Ercole's P.O.V:
Pagmulat palang ng mga mata ko ay puting kisame na kaagad ang nakita ko. I look around in the surroundings. Nakita ko si Zaerus na nakaupo sa harapan ko. Nakadukdok siya sa kamang kinahihigaan ko.
Bigla ko tuloy naalala kung bakit ako nandito.
Napatingin ako sa braso ko. Syete! Ang haba-haba na nga ng manggas ng blouse ko tapos natagusan pa rin ng liwanag?
"Uhm..."
Napatingin ako kay Zaerus. Sa wakas, nagising na rin siya.
"How do you feel?" tanong niya.
Sasalatin na dapat niya ang braso ko kung hindi ko lang hinawi ang kamay niya.
Tinignan ko siya nang masama na agad naman niyang naintindihan.
"Sorry. I'm just fucking worried."
My eyes widened because of what I heard. Syete. Marunong rin palang siyang mag-alala? Kungsabagay, may nakikita na rin akong emosyon sa mukha niya.
Mayamaya lang ay may inabot siya sa aking red coat na may nakaburda na Vampire University sa magkabilang laylayan ng manggas.
"Let me wear this to you," pagpiprisinta niya. Naisuot niya sa akin 'yong coat nang hindi man lang tinamaan 'yong sugat ko.
"Para saan ba ito?" tanong ko habang tinitignan ko 'yong coat ko.
"Sabi ni Nurse Cha, sensitive ang skin mo kaya kailangan mong suotin 'yong coat na 'yan, to protect you from sunlight. Palagi ka nang magsusuot ng jogging pants para hindi malapnos 'yong tuhod mo. In fact, pinakuha ko si Tyron ng jogging pants sa mansion kaya mayamaya lang, nandito na siya at dala niya na 'yon."
"Bakit mo naman inutusan si Tyron?"
"Because he's my fucking servant."
"Akala ko ba, close friend mo siya?"
"And who the fucking hell told you that?" tanong niya.
"Si Aikz."
"Oh, I was wrong. He's not a hell but he fucking came from hell."
"Ang sama mo kay Aikz!" Kunwari, naiinis ako pero hindi nagtagal, natawa rin ako. Pamuwisit rin pala 'tong mokong na 'to kahit puro fucking ang lumalabas sa bibig.
"Pero teka, kung 'yong coat at jogging pants na ang isusuot ko, ibig sabihin, hindi ko na mae-enjoy ang uniform ng University?" tanong ko.
"Gano'n na nga."
"Ahay! Kapangit naman n'on!"
"It's not ugly. You are just insane to think of it."
My eyes widened after I heard what he said.
"Hindi ako baliw!"
Pinalatakan niya lang ako.
"Huwag ka ngang pumalatak diyan! Tignan mong namomroblema na nga ako!" pagrereklamo ko.
"Hindi naman kasi big deal kung palagi kang magsusuot ng red coat at jogging pants. Temporary lang naman 'yon," paliwanag niya.
"Anong ibig mong sabihin?"
"Hindi ko hahayaan na buong school year kang magsuot ng red coat at jogging pants dahil alam ko namang manghihinayang ka sa uniform mo. Gagawan ko ng paraan."
"Talaga? Pero paano?"
Hinawakan niya ang kamay ko at saka niya pinisil ito.
"Hindi ko pa alam but all you need to do is..." Huminga siya nang malalim. "...Just trust me, my lady."
August 5, Wednesday.
Ercole's P.O.V:
"Syete! Hindi bagay sa akin 'yong red coat at jogging pants na suot ko! Ang pangit ng combination!" pagmamaktol ko habang tinitignan ko ang sarili ko sa salamin.
Mayamaya lang ay nakarinig ako ng mga yabag. Sa tingin ko, sa akin 'yon papunta kaya naghanap kaagad ako ng mapagtataguan.
Siguradong pagtatawanan ako ni Zaerus kapag nakita niya 'ko. Wala akong pakialam kung hanapin niya ako, basta ako, hindi ako magpapakita.
Zaerus's P.O.V:
"Ercole."
Hindi ko narinig ang pag-respond niya.
"Ercole, where are you?"
Gaya noong nauna, hindi siya sumagot.
"Ercole, please fucking show yourself to me."
Teka. Pinaglalaruan ba ako ng babaeng 'yon? Where the fucking hell is she?
Tinawag ko ulit si Ercole pero hindi pa rin siya sumagot. Fuck. Iniiwasan ba niya ako o gusto niya lang makipaglaro ng hide and seek?
That fucking girl is the reason of my stress. Mabuti na nga lang at hindi tumatanda ang mukha ko.
Umikot ako, mula kusina hanggang sa sala. Naghanap na rin ako sa labas, pati na rin sa bakuran pero hindi ko pa rin siya nakita. Saan ba siya nagsususuot?
"Ercole, where the fucking hell are you? Why are you hiding at me?"
Nag-ikot-ikot pa ako hanggang sa nabigo akong makita siya. Sa sobrang pagod ko kakahanap ay napaupo na lang ako sa sofa at doon ko hinabol ang hininga ko.
Masama pa naman sa akin 'yong magpaikut-ikot.
The pain registered on my face nang maramdaman kong naninikip ang dibdib ko. Unti-unting nanghina ang katawan ko hanggang sa tuluyang pumikit ang mga mata ko.
Unknown's P.O.V:
"Nasaan si Zaerus?" tanong ko kay Yencel. Siya kaagad ang nakita ko pagpasok ko palang ng office nila.
"Wala pa siya rito."
"Paano nangyaring wala pa siya, eh late na? Hindi ba siya nagsabi sa 'yo na male-late siya?"
"Isa-isa lang ang tanong puwede?"
"Gosh! Nag-aalala na kaya ako!" pagrereklamo ko.
"Kami rin naman eh! Ngayon lang kasi na-late si President Zaerus kaya nagtataka rin kami! Teka nga! Bakit ka ba nandito? Bawal ka rito 'di ba?"
Kumunot-noo ako. "Bakit naman ako naging bawal dito?"
"Si President Zaerus mismo ang nagsabi na huwag kang papapasukin dito. Kabilin-bilinan niya na ayaw ka na niyang makita pa kaya sigurado akong maiinis 'yon kapag nadatnan ka niya dito, pati na rin ng girlfriend niya."
Para akong pinagsakluban ng langit at lupa sa narinig ko.
Bitchy! May kapalit na pala 'ko sa puso niya! Bumalik ako rito kasi na-realize na mahal ko pa rin siya pero buwisit siya, hindi man lang niya ako hinintay! Hindi man lang niya hinintay na manumbalik 'yong feelings ko sa kanya!
"Kung ako sa 'yo, umalis ka na bago ka pa niya makita."
"Okay fine! Aalis na ako pero babalikan ko pa rin siya! Hindi ako titigil hangga't hindi siya bumabalik sa akin!" I bitchy walked away with tears. Palabas na ako ng office nang magsalita na naman si Yencel.
"Hindi na siya babalik sa 'yo, girl! Lalo na ngayon, na nandito na 'yong babaeng minarkhan niya kaya huwag ka nang umasa pa dahil masasaktan ka lang!"
Lalo lang bumaha ang luha ko dahil sa katotohanang iyon.
BINABASA MO ANG
When She's 18
WampiryKilalanin si Ercole Marjery Santillan, ang babaeng nangarap na respetuhin at mahalin ng mga taong nakapaligid sa kanya. Ano nga kayang mangyayari kapag nalaman na niya ang tunay na dahilan kung bakit hindi siya nirerespeto ng mga ito? Patuloy niya p...