𝑪𝒉𝒂𝒑𝒕𝒆𝒓 55

663 17 0
                                    


Aikz's POV:

"Hahaha! Hindi mo 'ko matatalo! Mas malakas ako sa 'yo! Isaksak mo 'yan sa kukote mong maliit!"

Gusto ko nang pabagsakin si Aniela para manumbalik na ang kapayapaan ng Vampire City. Ginagawa ko ang lahat para tanggalan ng hininga ang baliw na pinuno ng mga Moon Vampire. Ilang minuto na kaming naglalaban subalit hindi ko pa rin siya napapatumba. Potek, ang lakas-lakas kasi niya kaya matatagalan pa 'kong pabagsakin siya.

Nakipaglabanan ako ng titigan sa kanya. Matira matibay, kapag may bumigay, maglalaban na ulit kami ng pisikal.

Never akong magpapatinag kay Aniela. Siya lang ang tanging daan para bumalik na si Eunice sa dati. Nasa kamay niya ang kapayapaan ng Vampire City kaya babawiin ko 'yon sa kanya.

Natigilan ako nang marinig ko ang boses ni Zaerus. Sobrang lakas ng boses niya. Sinundan ko siya ng tingin kung saan siya pupunta. Halos malaglag na ang puso ko nang makita kong nakahandusay sa lupa si Ercole pero lalong nabigla ako nang makita ko kung sino ang dahilan kung bakit siya nawalan ng malay.

Aikz, ngayon mo sabihin na hindi tayo magagawang patayin ni Eunice. Potek! Hindi mo ba nakikita? Pinaslang niya ang best friend mo!

Pakiramdam ko, dinudurog ang puso ko. Hinayaan ko lang na mapaslang si Ercole. Potek. Nagawa niyang magmalasakit sa akin pero hindi ko nagawang ibalik sa kanya ang lahat ng tulong na ibinigay niya. I'm his former savior pero hindi ko man lang siya nailayo sa kapahamakan.

I'm a worthless best friend. Nawala si Ercole nang dahil sa kapabayaan ko.

Hindi ko ine-expect na sasamantalahin ni Aniela ang pagluluksa ko. She scratched my face, dahilan para bumalik ang atensyon ko sa kanya. Bago pa ulit dumapo ang kuko niya, kinuha ko agad ang kamay niya at saka ko ikinalmot sa mukha niya. Kawawang Aniela, sinugatan ng sariling kamay.

Potek. Hindi ko na dapat patagalin ito.

Kakabawi lang niya sa kamay niya nang may ideyang pumasok sa isip ko. Akmang babanatan na niya ulit ako nang sinikmuraan ko siya. Pagkatapos, sinipa ko ang tuhod niya. Hindi pa ako nakuntento at sinabunutan ko siya.

Kinaladkad ko siya sa buong field. Kitang-kita ko kung paano nagalit sa akin ang mga kakampi niya dahil sinasaktan ko siya. Parang ibig na nga nila akong balatan ng buhay eh, pero bakit gano'n? Ayaw nila akong sugurin.

Hinila ko nang tuluyan ang buhok niya, dahilan para magdugo ang anit niya. Imbis na maawa ako ay natatawa ako sa kanya. Dapat lang na mamatay siya nang brutal.

Habang iniikot ko ang buong field, kitang-kita ko kung paano naghinagpis si Aniela nang makita niyang wala nang buhay ang nobyo niya. Gusto ko sanang magdiwang dahil nasasaktan siya ngayon pero mas nangibabaw sa akin 'yong sakit. Mayamaya lang, naging abo na si Xairex at tinangay na ito ng hangin. Lahat ng namamatay, nagiging abo.

Teka...

Bigla kong binitawan ang buhok ni Aniela at patakbo kong nilapitan ang katawan ni Ercole, na kasalukuyan nang iniiyakan ng pamilya niya. Napangiti ako nang makita kong hindi pa siya nagiging abo.

Buhay pa siya.

Tinignan nila ako nang may pagtataka. Bakit nagagawa ko pa raw ngumiti kahit na nagluluksa na sila?

"Kung patay na si Ercole, eh 'di sana, kanina pa siya naging abo pero tignan niyo naman, buong-buo pa rin ang katawan niya."

Doon lang nila na-realized na tama ako. Ang kaninang pighati, napalitan ng tuwa.

Mayamaya pa'y nangati ang mata ko at hinanap ko si Eunice. Napasimangot ako nang makita kong nasa tabi na siya ni Aniela.

My girl is acting like a robot and that crazy Aniela controlling her.

When She's 18Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon