𝑪𝒉𝒂𝒑𝒕𝒆𝒓 40

987 22 0
                                    


October 27, Friday.

11:11 am.


Zaerus's POV:

"Zaerus, kain na," bungad sa akin ni Tita Nadeia paglabas ko palang ng kuwarto.

Nginitian ko lang si Tita at pagkatapos, lumakad na ulit ako. Ilang beses niya 'kong tinawag ngunit hindi ko na siya pinansin pa. Pagkalabas ko ng mansion, naupo kaagad ako sa hagdan. Mag-iisip-isip muna 'ko.

Muli kong inalala ang mga nangyari kagabi. Nasaktan ko nang sobra si VP Ken. Minarkahan ko na nga si Ercole tapos binigyan ko pa ng anak. Normal lang na magalit siya dahil ang dami kong kasalanang nagawa sa kanya. Oo, magiging masaya ako kapag nakita ko na si Ercole pero siya? Magdudusa siya. Mawawalan siya.

"Pinanganak ba 'ko para manakit ng kapwa ko? Iyon ba ang talent ko?" bulong ko sa sarili ko.

Pareho kaming lalaki ni VP Ken at ramdam ko kung anong nararamdaman niya. Nasasaktan siya nang dahil sa akin. Kasalanan ko ito eh. Kung noong una palang, minahal ko na si Ercole, eh 'di sana, hindi siya magkakaroon ng feelings kay Ercole at hindi siya masasaktan nang gano'n katindi.

"Kuya."

Nakita ko sina Zy at Mom na nasa likod ko. Naupo sila sa tabi ko.

"Bakit ayaw mong kumain?" nag-aalalang tanong ni Mom sa akin.

Sumandal si Mom sa balikat ko. She placed her arm to my shoulder. Aaminin ko, nagulat ako sa concern na pinapakita niya sa akin. Bihira lang kasi siyang maging concern sa amin.

"Mom." I called her.

"What's wrong, son?"

"Nothing, Mom. Masaya lang ako dahil may time ka na sa amin ngayon."

"Anong–"

"Alam niyo ba kung bakit ako umalis sa bahay natin? Kasi hindi ko maramdaman ang presensya ninyo. Pinili kong tumira sa ibang bahay dahil kung mananatili pa ako sa bahay natin, lalo ko lang mararamdaman na wala kaming halaga sa inyo. Busy ka kasi sa pagtapos ng mga paperworks mo without knowing na napapabayaan mo na kami. Yes, we grew up pero naiinis kami dahil we grew up na hindi mo man lang kami naalagaan ng tama. You're still alive but the love you have for us was already dead."

Kitang-kita ko kung paano nag-unahan sa pagbaba ang mga luha ni Mom. I don't know why I feel sorry for her.

"'Yan rin ba ang dahilan kung bakit lumaki ka ng may cold personality? Hanggang ngayon, hindi ko pa rin matanggap na wala na ang Dad mo, na hindi ko na siya makakasama pa kaya ginawa ko ang lahat para maging busy ako dahil iyon lang ang alam kong paraan para maka-move on ako sa pagkamatay ng Dad mo pero hindi ko alam na nasasaktan ko na pala kayo nang dahil d'on. Sorry ah? Ako pala ang dahilan kung bakit ka lumaking ganyan. Ang selfish-selfish ko. Hindi ko man lang naisip ang nararamdaman niyo..."

"Mom, hindi mo naman kailangang magpaka-busy para maka-move on eh. Kami lang, sapat na," naluluhang sabi ni Zy.

"Sorry, Zy. I'm so sorry." Tumayo si Mom at niyakap niya kaming dalawa.

"Ayos na iyon, Mom. Ang mahalaga, narinig na natin ang side ng isa't isa."

"Napakasuwerte ko dahil naging anak ko kayo."

Frances's POV:

Nasa tapat kami ng pinto. Hindi namin namamalayan ni Mommy na pareho na kaming umiiyak habang pinakikinggan namin ang dramahan ng pamilyang Leighton.

Nakakatuwa sila kasi kahit kulang sila, nagagawa nilang maging masaya samantalang kami, hindi kami magiging masaya hangga't hindi namin nababawi si Ercole.

I miss my sister so much. Wala nang tumatawag sa akin ng sissy. Pangako, kapag naisilang na niya ang alay, babawiin na namin siya.

Masakit man para sa amin pero sumang-ayon pa rin kami sa gustong mangyari ni Zaerus. Hindi kami susugod sa mga Moon hangga't hindi pa naisisilang ang panibagong alay. Kailangan muna naming magtiis. Malalaman naman namin kung naisilang na ni Ercole ang alay sa tulong ng pangitain ni Tita Yzel.

Malapit-lapit na rin naman. Dalawang buwan na lang at maisisilang na ni Ercole ang alay. Ang mga bampira sa mundong ito, mabilis lang ang pagdadalang-tao. Siguro sa Disyembre, maisisilang na niya ang bata. Tamang-tama dahil may magaganap na Bloody Moon sa buwan ng pagsilang ng alay. Sa araw ng pagpula ng buwan, doon kami susugod. Sa mismong araw na 'yon ay unti-unting babalik ang lahat ng ala-ala ni Ercole. Sinabi 'yan sa amin ni Tita Yzel. May kapangyarihan siyang mabasa ang isipan ng isang bampira, makakita ng pangitain at matukoy ang maaaring maganap sa bawat araw na magdadaan. Akala namin, tuluyan nang tatanggalin ng likido ang ala-ala ni Ercole pero nagkaroon kami ng pag-asa nang malamang babalik din pala ang ala-ala niya. May magaganap daw na makakapagpabalik ng ala-ala ni Ercole.

Sana nga totoo ang lahat ng 'yon. Sa mismong pagpula ng buwan ay lalakas ang bata, kahit isa pa lamang itong sanggol ay magagamit ito upang matapos na ang sinimulan ng mga Moon; na ang lahi namin ang kanilang magiging kaaway at pagkain.

Hindi na 'ko makapaghintay na mangyari lahat ng 'yon.

"Magtitiis ako para maisakatuparan ang bugna ng panibagong alay," malungkot na sabi ni Mommy.

"Kailangan po talaga para matigil na ang kasamaan ng mga Moon."

"Ang bugna lang ng panibagong alay ang kailangang maganap para matapos na lahat ng kasamaan ni Meulbert kaya kailangan nating magtiis para kay Ercole at sa kaligtasan ng marami," wika ni Daddy. Lumapit kami kay Daddy at niyakap namin siya.

****

Chancet's Note:

Ang bugna ay nangangahulugan na tadhana o tungkulin na dapat gampanan. Salita pa yata 'yan noong hindi pa tayo nasasakop ng mga Kastila. Nakita at narinig ko ang word na 'yan sa palabas na Amaya kung saan si Mrs. Marian Rivera-Dantes ang bida.

When She's 18Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon