Ercole's P.O.V:
Nagising ako dahil sa spark ng kidlat na tumama sa akin. Syete! Ang lakas ng kulog!
Bumangon na ako kahit sa totoo lang, ayaw pang dumilat ng mata ko. Kapag naalimpungatan ako, hindi na sko nakakatulog kaya wala ring saysay kung hihiga pa ko. Dumiretso ako sa sala at saka ako nagbukas ng ilaw.
Naupo ako sa sofa at lihim kong pinagmasdan ang patuloy na pagbuhos ng ulan.
Syete! Umuulan pala rito!
Sa kalagitnaan ng pagmamasid ay nakarinig ako ng kakaibang kaluskos galing sa labas. Kahit maingay ang buhos ng ulan, hindi 'yon nakaligtas sa pandinig ko. Oo, pati pandinig ko, nagbago. Sumobra sa talas.
Malapit na 'ko sa pinto nang biglang nagpatay-sindi ang ilaw. Hanggang sa tuluyang namatay ang ilaw.
Syete! Nag-blackout pa!
Bigla na namang kumidlat, the reason why I saw three shadow of vampires. Sa sumunod na pagkidlat ay napaupo ako sa sahig. Gulat na gulat ako dahil 'yong tatlong lalaking nakita ko kanina, nasa harapan ko na.
Kakaiba sila sa mga bampira na palagi kong nakakasama. We have the same skin color, color of the eyes at maski size ng pangil, same kami.
"S-sino kayo? Anong gagawin niyo sa akin?" Nanginginig na ako sa takot.
"Wala kaming gagawin sa 'yo pero sa pamilya mo, malaki ang posibilidad na meron!" sabi ng lalaking nasa gitna at saka siya tumawa nang nakakapangilabot.
"Huwag niyong gagalawin ang pamilya ko!" Pinanghihinaan na ako ng loob.
"Sige pero sa isang kondisyon. Sasama ka sa amin."
"Bakit naman ako sasama sa inyo? Hindi ko kayo kilala. Sino ba kayo?" sunud-sunod kong tanong.
"Mga Moon Vampire kami. Nandito kami para kuhanin ka. Nararapat lang na sumama ka sa amin dahil kalahi ka namin."
"Puwede ba? Hindi ko kayo kalahi kaya umalis na kayo! Bago pa magdilim ang paningin ko at kung anong magawa ko sa inyo!"
Nagsalita 'yong lalaking nasa kanan ng bampirang nasa gitna. Sana, gets niyo.
"Maniwala ka sa amin, kalahi mo kami. Kami ang kakampi mo. Hindi mo kauri ang pamilya ko kaya dapat mo silang kalabanin."
"Kahit ano pang sabihin niyo, hindi ako maniniwala sa inyo!"
"At hindi rin kami titigil hangga't hindi ka sumasama sa amin." Nagsimula na silang humakbang palapit sa akin.
Syete! Anong gagawin ko?
I have no choice but to close my eyes. This is a stupid idea but please, if it is just a nightmare, kindly wake me up.
Mayamaya pa'y nakarinig ako ng kalabog. Pagdilat ko, wala na sa harapan ko 'yong tatlo. Nakahiga na sila sa sahig.
Hindi ko naiwasang tignan 'yong isang lalaki na siyang nagpatumba sa kanila. I can't see his face dahil natatakpan iyon ng hood ng kanyang jacket.
"Get out, fucking vampires!" malamig na utos niya sa tatlo.
"Bakit ka naman namin susundin?" Imbis na sumunod ay hinamon pa siya ng tatlo.
"Dahil hindi lang 'yan ang aabutin you kapag ginalaw niyo ang pagmamay-ari ko!"
Ano raw?
"Bakit? Sino ka ba?" tanong ng tatlo.
"Ako ang papatay sa inyo." Lalong lumamig ang boses niya. Syete! Tumitindig ang balahibo ko nang dahil sa kanya!
BINABASA MO ANG
When She's 18
VampirosKilalanin si Ercole Marjery Santillan, ang babaeng nangarap na respetuhin at mahalin ng mga taong nakapaligid sa kanya. Ano nga kayang mangyayari kapag nalaman na niya ang tunay na dahilan kung bakit hindi siya nirerespeto ng mga ito? Patuloy niya p...