Next day.Ercole's POV:
Hanggang ngayon nalilito pa rin ako. Sino ba talaga sa lalaking iyon at kay Jared ang tunay na nagmarka sa akin? Ayokong tanungin si Jared tungkol d'on dahil natatakot ako na baka kasinungalingan ang isagot niya.
Kailangan, bumalik na ang ala-ala ko sa lalong madaling panahon.
It's already evening. Gumagayak na ang lahat maliban sa amin ni Erine. Erine chose to stay with me rather than go outside and find some food for dinner. Hindi naman niya kailangan mag-worry sa kakainin niya mamaya. Nandyan naman si Denver para magbigay ng pagkain.
"Ercole, gusto mo na bang kumain?" tanong niya.
"Sige. Ikuha mo na ako."
Tatayo na sana siya kung hindi lang dumating si Jared.
"Saan ka pupunta, Princess Erine? Iiwan mo si Ercole?" kunot-noong tanong ni Jared pagkakita nito sa binabalak gawin ni Erine.
"Hoy! Ikukuha ko lang ng makakain! Kung umasta ka, parang 'di ko na babalikan eh!" nakabusangot na sagot ni Erine. Lalakad na sana siya nang pigilan siya ni Jared.
"Bakit ba?" Wala ng panahon para manghula. Surely, naiirita na siya.
"Ako na ang kukuha. Maupo ka na lang diyan. Bantayan mo ang girlfriend ko at kabuwanan niya na."
No choice si Erine. Pinagmasdan na lang niya ang papalayong si Jared.
Sumilay ang malapad na ngiti sa sa aking labi nang maramdaman ko ang pagsipa ni baby. Napahawak ako sa tiyan ko at napangiti. Wala pa 'kong naiisip na pangalan na babagay sa kanya.
Hindi nagtagal ay napadaing ako sa sakit. Hindi lang basta-basta pagsipa ang ginagawa ni Baby. Ini-inform na niya 'ko na lalabas na siya.
"Okay ka lang?" magkasabay na tanong nina Erine at Jared. Nandito na pala si Jared.
Unti-unting nababasa ang hinihigaan ko. Alam ko na ito. Pumutok na ang panubigan ko.
"T-tawagin niyo si Dad! Manganganak na ako!"
Bigla akong binuhat ni Jared at itinakbo palabas. Bumungad sa amin sina Dad at Terrence. Pinanlakihan sila ng mga mata nang makita nila ang itsura ko.
"M-manganganak na siya, Master M!" natatarantang sabi ni Jared.
"Ibalik mo siya sa kuwarto, Jared."
"Ho? Bakit ho? Hindi po ba natin siya dadalhin sa bahay-panganakan?"
"Malayo ang bahay-panganakan dito. Siguradong hindi na siya aabot kung isusugod pa natin siya doon."
"P-pero sino pong magpapaanak sa kanya?" Nagwawala na sa kaba si Jared.
"Makinig ka na lang kay Master M, Jared. Ibalik mo na siya sa kuwarto," sabat ni Janelle. Napatingin ako sa kanya. Hindi ko na maaninag ang mukha niya dahil papikit-pikit na ang mga mata ko. "Ako ang magpapaanak sa kanya."
****
"Ire!" pahiyaw na utos ni Janelle.
"Ahhh!"
"Isa pa!"
"Ahhh!" At napahawak ako sa magkabilang gilid ng higaan ko.
"Kaunti pa! Ire!"
Kakayanin ko 'to.
"Kaunting-kaunti na lang!"
Hindi ako susuko.
"You can do this, Princess Ercole! Ire pa!"
Tama siya. I can do this.
Hindi ko alam kung mabubuhay pa ako, sakaling mailabas ko na ang baby ko pero isa lang ang masasabi ko, sila na ang bahala sa baby ko kapag nawala ako.
"Isang ire pa, Ercole! Malapit na!"
Kailangan kong mailabas ng buhay si baby. Hindi ako papayag na hindi niya masilayan ang mundong ito.
"Malapit na malapit na!"
Gusto kong masilayan ang paglaki ng baby ko.
"Hayan na! Hayan na! Nakikita ko na siya! Isang pangmalakasang iri!"
