𝑪𝒉𝒂𝒑𝒕𝒆𝒓 33

1K 23 0
                                    


Ercole's POV:

"Sige iluwa mo lang iyan," pagpu-push sa akin ni Ken habang hinahagod niya ang likod ko.

Nasa labas pa rin kami ng campus. Gusto ko nang pumasok pero sabi ni Ken, hindi kami papasok hangga't hindi nagiging maayos ang pakiramdam ko.

"Ilang araw ka nang ganyan ha? Hindi kaya nausog ka?" tanong niya.

"Usog? Wala ako sa mundo ng mga tao para mausog, Ken."

"Wala ka bang nakain na panis?"

"Wala. Hindi naman ako tanga para kumain ng panis."

"Eh bakit ka suka nang suka?"

"Malay ko."

"Huwag na kaya tayong dumiretso sa party? Iuwi na lang kita sa inyo?"

"Hindi puwede. Huwag ka ngang mag-alala nang ganyan. Magiging maayos rin ang pakiramdam ko. Mayamaya lang, mawawala rin itong paghilab ng tiyan ko."

Kung alam lang ni Ken na para na 'kong buntis na naduduwal dito.

"Pasok na tayo sa loob."

"Sigurado ka? Kaya mo na ba?"

Tumangu-tango lang ako.

Habang binabagtas namin ang daan patungo sa gym ay lalong lumalakas ang sounds ng speaker. Nagkataong favorite song ko pa ang tumutugtog. Enjoy na enjoy kong pinakinggan ang kanta at binilisan ko ang paglakad dahil gusto kong makarating sa gym bago matapos ang kanta.

Now Playing: Love The Way You Lie by Rihanna.

On the first page of our story

The future seemed so bright.

I still remember the first page of getting to know each other namin ni Zae. Medyo magulo na maganda at naging maliwanag dahil kung hindi dahil sa kanya ay baka nakuha na 'ko ng mga Moon Vampire noong mga panahong ginugulo nila ako.

Then this thing turned out so evil

I don't know why I'm still surprised

Tapos may mga bagay na naging masama. Maraming umepal. Kung wala sila, eh 'di sana ako ang nagustuhan ni Zae.

Even angels have their wicked schemes

And you take that to new extremes

But you'll always be my hero

Even though you've lost your mind

Si Zae pa rin ang hero ko kahit mawala siya sa sarili niya. Kahit mabaliw pa siya, hindi ko kakalimutang siya ang unang lalaking nagligtas sa akin sa Vampire World.

Just gonna stand there and watch me burn

But that's all right because I like the way it hurts

Sana hindi na lang ako dumaranas ng sakit ngayon. Hindi baleng sunugin niya ako at least kung masasaktan ako, hanggang doon na lang iyon. Sana hilingin na lang niya na mamatay na ako habang tinitignan niya ako nang masama.

Just gonna stand there and hear me cry

But that's all right because I love the way you lie

Umiiyak ako dahil kayla Mommy. Binuhay nila ako sa kasinungalingan. Pinagkait nila sa akin ang mga bagay na dapat nalaman ko na simula noong nagkaisip ako.

I love the way you lie

Oh, I love the way you lie

Natuto akong mahalin ang mga kasinungalingan nila.

When She's 18Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon