Ercole's POV:Nagising ako dahil sa liwanag na tumama sa mukha ko. Bumangon ako nang makita kong wala ako sa itim na mansion.
"Nasaan ako?"
"Nandito ka sa mundong hindi mo pa maaaring tirahan."
Napakahinahon ng boses niya. Dahan-dahang akong napatingin sa pinagmumulan n'on. Nakita ko ang isang hindi pamilyar na lalaki. Kumikinang 'yong puting damit na suot niya. Napakaraming usok na nagkalat sa paligid. Usok na hindi masama sa pakiramdam.
Oh my gosh. Is this the place they call...
"Nandito ka sa mundong hindi mo pa maaaring tirahan. Ito ang tahanan ng mga patay na bampira at hindi ka pa nabibilang sa mundong ito, Ercole."
"Kilala mo 'ko?"
Hinawakan niya ang kamay ko. Kinilabutan ako sa sobrang lamig ng kamay niya. Oo nga pala, isa na siyang malamig na kaluluwa.
"Ercole, hindi mo pa oras. Hindi ka puwedeng mamatay hangga't hindi mo naaalala kung sino ka. Hindi ka pa mamamatay dahil marami pang magdadaan sa buhay mo. Hindi mo pa nakakasama ang pamilyang binuo niyo, ng pinsan ko."
"Pinsan mo si Jared?"
"Hindi. Hindi siya ang pinsan ko."
"Siya ang ama ng anak ko. Siya ang nobyo ko. Siya ang nagmarka sa akin kaya paano mo nasasabing hindi siya ang pinsan mo o baka naman napagkamalan mo lang na ako ang nobya ng pinsan mo?"
"Marami kang kasinungalingang nakalap, Ercole. Panahon na para malaman mo kung sino ka talaga." Ipinikit niya ang mga mata ko.
Nag-iba ang ihip ng hangin, nakakapanindig-balahibo.
"Alalahanin mo ang lahat, Ercole. Magpokus ka."
Nagtataka man ako pero sinubukan kong magpokus. Wala akong inisip. Wala akong inalala ngunit may mga memoryang nagsisikilusan papasok sa aking isipan.
"Salamat nga pala sa pagligtas mo sa akin kanina, Aikz."
"Ano ka ba? Wala iyon."
"Alam mo ba? Nagi-guilty ako kasi ikaw 'yong nasaktan. Dapat ako 'yon eh."
Hinawakan niya ang kamay ko. "Hindi mo kailangang ma-guilty, Ercole."
"Hindi ko mapigilan eh."
He smiled at me. "Wala ka namang dapat ika-guilty eh. Ginusto ko ito at saka isa pa, ayokong nakikitang nasasaktan ka. Hindi baleng ako na lang 'yong masaktan, huwag lang ikaw. Kaibigan mo ako, Ercole at bilang isang kaibigan, tungkulin ko ang protektahan ka kaya huwag mong hayaang ma-guilty ka sa bagay na hindi mo naman kasalanan."
"Salamat talaga ah? Kasi nag-stay ka pa rin sa tabi ko kahit iba na 'yong tingin nila sa akin." Muntik na akong maluha. Mabuti na lang, napigilan ko.
"A-Aikz?" Hindi ko napigilang umiyak sa tuwa.
"Nakakahiya ka, sissy. Kung anu-anong tinanong mo sa kaibigan ko! Nakakahiya ka!"
"Eh 'di sorry!"
"Sorry? Anong magagawa ng sorry mo, eh nangyari na nga?"
"Sorry na, please!"
"I hate you, sissy! Nang dahil sa ginawa mo, there is a possibility na layuan ako ni Aikz! Alam mo namang siya lang ang kaibigan ko tapos lalayuan pa niya ako?" I paused for a while. "Hindi ko alam ang gagawin ko kapag nilayuan niya ako, sissy."
BINABASA MO ANG
When She's 18
VampirosKilalanin si Ercole Marjery Santillan, ang babaeng nangarap na respetuhin at mahalin ng mga taong nakapaligid sa kanya. Ano nga kayang mangyayari kapag nalaman na niya ang tunay na dahilan kung bakit hindi siya nirerespeto ng mga ito? Patuloy niya p...