𝑪𝒉𝒂𝒑𝒕𝒆𝒓 15

1.2K 30 0
                                    

Ercole's P.O.V:

Sobrang lakas ng boses ni Zaerus. Kahit nandito ako sa pinagtataguan ko, nabibingi ako sa hiyaw niya. Ilang beses niyang inulit ang pangalan ko, dahilan para mapatakip ako ng tainga. Syete. Para siyang galit na ewan.

Mayamaya pa'y naglaho ang boses niya. Ano kayang nangyari d'on?

Hinintay ko na tawagin niya ulit ako subalit hindi ko na narinig ang boses niya. Bigla tuloy akong kinabahan. Kahit ayoko pang magpakita, lumabas na 'ko sa pinagtataguan ko. Dumiretso ako sa living room.

"Oh-my-pinky-gosh!"

Kulang na lang, malaglag ang puso ko dahil sa nadatnan ko. Nakita ko si Zaerus, nakapikit ang mga mata niya na para bang natutulog lang siya. Nakaupo siya sa sofa at pawis na pawis na siya.

Syete. Masama ang kutob ko. Ayoko sanang mag-isip nang masama pero pakiramdam ko, may nangyaring hindi maganda sa kanya.

Nilapitan ko si Zaerus. Niyugyog ko siya nang paulit-ulit subalit hindi pa rin siya nagising.

Syete! Napagod yata siya kakahanap sa akin! This is my pinky fault!

Tarantang-taranta na 'ko. Paano ba ito? Hindi ko na alam kung anong gagawin ko! Waahh! I'm pinky scare!

Mayamaya pa'y naisipan kong tawagan si Aikz. Mabuti naman at sumagot siya.

"Hello, Ercole. Nasa room ako. Hindi ba't magkaklase tayo? 'Yon kasi ang alam ko pero bakit hindi ka pumasok? Don't tell me, hindi ka niya–"

"Pinky goodness, Aikz! Tigilan mong magtanong!" Hindi ko napigilang umiyak sa pag-aalala.

"Bakit? May nangyari bang hindi maganda?"

"Aikz, tulungan mo 'ko! Si Zaerus kasi eh! Pumunta ka na rito please! Ikaw lang ang mahihingan ko ng tulong!"

"Potek! Ano bang nangyari?"

"Ayaw kasing magising ni Zaerus! Mukhang napagod yata siya!"

"Napagod saan?"

"Pinagtaguan ko kasi siya kanina! Malay ko bang hahanapin niya ako nang todo? Huhuhu! Siguro, napagod siya dahil sa kakaikot niya!"

"Potek, Ercole? Bakit mo naman siya pinagtaguan? Masama pa naman kay Zaerus ang magpaikut-ikot!"

"Hindi ko alam eh! Sorry na! Puntahan mo na kami rito! Please!"

"Sige. Magpapaalam muna ako. Huwag ka nang umiyak, gigising din siya. Basta, pupuntahan ko kayo diyan."

Binaba ko na 'yong tawag. Humahagulgol kong pinagmasdan si Zaerus. "I'm pinky sorry."

****

Zaerus's POV:

Nagising ang diwa ko nang maramdaman ko ang pagdampi ng basang bimpo sa noo ko. Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko. Nakita ko si Ercole, pinupunasan niya ako.

Mapapangiti na sana ako nang maalala ko 'yong ginawa niya kanina.

"Hey you."

Gulat na napatingin siya sa akin.

"Z-Zaerus! Gising ka na?"

"Malamang–" She just cut my line by hugging me.

Niyakap ko na lang din siya hanggang sa hiniwalay niya sa akin ang sarili niya. Kitang-kita ko ang pag-aalala sa mukha niya.

"Saan ka ba nagpunta kanina? Bakit ngayon ka lang nagpakita sa akin? Pinagtaguan mo ko 'no?" mahina kong tanong.

Bigla niyang tinakpan ang mukha niya. Nagpapadyak siya na para bang isang bata. Hanggang sa tinuro niya ang red coat at jogging pants na suot niya.

When She's 18Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon