Ercole's POV:Kung kailan naman may naisip na ako ay saka pa nagising si Zae. He raised his both hands and stretched it harder. Kulang na nga lang, tanggalin na niya 'yong mga braso niya.
"What time is it?" He gave himself a time to look at his wristwatch. "It's 5:10 in the morning. It's time to go in the kitchen," sabi niya at umalis na.
Nang wala na si Zae ay kinuha ko agad ang opportunity para tanungin si Zy.
"Anong gagawin ng Kuya mo sa kitchen?"
"Magluluto."
"Really? Marunong siyang magluto?"
"Bakit? Hindi mo alam, Ate?"
Tumango ako na ikinagulat niya.
"Ni minsan, hindi mo siya nakitang nagluto? Hindi niya sinabi sa 'yo?"
Umiling ako. "I thought hindi siya marunong kaya ako lagi ang nagluluto ng foods namin."
"At hinahayaan ka lang niya? Dapat nagpapalitan kayo."
"Hayaan mo na."
"Napakasuwerte talaga ni Kuya sa 'yo. Ang bait-bait mo. Bagay na bagay ka sa kanya."
Bigla na lang nag-crack ang puso ko. So hindi niya alam na si Piurne ang totoong mahal ng Kuya niya? Well, hindi na 'ko magtataka kung hindi rin alam ni Queen Yzel ang totoo. Mukhang magaling magtago ng sikreto si Zae eh.
Zyrine's POV:
Hindi ko maiwasang kiligin kayla Kuya Zaerus at Ate Ercole. They are good together.
"Zy." Ate Ercole caught my attention.
"Bakit–May problema ba, Ate?" I changed my question immediately noong makita kong malungkot siya.
"There's a problem, Zy. Did your brother told you our real status?" tanong niya sabay hawak niya sa magkabilang kamay ko. "Hindi mo ba alam na umalis ako rito noong nakaraang dalawang buwan dahil para sa akin, wala nang dahilan pa para manatili ako rito pero pinabalik ako ng Kuya mo. Siguro, iniisip niya pa rin ang kaligtasan ko kaya niya ginawa iyon."
Hindi ako nakapagsalita. Hinayaan ko lang na magkuwento si Ate.
"Zy, handa akong tiisin na makita silang magkasama kaysa naman umalis ako rito nang hindi ko tiyak ang kaligtasan ko."
Gusto kong yakapin si Ate. I want to comfort her pero ayaw makipag-cooperate ng paa ko. Ayaw nitong lumapit kay Ate.
"Tell me, Ate. Bakit ka umalis before? Sino 'yong kaya mong tiisin na makitang kasama ng Kuya ko?"
"Sabi ko na nga ba't walang sinabi sa'yo ang Kuya mo." Pinunasan niya ang luha niya na tila ba'y hinilamusan na ang mukha niya. "Kung ayaw sabihin ng Kuya mo ang totoo, puwes, sasabihin ko sa 'yo. Alam mo bang hindi na ako ang babaeng pakakasalan ng Kuya mo?"
"Ano?"
"Your brother loves someone else, Zy. Yes, he marked me. We lived under the same roof for a long time but he didn't teach himself to love me."
"Ate..." I feel sorry for her.
"I started to love your brother but I don't understand why he can't love me back and then I realized why. Your brother really loves her ex. Mas lumala pa noong nalaman niyang bumalik na ito."
"Ate, I'm sorry."
"You don't need to apologize, Zy. Hindi ikaw ang nanakit sa akin."
"Ibig sabihin, nagkabalikan na sila?"
BINABASA MO ANG
When She's 18
UpířiKilalanin si Ercole Marjery Santillan, ang babaeng nangarap na respetuhin at mahalin ng mga taong nakapaligid sa kanya. Ano nga kayang mangyayari kapag nalaman na niya ang tunay na dahilan kung bakit hindi siya nirerespeto ng mga ito? Patuloy niya p...