M-Ms. Yvone?"
"What?"
"I'm sorry pero hindi ko po alam 'yon."
"Hindi mo alam? Well, get out of my class!" she raised her voice to me.
"S-Sorry po, Miss," maluha-luha kong kinuha ang gamit ko at saka ako nagmamadaling lumabas ng classroom.
Hindi lang ako kay Ms. Yvone napahiya, pati na rin kay Zae. Alam kong naiinis na siya sa mga oras na ito dahil sa katangahan na pinamalas ko.
Nilakad ko ang buong pasilyo ng Blood Building hanggang sa namalayan ko na lang na Sapphire Building naman ang tinatahak ko. Nakakainis lang dahil ang lapit sa akin ng malas ngayon. Maglalakad ako sa pagitan ng maraming bampira.
Pinilit kong iwasan ang mga bulungan nila pero ayaw talagang paawat ng tainga ko. I'm so thirsty to find out those bad things na pinagsasasabi nila sa akin.
"That flirt? Anak siya ni Queen Nadeia and King Benedict? What the fuck?"
"So we need to call her Princess?"
"Even I didn't want to, I have no choice! Yes! We need to call her Princess dahil mas nakakaangat siya sa atin bilang prinsesa!"
"Hindi naman tayo maiinis kung hindi niya dinidikitan si Prince Zaerus eh! Kasalanan niya 'yon!"
BINABASA MO ANG
When She's 18
VampireKilalanin si Ercole Marjery Santillan, ang babaeng nangarap na respetuhin at mahalin ng mga taong nakapaligid sa kanya. Ano nga kayang mangyayari kapag nalaman na niya ang tunay na dahilan kung bakit hindi siya nirerespeto ng mga ito? Patuloy niya p...