Next day.Aikz's POV:
"Good morning class!"
Napaka-hyper ng lecturer namin, hindi katulad ko, para 'kong isang lantay na gulay. Tumayo kaming lahat pero hindi ako bumati sa lecturer namin. Wala ako sa mood para gawin ang mga bagay na makakapagpasama lang sa akin, ang magpanggap na masaya. Sumabay ako sa pag-upo at napatingin na lamang sa bintana. Maganda at maaliwalas ang ulap na nakikita ko pero para sa akin, isang itong delubyo.
Mapagpanggap ang kaulapan at hindi ito nakikiayon sa kalungkutan ko. Potek naman, hindi man lang ako dinamayan ng panahon.
Isa-isa nang binanggit ng lecturer ang pangalan namin hanggang sa narinig ko na ang pangalan ko subalit hindi ako nagpatinag sa kalagayan ko. Hindi ako sumagot. Nagpanggap na lang ako na bingi kahit sa totoo lang, rinig na rinig ko ang pagtawag niya sa pangalan ko.
"Nandito ba si Mr. Dominguez?" tanong niya habang nakatingin siya sa akin. Potek naman! Tignan mong nakikita na nga niya ako tapos itatanong pa niya kung nandito ako?
Ah basta, kahit ano pang gawin niya, hindi ako magsasalita.
Potek, ang hirap palang mawalan ng bampirang minamahal. Isang araw palang siyang nawawala pero pakiramdam ko, matagal ko na siyang hindi nakakasama. Miss na miss ko na talaga si Eunice. Hindi ko matanggap na nasama siya sa list ng mga nawawalang estudyante. Sa kasamaang palad, mahigit 60+ na ang mga nawawala. Wala pa ring ideya ang lahat kung sino ang utak sa pagkawala ng mga estudyante. Ano bang pakay nito at maging si Eunice na mahal ko, dinamay niya sa kalokohan niya?
Inalis na ni Ma'am Gene ang tingin niya sa akin at pinagpatuloy na niya ang pagche-check ng attendance. Potek, ang hirap palang magpokus kapag may problema.
Saan ba kita mahahanap, Eunice? Alam mo bang wasak na wasak na ang puso ko at tuluyan pang napuputol ang mga ugat nito kapag naiisip kong nawawala ka? Para 'kong nauubusan ng dugo kapag naaalala ko na hinayaan kong lumipas ang nagdaang gabi nang hindi man lang kita nakikita.
****
Kasalukuyang nagsisimula nang mag-discuss si Ma'am Gene. Lahat sila, nakikinig sa kanya puwera lang sa akin. Lutang na lutang ako kakaisip kung saan ko makikita si Eunice.
"Aikz, what's fucking wrong with you?" tanong ng katabi ko.
Sinimangutan ko lang siya at saka ako dumukdok. Muli kong sinariwa ang magagandang ala-ala ko kay Eunice, kabilang na 'yong unang beses ko siyang nakita. Ni hindi ko man lang namamalayan na naisasatinig ko na pala ang nasa isip ko.
"I still remember the first time I saw you, Eunice. Alam mo ba, pakiramdam ko, may kakaibang boltaheng dumaloy sa katawan ko nang magkatitigan tayo? Ang bilis-bilis nga ng hearbeat ko n'on eh. Para akong kinakabahan. Aba! Huwag ka! First time kong naramdaman sa babae 'yon! Hindi naman kasi ako nagkakagano'n kapag kasama ko si Ercole. Natatawa pa nga ako kapag si Ercole ang tumititig sa akin pero kapag ikaw na, iba't ibang emosyon ang nararamdaman ko. Hanggang sa napangiti ka. Kaunti na nga lang, masisira na 'yong mukha mo pero bagay naman sa 'yo iyon eh, iyon nga ang nagpapasaya sa akin. Simula noon, lagi ka nang nasa isip ko. Lagi akong napapangiti kapag naaalala ko ang ngiti mo. Habang tumatagal, na-realized ko na gusto na kita. Ang problema nga lang, hindi ko alam ang pangalan mo. Akala ko nga, hindi na kita makikita pero sa pangalawang pagkakataon, nakita ulit kita. Napag-alaman kong Eunice ang pangalan mo at mas natuwa ako nang malaman kong pinsan mo sina PO Ryle at Auditor Bryle. Nasa tamang edad naman na 'ko kaya puwede ko nang i-express ang feelings ko sa 'yo."
