𝑪𝒉𝒂𝒑𝒕𝒆𝒓 22

960 21 0
                                    


6:10 pm.

Meulbert's P.O.V:

"Master M."

"What?"

"It's already night."

Hindi ko napigilang mapangisi. This time, ako naman ang kikilos. I have this feeling na makukuha ko na ang anak ko kapag sumama ako kayla Terrence. Lagi na lang kasi silang palpak. Ngayong kasama na nila 'ko ay magtatagumpay na akong makuha ang anak ko. Oras na makuha ko si Ercole, I will do everything para maging pure Moon na siya. Kung kinakailangang alisin ko ang dugo ng pagiging Sun Vampire niya, gagawin ko. Gusto kong kasuklaman niya ang mga ito because Sun Vampires are our enemy and food.

"Let's go, Master?"

"Wait. Tawagin mo muna si Denver. Ayokong iwanan siya at baka kung ano pang gawin nila ni Erine kapag iniwan ko silang magkasama," utos ko kay Terrence.

"Masusunod, Master!" Nagtatakbo siyang pumunta sa kuwarto ni Erine. That guy is so childish.

"Master M."

I look at Aniella, the girl who caught my attention.

"I want to come with you," she said in a serious tone.

"What for?"

"I just want to make sure na hindi sila iisa ng Ercole na tinutukoy ni Haley na dati niyang ka-same university sa  mundo ng mga tao."

"Huh? What do you mean?"

"Alam niyo namang sa mundo ng mga tao namamalagi si Haley. Alam kong galit kayo kay Haley dahil ninakaw niya ang kaisa-isang likido na ginawa niyo na kapag ininom niyo ay hindi na kayo tatablan ng liwanag. May saysay naman ang ginawa niyang pagnanakaw, Master. Nag-aral siya sa isang university na pagmamay-ari ng mga Sun Vampire na nag-ii-stay sa mundo ng mga tao. 'Yong isang anak ng owner ng university, doon mismo nag-aaral. Nakasalamuha niya ito sa pamamagitan ng pagpapanggap na baliw na baliw siya sa lalaki. Si Aikz Joshua Dominguez ang nakita niya, ang anak nina Andalia at Arvieldich. May isa raw na kaibigan si Aikz na noong una ay napagkamalan niyang tao ngunit hindi nagtagal ay may nasaksihan siyang isang pangyayari. Nag-iba ang kulay ng balat ng kaibigan ni Aikz. Namuti na para bang katulad ng atin. Mas nabigla siya nang malaman niyang Ercole ang pangalan ng kaibigan ni Aikz. Noong araw bago niya nakasalamuha si Aikz ay nakita niya ang pagwawala ng Ercole. Nag-anyong bampira ito. Gusto kong sumama sa inyo because I want to find out kung ang Ercole na anak mo na siyang tinutugis mo at ang Ercole na nakita ni Haley ay iisa. Ang sabi niyo ay inilayo sa inyo ni Nadeia si Ercole at nitong mga nakaraan mo lang nabalitaan na bumalik sila. Malay natin, baka sa mundo ng mga tao sila namalagi noong mga panahong wala sila rito."

"Paano mo mapapatunayan kung iisa lang sila?"

"Pinuntahan ko si Haley kaya ko nalaman ang impormasyong sinabi ko sa inyo. Binigyan niya rin ako ng larawan ng Ercole na nakita niya kaya may pagbabasehan ako, sakaling makaharap na natin ang anak mo."

"Okay fine. Sumama ka."

"Thank you, Master."

For unknown reason ay bigla kong naalala ang dahilan kung bakit nawala sa akin si Ercole.

"Nadeia!" masayang tawag ko sa asawa kong si Nadeia. Laking pagtataka ko nang hindi siya sumagot.

Kagagaling ko lang sa labas. Tuwing gabi ay sumasalakay kami sa mga Sun Vampire para lang may makain kami ng pamilya ko. Alas-otso palang ng gabi pero naisipan ko nang bumalik kaagad ng mansion para makita ang mga anak ko. Kahit isa palang ang Sun Vampire na nabiktima ko, inuwi ko na iyon para makita ko kaagad ang naggagandahang mga prinsesa ng buhay ko. Inilapag ko muna ang nabiktima ko sa mahabang lamesa at dahan-dahan akong naglakad palapit sa kuwarto naming mag-asawa.

When She's 18Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon