𝑪𝒉𝒂𝒑𝒕𝒆𝒓 6

1.8K 44 0
                                    

Aikz's P.O.V:

Hindi na ako nagdalawang-isip na pasukin ang bahay nila Ercole. Kaagad akong dumiretso sa hagdan. Pagkaakyat ko, naabutan ko ang pamilya ni Ercole na nakatayo sa harap ng isang kuwarto. Sa tingin ko, 'yon ang kuwarto ni Ercole.

Mayamaya lang ay tumingin sila sa akin. Ang mga bampira talaga, mabilis makaamoy ng presensiya.

"Aikz," tinawag ako ni Ate Frances.

Lumapit ako sa kanila. Doon ko palang nakita si Ercole na nakaupo sa kama niya. Nakayuko siya, nakasubsob ang ulo niya sa tuhod niya. Naririnig ko ang paghagulgol niya. Siguro, alam na niya ang pagkatao niya.

Pumasok ako sa kuwarto niya. Nilapitan ko siya. Kinalma ko muna ang sarili ko bago ako naupo sa tabi niya. Dahan-dahan kong inilapat ang kamay ko sa balikat niya. Napatingin siya sa akin. Niyakap niya ako nang malaman niyang ako 'yong nasa tabi niya.

Humagulgol siya sa balikat ko. Wala na 'kong magagawa maliban sa haplusin ang likod niya. Iyon lang ang kaya kong gawin para mapagaan ang pakiramdam niya.

Ercole's P.O.V:

"Mabuti na lang at nandito ka," manginyak-ngiyak kong sabi at saka ako humiwalay sa pagkakayakap kay Aikz.

Naglabas siya ng panyo at saka niya pinunasan ang luha ko.

"Ercole, hindi kita pababayaan. Lalo na ngayon, alam mo na ang lahat."

Natigilan ako sa sinabi niya.

"M-may alam ka sa pagkatao ko?"

"Huwag ka sanang magagalit pero oo, may alam ako. Alam ko ang lahat sa 'yo. Alam kong hindi ka normal. Noon pa man, alam ko na 'yon kaya noong nalaman ko na alam na ng mga student ang nangyayari sa 'yo, hindi ako nagulat dahil alam ko namang gano'n ka talaga eh."

"Aikz..."

"Ercole, tanggap ko kung ano ka. Sa totoo lang, kahit hindi pa tayo magkaibigan, kilala na kita–kayo ng pamilya mo."

Isa.

Isa siya sa mga nagpapatunay na totoo lahat ang sinabi ng pamilya ko.

Dalawa.

Dalawang beses nakita ng mga student ang pagbabago ng aking anyo.

Tatlo.

Tatlo pa pala 'yong natitira kong pamilya. Sila Mommy, Daddy at sissy.

Apat.

Apat na araw na lang, maglulunes na. Ibig sabihin, birthday ko na at marami na ring magbabago sa buhay ko.

"Ercole." Hinawakan ni Aikz ang kamay ko. "Huwag mong iwasan ang katotohanan dahil ito ang totoo."

"Bakit natanggap mo pa rin ako sa kabila ng mga nalaman mo?" Umiiyak na naman ako.

"Dahil ito ang pagkatao natin. Hindi lang ikaw ang naiiba rito. Hindi lang ikaw ang nahirapang tanggapin ang katotohanan dahil ako rin, hindi ko rin natanggap noong una na bampira ako."

"So totoo nga? Bampira ka nga?"

Ngiti lang ang naisagot niya sa akin.

****

"Kaya pala kilala ka ni Mommy dahil magkakauri pala tayo."

"Mabuti naman at natanggap mo na."

"Hindi pa naman masyado pero at least 'di ba? Inuunti-unti kong tanggapin ang lahat. Ngayon alam ko na, na kapag nawawala si Mommy, na kapag umaalis siya, sa totoong mundo natin siya pumupunta. Sabi niya, may totoong mundo raw tayong mga bampira. Pumupunta siya d'on dahil may binabalikan siya pero hindi pa rin ako makapaniwala na si Daddy iyon. Ang sabi kasi ni Mommy, patay na siya eh."

"Siguro, ginawa 'yon ng Mommy mo dahil hindi ka pa handang malaman ang pagkatao mo kaya pinagmukha niyang patay ang Daddy mo."

"Siguro nga." I paused. "Pero seryoso, ano ba 'yong mga pagbabago na nakita mo sa akin noong araw na nakapanakit ako ng mga estudyante?"

"Bakit interesado ka?" tanong niya.

"Wala lang."

"Kung ako ikaw, huwag mo nang alamin at baka matakot ka lang sa sarili mo."

"Hindi ah. Hinding-hindi na."

"Sige na nga. Sasabihin ko na," pagsuko niya.

"Talaga?"

"Oo nga pero manahimik ka muna."

Hindi na ako nagsalita. Sabi niya, manahimik ako then go.

Tinignan niya ako nang diretso sa mata.

"Ercole, I saw all of the signs na makakapagsabing malapit nang mag-18 ang isang bampira. Nagkulay dugo ang mata mo, namuti ang balat mo at napansin ko rin ang maliliit na pangil mo. Kaya nga tinanong kita kung kailan ang kaarawan mo? Nagulat ako noong nalaman kong sa Lunes na."

"Sabi ni Mommy kapag nag-18 ako, mawawala na ako sa kanila. Bakit? Anong mangyayari sa akin?"

He smiled at me. "Hindi pa ito ang tamang oras para malaman mo ang kasagutan sa tanong mo dahil ikaw mismo ang makakahanap sa sagot na inaasam mo."

"Pero–"

"Hintayin mo ang araw iyon at malalaman mo rin ang sagot." Tumayo na siya at nilahad niya ang kamay niya.

"Anong gagawin ko diyan?" tanong ko sabay tingin ko sa kamay niya.

"Malamang, hahawakan mo!"

"'Yong totoo, Aikz?"

"Sasama ka sa akin sa ibaba. Sasabihin natin sa parents mo na tanggap mo na ang pagkatao mo. Ano, tara na?"

"Kailangan pa ba 'yon?"

"Oo naman. Let's go?"

Tyron's P.O.V:

"Nasaan si Prince Zaerus?" kaagad kong tinanong ang secretary ni Prince Zaerus pagkakita ko palang dito.

"Nasa President's Room siya," sagot nito.

"Sige. Salamat."

Pagdating ko sa P.R. ay kaagad kong nakita ang nakatalikod niyang pigura. He's sitting on a swivel chair.

"Ang lalim ng iniisip niyo, Prince ah? Si Princess Ercole ba 'yan?" tanong ko.

Inikot niya ang swivel chair niya paharap sa akin. Geez! Wala siya sa mood!

"Why are you still here? Hindi ba dapat binabantayan mo na ang prinsesa ko at ang pinsan ko?"

"Kasi akala ko, napanatag na kayo na walang gusto si Prince Aikz kay Princess Ercole kaya nga hindi na po ako bumalik sa mundo ng mga tao. Isa pa, nakausap niyo na rin naman si Prince Aikz kahapon kaya akala ko, wala na kayong ipag-aalala."

"You don't have a right to give me a fucking reasons! Umalis ka na sa harap ko! Ngayon din!"

Nagmamadali akong lumabas ng PR. Geez. Napahiya ako kay Prince.

When She's 18Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon