Ercole's POV:
"Ercole, wake up!"
Isang nakakabulabog na ingay ang narinig ko dahilan para mapabalikwas ako ng bangon. Nagtaka pa nga ako nang sala ang nabungaran ko.
Nilingon ko ang pinaghigaan ko.
'Great. Sa sofa pala 'ko nakatulog pero wala man lang gumising sa akin!'
"Ang ingay mo sissy! Bakit ba?" pagrereklamo ko kay sissy. She pinky disturb my sleep!
"Aba tanghali na! Napapasarap tulog mo eh 'no! Sumunod ka na sa kitchen! Nakahain na 'yong lunch!"
"Galit ka?"
"Hindi! Nagpapaliwanag lang!" At nagmarta na si sissy patungo sa kitchen.
Muli kong inalala ang mga nangyari kagabi kung bakit sa sala ako nakatulog. Sa wakas, pumasok din sa isip ko.
"Oo naman. Let's go?"
Humawak ako sa kamay ni Aikz at sumama ako sa kanya sa pagbaba.
"M-Mommy," tinawag ko kaagad si Mommy pagkababa ko palang ng living room.
Isang tao lang ang tinawag ko pero tatlo silang lumingon sa akin. I feel sorry for Mommy dahil hanggang ngayon, umiiyak pa rin siya nang dahil sa akin. Ang laki kong tanga! Hindi ko kaagad inintindi ang mga explanations nila!
Lumapit ako kay Mommy. Niyakap ko siya nang mahigpit. Mayamaya pa'y humiwalay na siya sa akin.
"Anak, I'm sorry kung hindi ko kaagad sinabi sa 'yo 'yong totoo! Natakot lang kasi ako na hindi mo ako paniwalaan kapag sinabi ko sa 'yo 'yong totoo noong bata ka pa kaya ngayon ko lang naisipang magtapat sa 'yo kaso hindi ko naman alam na magiging ganito pala ka-kumplikado!"
"Mommy, hindi mo kailangang humingi ng sorry. Wala ka namang kasalanan sa akin eh, pero ako? Meron. May kasalanan ako sa inyo. Kung pinaniwalaan ko sana kaagad 'yong totoo, hindi ka masasaktan nang ganito. Sorry po ah? Sorry po talaga!"
Hinawakan ni Mommy ang magkabilang pisngi ko.
"Sa tingin ko, kalimutan na natin iyon. Let's start a new life in our real world. Sa tingin ko, mas sasaya tayo d'on."
"Pero paano ang pag-aaral ko, Mommy?"
"Sa Vampire University ka na mag-aaral."
'Vampire University? Meron ba n'on?'
Tinapunan ko ng tingin si Aikz.
"Pero paano po si Aikz? Ayokong iwan siya–"
Hindi ako pinatapos ni Aikz. "'Di ba sabi ko sa'yo, kahit saan ka pang school mag-aral, magkakasama pa rin tayo? Doon na rin ako mag-aaral, Ercole. Babalik na rin ako sa totoong mundo natin."
Kung dam lang ako, kanina pa ako umapaw...umapaw sa saya.
"Alam na ba iyon ng magulang mo, Aikz?" tanong ni Mommy kay Aikz.
"Opo."
Tumingin sa akin si Mommy. "Well if that's the case, babalik na tayo d'on bukas. Salamat sa pag-intindi, Ercole. Salamat dahil pinaniwalaan mo na rin ako."
"Mommy, okay na 'yon. Sabi mo nga 'di ba, kalimutan na natin iyon."
"Sige pupunta muna kami sa taas ng Daddy mo. Kami na ang mag-aayos ng gamit niyo."
BINABASA MO ANG
When She's 18
WampiryKilalanin si Ercole Marjery Santillan, ang babaeng nangarap na respetuhin at mahalin ng mga taong nakapaligid sa kanya. Ano nga kayang mangyayari kapag nalaman na niya ang tunay na dahilan kung bakit hindi siya nirerespeto ng mga ito? Patuloy niya p...