𝑪𝒉𝒂𝒑𝒕𝒆𝒓 16

1.2K 31 0
                                    


August 6, Thursday.

Ercole's P.O.V:

Nakakaisang hakbang palang ako nang makarinig ako ng isang unfamiliar voice. Huminto ako saglit at saka ako bumaba nang tuluyan sa hagdan. Nasa second floor kasi ang kuwarto namin ni Zae.

Dalawang bampira ang nadatnan ko sa kusina. Magkaharap silang nag-uusap sa table. Napatingin ako sa mga platong nakahain sa harap nila. Bakit tatlo 'yong nand'on?

Tumingin ako sa bampirang kausap ni Zae. Nakatalikod ang puwesto niya sa akin kaya hindi ko nakikita ang mukha niya. Her back is not pinky familiar to me pero dahil sa haba ng buhok at outfit niya, na-identify ko na babae siya.

Apat na hakbang na lang at nasa harap na nila ako pero ayoko silang abalahin. Lalapit na lang ako kapag tapos na silang mag-usap.

Hanggang sa lumipas ang limang minuto, nandito pa rin ako sa kinatatayuan ko. Syete. Hindi pa rin sila tapos mag-usap.

Kapag talaga pinatagal pa ni Zae 'yong pakikipag-usap niya sa babaeng 'yon, I pinky swear, gagatukan ko talaga siya. Kahit nagugutom na ako, nagseselos ako.

Nakahinga ako nang maluwag nang matapos din silang mag-usap. Finally! Kanina pa po ako nagpipigil ng gutom ano!

Parang nilamukos na papel ang pagmumukha ko nang makita kong inalalayan ni Zaerus 'yong babae pero inayos ko rin naman agad iyon nang ma-realize kong dadaan sila sa harapan ko. Nginitian ko sila, even there's no reason to smile. Akala ko, lalagpasan lang nila ako pero huminto sila sa tapat ko.

"Ercole."

Nagpalipat-lipat ang paningin ko sa kanilang dalawa.

"Oh?" tugon ko.

"Hatid ko muna siya sa labas."

"Okay."

"Siya ba si Ercole?" tanong ng babaeng kasama niya habang nakatingin ito sa akin.

"Yeah. Siya nga," sagot ni Zae.

Nagulat ako sa sumunod na ginawa ni Ate Girl. Niyakap niya ako.

"Finally, I meet you!" aniya at saka niya ako pinakawalan. "You are very beautiful. Tunay ngang hindi nagkamali si Kuya sa pagpili niya sa 'yo."

"Sinong Kuya?"

Tinawanan niya ako.

"Bakit ka tumatawa, Miss?"

Lalong nagulo ang utak ko nang takpan niya ang bibig niya na para bang gulat na gulat siya sa inasal ko.

"Sorry sa inasal ko, Ate."

"A-Ate?"

"Oo. Ate kita kasi ikaw 'yong napiling markahan ni Kuya."

"She's my sister," dagdag ni Zae, dahilan para mapahiya ako.

"Hindi ko ine-expect na hindi mo pa pala ako kilala. Hindi ba ako naibibida sa 'yo ni Kuya?" tanong ng babae.

Umiling lang ako.

"Kungsabagay, hindi naman kasi talkative itong si Kuya para magkuwento nang magkuwento. Ni pangalan ko nga, hindi mo alam eh." Huminto siya para ilahad ang kamay niya. "I'm Zyrine Fatima leighton, Zy na lang ang itawag mo sa akin. I'm the only sister of Kuya Zaerus," paliwanag niya.

Tinanggap ko ang pakikipag-shakehands niya.

"Ate Ercole."

"Hmm?"

"I have to go na pala."

"Sige."

"Let me accompany you, Zy." akmang igigiya na siya ni Zae nang nag-stop sign siya rito.

When She's 18Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon