March.
Ercole's POV:
Lahat kami, pinayagang gumamit ng sasakyan sa kadahilanang may okasyon ngayon. Guess what? Ga-graduate na kami!
Um-attend ako sa graduation ceremony kasama ang pamilya ko. As in 'yong pamilya ko sa pagiging Santillan, although, may anak kami ni Zae, hindi ko pa rin totally matawag na pamilya kami dahil hindi pa kami kasal, hindi pa ako ganap na Mrs. Zaerus Nicholo Leighton.
Magkaibang-magkaiba ang graduation namin sa mundo ng mga tao. Noong Grade 6 at Grade 10 pa ako, may suot-suot akong toga pero ngayong Grade 12 na ako, wala na sapagkat hindi naman uso ang toga rito sa mundo ng mga bampira.
Bago ko pa nalaman na isa 'ko sa kanila, noong una, hindi ako naniniwala na nag-e-exist sila. Hindi ko nga alam na nag-aaral sila at may kakaibang tradisyon sila dahil akala ko, sa television ko lang sila makikita o kaya sa story ko lang sila mababasa pero ako pala mismo, katulad nila. Nananalaytay pala sa dugo't laman ko na bampira ako. Syete, pakiramdam ko, inalipusta ko ang lahing pinagmulan ko.
Hindi ko naman na puwedeng bawiin ang sinabi ko dahil ang nasabi ay nasabi na. Kahit ano pang gawin ko, hindi ko na mababago ang katotohanang nilait ko ang lahi ng pamilya ko.
Pagpasok namin sa university, marami-rami na rin kaming nakakasalubong na mga students na gaya ko ay ngayon din magsisipagtapos. Pagdating namin sa gym kung saan idadaos ang seremonya, nilapitan ko kaagad ang VUO Officers. Binati muna namin ang isa't isa at saka kami nag-group hug.
Mayamaya pa'y sinimulan na ang seremonya. Naghiwa-hiwalay na kami at saka kami naupo sa kanya-kanya naming puwesto. Alphabetical arrange ang ayos namin. S ang apelyido ko kaya malapit na sa dulo ang puwesto ko.
Ilang mensahe muna ang narinig namin mula sa mga nakatataas bago sinimulan ang paggagawad ng medalya. Hindi man ako nasama sa honors pero bilang Secretary ng VUO ay nagantimpalaan din ako ng medalya.
Tuwang-tuwa ako nang makita ko kung gaano karami ang medalyang natanggap ni Zae. Bukod sa mapagkakatiwalaang VUO President ay kasali rin siya sa honors.
Sometimes, I envy him. Kahit minsan lang siyang nakaka-attend sa klase, honor pa rin siya. Kahit maraming paperworks na nakatambak sa table niya, nakakahabol pa rin siya sa lesson. Gosh, I want to be like him.
Nag-speech muna ang valedictorian namin bago umere ang isang kantang pinaghandaan namin. We will dedicate the song from our parents na walang sawang umaagapay at umiintindi sa amin kahit na pasaway kami, kahit na hindi kami perpektong anak.
Nagsipuntahan kaming lahat sa stage. Sa sobrang dami namin, finorm kami ng four lines. Hindi naman sa nagyayabang ako pero sa pangatlong line ako pinuwesto kasi medyo matangkad daw ako. Medyo lang kasi kung sa pang-apat na line ako nilagay, ibig sabihin, overheight na ako. Magka-same height lang kami ni Zae kaya syempre, magkatabi kami.
"Congrats, Ercole."
Sinimangutan ko si Zae. Sa aming dalawa, siya ang mas karapat-dapat na i-congrats dahil marami siyang naging achievements.
Mayamaya pa'y namayagpag ang kantang Hero ni Mariah Carey sa apat na sulok ng gym.
Actually, hindi ko lang kayla Mommy ide-dedicate ang kantang ito dahil bukod sa kanila, may iba pa akong naging hero at isa na nga r'on si Zae.
BINABASA MO ANG
When She's 18
VampireKilalanin si Ercole Marjery Santillan, ang babaeng nangarap na respetuhin at mahalin ng mga taong nakapaligid sa kanya. Ano nga kayang mangyayari kapag nalaman na niya ang tunay na dahilan kung bakit hindi siya nirerespeto ng mga ito? Patuloy niya p...