𝑪𝒉𝒂𝒑𝒕𝒆𝒓 38

899 16 0
                                    


Piurne's POV:

"Piurne are you okay?"

Tumingin ako nang masama kay Harvey.

Paano ako magiging okay, eh pinakat ako sa pader ni Ercole? Sumasakit na nga ang likod ko tapos tatanungin pa niya 'ko kung okay lang ako? Sira na ba ang kukote niya?

Isasantabi ko na nga muna ang pagkainis ko kay Harvey. Haharapin ko muna itong sitwasyon na ito kung saan kaming dalawa na lang ang natitira.

"Let me help you," prisinta ni Harvey at itinayo niya ako. Dinala niya ako sa likod ni Ercole.

Parang bumaligtad ang sikmura ko nang makita ko kung gaano kasabik sa dugo at laman si Ercole.

Paano kaya namin siya matatakasan?

"Hindi ka pa ba tapos kumain ng lamang-loob?" lakas-loob kong kinuha ang atensyon ni Ercole.

Pinunasan niya ang dugong nagkalat sa bibig niya. Tumayo siya at saka siya humarap sa amin.

"Gusto niyo ba ang pagkain ko?" nakangising tanong ni Ercole sabay tingin sa lasug-lasog ng katawan ni Molley. "Kung oo, sige lang. Eat her precious body! Hahaha!"

"Ayoko! Best friend ko siya kaya bakit ko siya kakainin? Malaking kasalanan ang paglalapastangan sa katawan ng tulad niya. Mapaparusahan ako kapag kumain ako ng kapwa ko bampira. Hindi iyon gawain ng mga Sun na tulad mo."

Naramdaman ko ang paghawak ni Harvey sa braso ko. Pahiwatig 'yon na pinapatigil na niya 'ko. Sa sobrang init ng dugo ko kay Ercole, hindi ako magdadalawang-isip na hindi tuparin ang hiling ni Harvey. Gusto kong ilabas lahat ng galit ko kay Ercole.

Gusto ko rin siyang patayin.

"Tulad ko? Hindi ako Sun Vampire dahil nagmula ako sa lahi ng mga Moon. Hindi ako magkakasala kung kakainin ko kayo."

"Anong stage mo na sa pagiging in-denial? Stage 4? O baka naman malapit ka na sa victory? Hindi ka isang Moon Vampire! Hindi sila ang kalahi mo! Paano mo nagagawang ipagkalulong ang totoo mong pagkatao para lang sa mga Moon? Paano mo nagawang ipagpalit si Zaerus sa mga Moon?"

She wore an evil smile. "Pinagkaisahan niyo ba ng mga kaibigan mo na gumawa ng kuwento para mapaniwala ako? Puwes, hinding-hindi ako maniniwala sa inyo. Kahit kailan, hindi ako naging Sun Vampire. Hindi ko kailanman nakilala ang Zaerus na tinutukoy mo."

"Hindi ako nakikipaglokohan sa 'yo!"

"Ako rin naman ha!"

"Ercole, oras na malaman ng mga Sun Vampire ang ginawa mong ito, parurusahan ka nila! Parurusahan ka nila ng kamatayan at walang magagawa si Zaerus para iligtas ka!"

Napangiti ako nang kumuyom ang mga palad ni Ercole. She's mad at me and I'm so bitchy happy for that.

"Stop pretending, girl! Hinding-hindi ako maniniwala sa 'yo!"

"Ayaw mong paniwalaan ang totoo, Ercole? Bakit? Hindi ba alam ng mga Moon kung sino ka talaga? Isa kang Sun Vampire!"

"Hindi ka ba titigil?"

"Hindi!"

I closed my eyes. Alam kong hanggang dito na lang ang buhay ko. Sinagad ko si Ercole eh, hindi na nakapagtatakang patayin niya ako. Pasugod na siya nang may pumigil sa kanya. Hindi ko lubos akalain na makikita ko ang isang babaeng kamukha ni Ercole. Kasama nito ang pinuno ng mga Moon.

"Patakasin mo sila, Ercole." malamig na utos ng pinuno na nakapagpabigla sa akin.

"Pardon me, Dad?"

"Patakasin mo sila."

"Pero bakit?"

"Dahil niligtas ka nila."

"Ano? Pero paano?"

"Sasabihin ko sa 'yo mamaya basta patakasin mo lang sila."

Hindi ko na hinintay na pumayag si Ercole. Dali-dali kong hinila si Harvey. Bago kami tuluyang lumabas ay tinapunan ko ng tingin ang katawan ng mga kaibigan ko

"I'm so sorry..."

Zaerus's POV:

"Fucking shit!" napamura ako nang mapahiga ako sa sahig.

"Let me help you."

"N-no. Okay lang ako. I can handle myself. Umalis ka na lang."

"Are you sure?"

"Yes. Umalis ka na. Matulog ka na. Iwan mo na ako."

"Sige." Walang nagawa si Ate Frances kung 'di iwan ako. Nang nasa kuwarto na siya ay nag-overthink na naman ako.

"Ercole and I made some fucking memories in every sides of this mansion. I really want to see her, hug her and kiss her soft pinkish lips. I want her to know how much I love her but she isn't here..."

Sa sobrang bored ko, binalik ko ang battery sa cellphone ko. I played Ercole's favorite song.

"Oo. Malungkot 'yong kanta. Drama para sa 'yo pero hindi lang pam-bitter 'yan. Alam mo bang ang pinaka-topic diyan ay tungkol sa kasinungalingan? Lahat ng maririnig mo riyan ay tatama sa isang bampirang binuhay sa kasinungalingan. Pinaniwala sa kasinungalingan kaya please lang kung may sinungaling na naliligaw rito, puwede bang umamin ka na sa kasinungalingan mo bago pa mahuli ang lahat? Na kung kailan aamin ka na ay nasasaktan na siya nang todo? Ikaw, Piurne? Wala ka bang aaminin? Baka kasi may nililinlang ka? Well, kung nandito siya, maaari mo naman nang sabihin sa kanya ang kasinungalingan mo o baka naman hinihintay mo pa 'yong tamang araw na magagalit siya sa 'yo dahil sa ibang bampira pa niya nalaman ang kasinungalingan mo?" Yan ang sinabi ni Ercole before, the reason kung bakit nag-away sila ni Piurne.

Minutes passed at natapos din ang kanta. Parang buhay lang ni Ercole ang tinutukoy nito. At first, it was full of lie pero unti-unti namang gumanda.

That song hits me also. Minahal ko ang mga kasinungalingan ni Piurne. She told me that I'm the only one but no, we were two in her life. If Piurne have a chance to ask my apology, I'll say yes because her lies was the reason why I found Ercole's importance.

When She's 18Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon