𝑪𝒉𝒂𝒑𝒕𝒆𝒓 47

894 18 0
                                    


Next day.

3:00 am.


Ercole's POV:

Naalimpungatan ako dahil sa iyak ni baby Zaeli pero okay lang, anak ko naman ang gumising sa akin.

Nasa kuwarto ko ang crib niya. Noong una, ang gusto ni Zae, sa kuwarto niya ilagay 'yong crib ni baby pero tumutol ako. Tulog-mantika kaya siya. Hindi siya magigising once na maalimpungatan si baby.

Kinuha ko sa crib si baby Zaeli. Sinubukan ko siyang patahanin. Nang hindi pa rin siya tumigil sa pag-iyak, ni-breastfeed ko na siya.

Hindi ko naiwasang ngumiti habang pinagmamasdan ko si baby. Ang ganda-ganda niya talaga.

Buong akala ko, hindi ko na mahahawakan ang baby ko. Feeling ko, tuluyan na 'kong mamamatay that time. Kahit mahirap, pinilit ko pa ring mailabas ang baby ko dahil ayokong mawalan ng tala sa buhay ko na nagbigay pag-asa sa lahat at nagbalik ng aking ala-ala.

Habang kargo ko si baby ay hinahaplos-haplos ko ang kamay nito na minedyasan ko bago 'ko natulog.

Ang sarap pala sa pakiramdam na magkaroon ng anak. 'Yong sa mismong sinapupunan mo nanggaling. Mula noong dumating siya sa buhay ko, never na 'kong nawalan ng rason para lumaban. She's my pinky strength and weakness.

Nang makatulog na si baby, binalik ko na siya sa crib. Iingatan ko siya. Kahit mabangga lang nang bahagya, hindi ko ipapa-experience sa kanya.

Hihiga na sana 'ko nang maalala ko si Zae. His emotions came back kahit minsan, may saltik pa rin siya. Bigla-bigla na lang kasi siyang nagiging cold, gaya kanina. Tama bang tratuhin niya nang gano'n 'yong apat na babae? Paano kung siya ang nasa katayuan nila at ginano'n siya? 'Di ba mapi-feel din niya kung anong naramdaman nila dahil sa mga pinagsasasabi niya?

Tulog na kaya siya?

Hindi ako magaling pagdating sa panghuhula kaya lumabas ako ng kuwarto para kumpirmahin kung tama ba ang hula ko. Pagpasok ko ng kuwarto niya, nalaman ko na ang totoo.

Sabi na nga ba't hindi pa siya natutulog.

Napatingin siya sa akin. Sa tingin ko, naramdaman niya ang presensya ko. Sana all, naka-move on na sa pagiging manhid.

Naupo ako sa gilid ng kama niya at saka ko siya pinagmasdan ko nang mabuti.

"Bakit hindi ka pa natutulog?" That's the first question came out from my mouth.

"Ibabalik ko sa 'yo ang tanong, Ercole. Bakit hindi ka pa rin natutulog?"

"Paano? Ginising ako ng iyak ni baby Zaeli. Anyway, natutulog na siya at gano'n din sana ang balak kong gawin kaso pinuntahan muna kita para i-check kung natutulog ka na."

"Ang haba ng explanations mo."

"Syempre naman. So now, tell me? Bakit hindi ka pa natutulog?"

"May isang bampirang ayaw magpatulog sa akin."

"Sino?"

"My cousin. He died when we were 9 years old. I still remember that night na naabutan kami ng mga Moon sa daan. He sacrificed his life para lang makatakas kami ni Aikz. Nagpakain siya sa mga Moon, na ako dapat ang gumawa kung wala lang pamilyang naghihintay sa akin. Ulila na siya kaya wala na rin daw saysay kung mabubuhay pa siya."

"Sinisisi mo pa rin ba ang sarili mo sa mga nangyari?"

"Oo. Bakit kasi hindi na lang ako ang namatay? Bakit kasi hindi ko siya pinigilan?"

"Zae, hindi ba dapat magpasalamat ka pa sa kanya? Kung ikaw ang namatay, eh 'di hindi mo mararamdaman ang kalayaang nakapagpaisa sa lahi natin at hindi ikaw ang maaatasang manguna sa lahat ng estudyante. Kung ikaw ang nawala, sa tingin mo ba makikilala mo 'ko? Sa tingin mo ba mabubuhay si Zaeli? Ipagpasalamat mo na lang ang mga bagay na hindi nangyari sa 'yo before." Hinawakan ko ang kamay niya. "Can I ask you, Zae?"

When She's 18Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon