6 days later.October 26, Thursday.
Ercole's POV:
"Sige isuka mo lang 'yan. Kung 'yan ang ikabubuti ng pakiramdam mo, gawin mo," pagpu-push sa akin ni Erine.
Dahil masunurin akong kakambal, inilabas ko lahat ng kinain ko. Sayang lang ang kinain ko. Ang hirap kayang maghanap ng human foods.
"Ano? Okay ka na ba?"
Tumango lang ako habang pinupunasan ko ang bibig ko. Hanggang sa makahiga ako ay hindi ako iniwan ni Erine.
"Goodnight, Ercole." she whispered.
"Goodnight."
Ipipikit ko na sana ang mga mata ko nang biglang bumukas ang pinto. Nakita ko si Jared na may bitbit na mga pagkain.
"Grabe! Pinagod mo 'ko!" sabi niya matapos niyang maibaba ang dala niya.
"Huwag ako ang sisihin mo! Sisihin mo ang tummy ko dahil siya ang nag-crave sa pagkaing dala mo!" pang-iinis ko.
"Hindi mo kami masisising mga babae kung pihikan kami sa pagkain. Gano'n talaga kapag naglilihi," pagbibigay ng impormasyon ni Erine.
Jared pouted to me. Parang siya natatae sa lagay niya na iyan. Pft.
"Anong tinatawa-tawa mo diyan, Princess Erine?" puna ni Jared kay Erine. Ngayon ko lang napansin na pinagtatawanan pala siya ni Erine.
"Wala. Masama bang tumawa?" Kitang-kita sa mukha ni Erine na nagpipigil siya ng tawa.
"Pinagtatawanan mo ba 'ko? Hoy! Para sabihin ko sa 'yo, ang layo ng pinanggalingan ko para lang maibigay ko sa kapatid mo ang pagkaing gusto niya! Mundo ng mga tao! Hindi tawa ang dapat mong ibayad sa akin!"
"Ah gano'n?"
"Opo. Bakit? May angal ka?"
"Wala po. Ano po bang gusto mo? Pera?"
Pumalatak si Jared. "Hindi 'no! Marami kaya akong pera!"
"Akala ko, iyon ang kailangan mo eh! Mukha ka kasing pulubi!"
Hindi ko na pinansin ang pag-aasaran nina Erine at Jared. Sa halip ay nag-isip-isip ako. It's been 6 days mula noong malaman ko na buntis ako.
Pagkaalis noong dalawang Sun Vampire ay kinausap ko si Dad.
"So anong dahilan kung bakit mo pinatakas ang dalawang 'yon, Dad?"
Humarap sa akin si Dad. Base sa nakikita kong itsura niya ay ayaw niyang magpaliwanag. Paano 'yan? Kating-kati pa naman akong malaman ang dahilan.
"Kailangan ko pa bang i-explain sa 'yo?"
"Oo naman, Dad. Hindi ako makakampante hangga't hindi ko nalalaman ang rason kung bakit mo sila pinatakas."
"Fine. Pinatakas ko sila dahil niligtas ka nila noong panahong nasa panganib ka. Mahirap mang paniwalaan pero tinulungan ka nila kahit alam nilang Moon Vampire ka, which is kalaban ka ng lahi nila. One night, nakita ko kayo ng boyfriend mo na nag-aaway. Hindi ako nakialam sa inyo dahil ayaw niyong pinapakialaman kayo pero hindi ko akalaing mauuwi ka sa paglalayas. Inutusan ko sina Aniela at Xairex na hanapin ka. Nang matagpuan ka nila ay nakita nila ang nagkalat na dugo sa ulo mo. Lalapitan ka na sana nila noong matanaw nila ang dalawang Sun Vampire na palapit sa 'yo. Nagtago sina Aniela para subaybayan kung anong gagawin ng mga iyon sa 'yo. Nakita nilang tinulungan ka ng mga 'yon para makatayo. Mayamaya ay nagtatakbo ang mga iyon palayo. Doon ka palang nilapitan nina Aniela. Kaya pala iniwan ka ng mga iyon dahil nakita nila na unti-unti kang nagmumulat ng mga mata mo pero kahit papaano, tinulungan ka nila kaya malaki ang utang na loob natin sa kanila. Kung hindi dahil sa kanila, baka hindi ka na namin naabutang buhay."
BINABASA MO ANG
When She's 18
VampireKilalanin si Ercole Marjery Santillan, ang babaeng nangarap na respetuhin at mahalin ng mga taong nakapaligid sa kanya. Ano nga kayang mangyayari kapag nalaman na niya ang tunay na dahilan kung bakit hindi siya nirerespeto ng mga ito? Patuloy niya p...