"Ahhhh!"
Sa wakas, nakarinig na 'ko ng pag-iyak ng sanggol. Naluluha kong idinilat ang mga mata ko. Gusto kong malaman ang kasarian niya.
"Napakaganda ng anak mo. Kayganda niyang babae," naluluhang sabi ni Janelle.
Iaabot na niya sa akin ang bata nang biglang pumula ang kalangitan.
"Anong nangyayari?"
Biglang gumalaw ang paligid, kasabay n'on ang pagkapugto ng aking hininga. Bumigat ang takulap ng aking mga mata.
Ayoko na. Hindi ko na kayang labanan ang antok ko.
Okay lang kung hindi ko na makakasama nang matagal ang baby ko. Sapat na sa akin na naisilang ko na siya, si Zaeli. Zaeli ang napili kong ipangalan sa kanya. Zaeli Sanicah.
Jared's POV:
"Gumagalaw ang paligid!" Lahat kami, nasindak sa nangyayari.
Alam naman namin kung bakit nakakaranas kami nang ganito. Ito ang gabing itinakda. Ibig sabihin lang nito, naisilang na ang anak ni Ercole, ang bagong alay.
"Hindi puwede ito!" Napatingin ako kay Aniela. Nababaliw na ba siya? Bakit sinasabunutan niya ang sarili niya?
Sa isang iglap ay hinablot niya kay Janelle ang sanggol.
"A-anong gagawin mo?!"
Hindi sumagot si Aniela. Isang nakakabaliw na pagtawa ang ginawa niya pagkatapos ay inilabas niya ang isang injection.
"Aniela, bitawan mo 'yan!"
"Ayoko nga! Nakikita niyo ito?" aniya at saka siya tumingin sa injection na hawak niya. "Ito ang uubos sa dugo ng baby na hawak ko! Sa salot na alay na ito!"
"Huwag mo siyang gagalawin! Xairex, pigilan mo ang girlfriend mo!"
"Sorry pero wala akong magagawa para pigilan siya. Matagal na siyang baliw at gusto kong humingi ng tawad dahil ngayon ko lang ito sinabi sa inyo!"
"Aniela, maawa ka sa bata! Kung kukuhanan mo siya ng dugo ay baka mamatay siya!" umiiyak na sambit ni Geleen. "Kalahi rin natin siya kaya huwag mo munang gawin sa kanya 'yan!"
"Hahayaan niyo na lang na magamit siya ng kalaban? Puwes ako, hindi! Hindi ako papayag na magamit itong batang ito laban sa atin! Ayokong matapos ang tradisyon natin nang dahil lang sa batang ito! Dapat lang na tanggalan ko siya ng dugo!"
Tila i-injection-an na niya ang bata nang mag-appear sa harapan niya si Master M.
"M-Master, huwag mong sabihing pipigilan mo 'ko? Pipigilan mo 'ko?" tuluyan nang nawala sa sarili si Aniela.
"Dare to less my grandchild's blood or else I will kill you!" pagbabanta ni Master sabay hablot sa bata.
Teka. Parang may mali. Bakit hindi ko naririnig ang pagkontra ni Ercole? Dahan-dahan akong napalingon sa hinihigaan niya. Bigla na lamang akong nanghina nang makita kong...wala na siya.
Napaluhod ako sa harapan niya. Pilit ko siyang yinuyugyog pero hindi na siya magising-gising pa. Gano'n na lang din ang pagkagulat ni Erine nang makita niyang wala ng buhay ang kakambal niya.
"E-Ercole! Gumising ka! Huwag mo namang iwan ang anak mo!" pagsusumamo ni Erine.
We don't have a choice. Kung ayaw nang gumising ni Ercole, then kahit mahirap, kahit masakit, kailangan naming tanggapin na patay na siya. Ercole left us while the Bloody Moon already started.
BINABASA MO ANG
When She's 18
VampireKilalanin si Ercole Marjery Santillan, ang babaeng nangarap na respetuhin at mahalin ng mga taong nakapaligid sa kanya. Ano nga kayang mangyayari kapag nalaman na niya ang tunay na dahilan kung bakit hindi siya nirerespeto ng mga ito? Patuloy niya p...