𝑪𝒉𝒂𝒑𝒕𝒆𝒓 36

1K 22 0
                                    


October 19, Thursday.

5:30 pm.


Yzel's POV:

Masaya kong pinagmamasdan ang panganay ko. Nakakatuwa lang, kasi hindi siya tuluyang sumuko. Pinatunayan niya sa amin na mahal niya talaga si Ercole kaya heto siya, ginagawa ang lahat para lang makita ang babaeng isang linggo nang nawawala.

Kinakabahan ako. Kinakabahan ako sa lagay ng mag-ina niya. Alam kong buntis si Ercole dahil masyadong malalim ang pagkakamarka sa kanya ni Zaerus. Kaya nga ako nagulat noong nakita ko ang marka niya dahil hindi ko akalaing balak na pala ni Zaerus na bumuo ng pamilya kasama siya.

Sa 'kinikilos ni Zaerus ay parang hindi niya alam na nagdadalang-tao si Ercole. Siguradong hindi rin alam ni Ercole na buntis siya kahit nagsisilabasan na ang mga sintomas sa kanya. Kaunting araw na lang ang hihintayin at magkakaroon na ng kaunting umbok ang kanyang tiyan.

Mula sa salas ay nakikita ko ang paparating na pamilyang Santillan. Mayamaya lang ay nandito na sila sa kusina at kasalukuyan nang nasa aking harapan. Gaya ko, kay Zaerus din sila nakatingin. Pinanonood namin kung gaano siya kasaya habang nagluluto ng aming hapunan. Nagkaisa kami na habang wala pa si Ercole ay sama-sama kaming kakain sa iisang bahay.

"Memories na lang ang kailangan niyang panghawakan para hindi na siya muling sumuko..." naiiyak na sambit ni Nadeia. Kaagad na rumesponde ang kanyang kabiyak na si Benedict at yinakap si Nadeia.

Bigla ko tuloy naalala ang nasira kong asawa. Ganyan na ganyan din kami noong nabubuhay pa ang asawa ko. Nakakainggit lang dahil wala na ang kabiyak ng puso ko na maaaring dumamay sa akin sa mga kapighatiang nagaganap. Matagal na siyang patay pero hindi pa rin ako sanay na panghawakan ang katotohanang hindi ko na siya makakasama pa.

"Mom." My daughter caught my attention.

"Yes?"

"I think you need this." At bigla na lang akong niyakap ni Zyrine.

"I love you, Zyrine." Hindi ko napigilang umiyak.

"We love you Mom and we will never tired loving you." Nahawa siya sa akin at napahagulgol na rin.

"I don't know what to do if I lose the two of you, my child."

Erine's POV:

"Ang tagal-tagal mo nang natutulog. Kailan ka ba magigising, kakambal ko?" bulong ko habang hinahagod ko ang mahahabang buhok ni Ercole.

One week na ang nakalipas mula noong dalhin siya ni Dad dito sa itim na mansion pero hindi pa rin siya nagigising. Pinigilan kong mag-isip-isip ng kung anu-ano dahil naniniwala akong gigising siya at makakasama ko siya.

"May balak pa kayang bumangon ang kapatid mo?" tanong ni Denver na nagpataas ng kilay ko.

"Oo naman. Bakit? Sa tingin mo ba, hindi na siya magigising? Puwes, nagkakamali ka dahil I have this feeling na malapit na siyang magising!"

Tinawanan lang ako ni Denver sabay akbay niya sa akin. This guy, ang goal niya in life ay asarin lang ako palagi. Ako naman si tanga at hindi naiinis.

How if I prank him? Tama. Naiinis 'kong inalis ang pagkaka-akbay niya sa akin. Hindi pa ako nakuntento at pinagpag ko ang balikat ko.

"What are you doing?" kunot-noong tanong niya.

"I just want to make sure na hindi ako makakapitan ng germs na nagmula sa 'yo."

"Grabe ka sa akin!" Tatalikod na sana siya nang agad kong pinulupot ang braso ko sa baywang niya. "What are you doing, honey? Let me go!"

When She's 18Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon