𝑪𝒉𝒂𝒑𝒕𝒆𝒓 28

826 12 0
                                    

Ercole's POV:

Nasa kusina ako ngayon. Kasalukuyang tinutulungan ko si Mommy na mag-prepare ng lunch. Nilibot ko ang mata ko sa buong paligid. Naghahanap ng puwedeng maitulong kay Mommy. Hanggang sa natanaw ko ang magkakapatong na plato sa isang maliit na table, hindi kalayuan sa puwesto ko. Nakangiting nilapitan ko ang mini table. Dadamputin ko na dapat 'yong mga plato nang sinagi ni Mommy ang kamay ko. Nagtatakang tinanong ko siya.

"Bakit, Mommy?" kunot-noo kong tanong.

Humarap siya sa akin, suot ang malawak niyang ngiti subalit kahit ganyan pa ang ngiti niya, hindi n'on maitatago sa akin na may problema siya.

"Mommy, ako na lang po ang magdadala niyan sa hapag-kainan." Ilalapit ko na sana sa mga plato ang kamay ko nang sinagi ulit iyon ni Mommy.

"You do'nt need to. Nakakahiya naman kung patutulungin kita sa gawaing bahay gayong nandito ka lang naman upang bumisita."

"Mommy, hindi ako bisita rito. Hindi mulkit hindi na ako nakatira rito, ibig sabihin n'on, kailangan niyo na 'kong ituring na bisita. Anak niyo pa rin ako kaya may karapatan pa rin akong tulungan ka," nakangiting sagot ko.

Umiiyak na tinignan niya ako.

"Mommy, bakit kayo umiiyak? Okay lang ba talaga kayo?"

"O-oo naman. Okay lang ako."

"No, Mommy. Sa tingin ko, may problema ka."

Mabilis niyang pinahid ang luha niya at muling sinuot ang mapagpanggap niyang ngiti. Bakit kailangan niyang mag-pretend na masaya kung halata namang hindi siya okay?

"Mommy, huwag ka nang magpanggap. Kilala na kita. Alam kong may problema ka. Bakit hindi mo sabihin sa akin?"

"A-ano bang sinasabi mo? Hindi ako nagpapanggap. 'Yong luhang nakita mo kanina? Tears of joy 'yon. Happy lang ako kasi makakasama kitang kumain. Kumpleto tayong pamilya."

"'Yon lang ba talaga, Mommy? Hindi ka ba nagsisinungaling sa akin?"

"O-of course not."

****

"Kumain na tayo," sabi ni Daddy.

Hinayaan ko muna silang kumuha ng pagkain. Nagulat ako nang kinuha ni Ken ang plato ko at nilagyan niya 'yon ng iba't ibang klase ng ulam. Lalagyan na niya iyon ng kanin kung hindi ko lang siya inawat.

"Ako na," prisinta ko at saka ko kinuha ang plato ko. Sa sobrang dami ng kinuha niyang ulam ay maliit na lang ang space ng paglalagyan ko ng kanin.

I don't have a choice maliban sa kauntian 'yong kanin ko. Kung hindi lang talaga napuno ng ulam ang plato ko!

Dahil sa kaunti lang ang kanin ko ay ako ang unang natapos kumain. Diet nga sa kanin pero magiging matakaw naman sa ulam. Dali-dali kong binanatan ang ulam na natira sa plato ko. Marami-rami rin ito kaya sana naman hindi ako mabulunan dahil lang sa nagmamadali ako. Kain dito, kain doon, subo rito at subo roon. Marami na 'kong nakain pero marami pa rin 'yong ulam na nasa plato ko. Syete. Hindi ako baboy para lumamon nang ganito.

Busog na busog na 'ko pero hindi pa rin ubos ang ulam ko. Feeling ko, bawat subo ko, mas nadadagdagan lang ang ulam sa plato ko. Mukhang bibitayin na 'ko sa lagay kong ito. Pinky gosh!

Pinagpatuloy ko ang pagsubo. Umabot ng labing-limang minuto bago tuluyang nawalan ng laman ang plato ko. Dobleng kabusugan ang naramdaman ko. Wala sa sariling napahimas ako sa tiyan ko. Parang may mali akong nagalaw dahilan para masuka ako. Oo, nasuka ako. Naduwal ako.

Hindi na ako nakapunta ng banyo dahil dito palang ay naduwal na ako. Syete. Kadiri.

Suka pa rin ako nang suka. Habang heto namang sila Mommy, hinihimas ang likod ko.

When She's 18Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon