Third Person's POV:
Dalawang araw na ang nakalipas mula noong matapos ang labanan subalit hindi pa rin masasabi na bumalik na ang kapayapaan dahil sa kakaibang kinikilos ng mga VU students. Hindi maintindihan ng mga VUO Officers kung bakit sa tuwing dadaan sila, karamihan sa mga nakakasalubong nila, iniiwasang tignan sila sa mata o hindi kaya'y batiin sila. Naisip nga nila na baka sinisisi sila ng mga ito kung bakit nawala ang mga mahal nito sa buhay pero kung hindi naman nila ginawa iyon, baka sila na ang napaslang.
Kasalukuyang recess na ng lahat, ito ang pinakahihintay ng mga estudyante, noon, pero hindi na ngayon kasi karamihan sa kanila, nawalan na ng ganang mag-recess dahil sa nangyari pero may ilan din namang hindi ininda 'yong nangyari at umaakto nang para bang bumalik na ulit sa normal ang lahat. Gaya ng grupo nila Jared.
Masaya silang nakaupo sa isang bench. Pakanta-kanta lang si Geleen habang nakangiti naman nang tipid si Janelle. Si Terrence naman, apura ang pagpapaguwapo, mukhang bukod sa nobyang si Geleen ay may iba pang pinopormahan. Napansin naman ng babae ang kakaibang galawan ni Terrence kaya hinampas niya ito. Napatingin sa kanya ang lalaki.
"Pesteng mabaho! Anong problema mo, babe?" nakakunot-noong tanong ni Terrence.
"Wow, kung maka-babe ka, parang wala kang ibang pinopormahan ah? Sinu-sino ba sila ha? Mabalatan lang ng buhay!" nagseselos na sabi ni Geleen. Tatalikod na sana siya sa lalaki kung hindi lang siya niyakap nito.
"Babe naman, wala nang ibang popormahan si guwapo kung 'di ikaw lang," malambing na sabi ni Terrence.
"Talaga?"
"Oo naman, babe."
Si Geleen naman ang yumakap kay Terrence ngayon. Ang lintik na lalaki, feel na feel ang kaguwapuhan niya dahil isang dyosa ang nakayakap sa kanya.
Natatawa sina Jared at Janelle sa 'kinikilos ng dalawa hanggang sa nagkatinginan sila. Hindi nila alam kung bakit hindi nila maalis ang tingin nila sa isa't isa. Medyo naiilang na sila pero patuloy lang sila sa pagtitinginan na para bang may something sa kanila. Naagaw nila ang pansin nina Terrence at Geleen.
"Siya na ba ang ipapalit mo kay Princess Ercole, Jared?" tanong ni Terrence at saka siya ngumisi.
"Oo," nagulat sila sa sinabi ni Jared. Wala ito sa sarili kaya nang bumalik ito sa realidad ay hindi na nito nabawi ang sinabi. Wala na itong choice maliban sa umamin nang wala sa oras. "Kung mamarapatin ng isang Janelle Olviert na ligawan ko siya."
Bigla na lang namula si Janelle. Hindi niya malaman kung kinikilig siya o nahihiya. Naging malikot ang mga mata niya. Kung saan-saan ito tumingin hanggang sa...
Iniharap ni Jared ang mukha ni Janelle. Pinatingin niya ito sa mga mata niya. Mukhang susuriin ni Jared kung may pagtatangi ang mga mata nito sa kanya pero teka lang, 'di ba nararamdaman 'yon at hindi nakikita? Mukhang nababaliw na rin si Jared. Hindi nga lang tulad ng case ni Aniela.
Hindi mapakali si Janelle pero pinili niyang titigan na lang ang lalaki. Hanggang sa bigla na lang siyang sininok. Kinuha ni Jared ang inumin nito at saka nito inabot sa kanya. Sunud-sunod niyang nilagok ang tubig at hindi niya ine-expect na mauubos niya 'yon. Nahihiyang niyang ibinalik ang wala ng laman na inumin kay Jared. Pinanlakihan ng mata si Jared na para bang hindi ito makapaniwala na naubos niya ang tubig nito. Mayamaya pa'y inasar siya nito.
"Naubos mo ang inumin ko nang gano'n-gano'n lang?"
"S-sorry Jared, papalitan ko na lang." Akmang tatayo na siya nang hilahin siya nito paupo. Sa sobrang lakas ng pagkakahila sa kanya nito ay napakandong siya rito. Dahil d'on ay pareho silang namula. Nang makabawi siya, agad siyang tumayo at naupo sa tabi nito. "P-papalitan ko na lang ba?" parang walang nangyaring tanong niya kay Jared.
BINABASA MO ANG
When She's 18
VampireKilalanin si Ercole Marjery Santillan, ang babaeng nangarap na respetuhin at mahalin ng mga taong nakapaligid sa kanya. Ano nga kayang mangyayari kapag nalaman na niya ang tunay na dahilan kung bakit hindi siya nirerespeto ng mga ito? Patuloy niya p...