"Kaso nawawala ka, Eunice. Sabi ko pa naman sa sarili ko, hindi ko hahayaang mawala ka pero hanggang salita lang pala ako kasi nawawala ka na. Wala akong magawa para matunton ka kaagad pero pangako, aamin na ako, aaminin ko na sa'yo na gusto kita once na makita kita. Hindi hadlang ang age gap at grade level natin para itigil ko ang nararamdaman ko sa 'yo. Ang suwerte-suwerte ko dahil naranasan kong magmahal, Eunice. Sana maging katulad din ng kayla Ercole at Zaerus ang journey of love natin 'no? Bilang pinsan ni Zaerus at matalik na kaibigan ni Ercole, masaya ako dahil minahal nila ang isa't isa. Sana, huwag nang pabayaan ni Zaerus na mawala ulit si Ercole. Huwag siyang tutulad sa akin na sinisisi pa rin 'yong sarili ko sa pagkawala mo. Mahal na mahal siya ni Ercole kaya huwag niyang sayangin 'yong pagkakataon na siya pa rin ang itinitibok ng puso ng kaibigan ko."
Nagulat ako nang magsalita si Zaerus.
"Kung magsalita ka, parang nasa harap mo lang si Eunice. Ang corny mo, Aikz pero alam mo ba? Noong pinababantayan ko si Ercole sa 'yo, mukha akong tanga dahil paulit-ulit kitang binalaan na huwag kang mapo-fall sa kanya, 'yon pala may iba ng tinitibok 'yang puso mo."
"Kailan ko lang din naman nakilala si Eunice, Zaerus at noong mga panahong 'yon, naguguluhan pa 'ko sa nararamdaman ko sa kanya pero hindi ka dapat nag-alala na baka agawin ko si Ercole sa 'yo kasi kahit hindi pa ginugulo ni Eunice ang isipan ko, hinding-hindi ko mamahalin si Ercole."
"Pinsan nga kita."
Na-curious akong tignan ang itsura niya. Hindi ko naiwasang mamangha nang makita ko kung gaano katodo ngumiti si Zaerus. Parang kailan lang, wala pa siyang emosyon at wala pa siyang pakialam sa nararamdaman ng iba pero ngayon, nagbago na siya. Binago siya ni Ercole. How I wish na gano'n din sa akin si Eunice?
"Why are you looking at me like that?" Potek! Nagseryoso na naman si Zaerus!
Nang hindi ako sumagot, bigla na lang niyang hinila ang patilya ko. Waahh! Ang sakit!
"Ano bang kasalanan ng patilya ko at pinagtrip-pan mo?" panunumbat ko kay Zaerus nang bitawan na niya ito.
Hindi siya sumagot. Sa halip, binatukan niya ako. Potek! 'Yong batok ko naman ngayon?
"Zaerus, huwag naman 'yong maputi kong batok!"
"Ang lakas din ng tama mo eh 'no? Nagdadrama ka na't lahat-lahat, mahangin ka pa rin!"
"Ano namang masama d'on? Maputi naman talaga ang batok ko ah?"
"Ang korni mo! Makipag-usap ka na nga lang sa pagong!" At natatawa niyang ibinalik ang atensyon niya kay Ma'am Gene.
BINABASA MO ANG
When She's 18
VampireKilalanin si Ercole Marjery Santillan, ang babaeng nangarap na respetuhin at mahalin ng mga taong nakapaligid sa kanya. Ano nga kayang mangyayari kapag nalaman na niya ang tunay na dahilan kung bakit hindi siya nirerespeto ng mga ito? Patuloy niya p...