A/N:
Ercole's transformation in the picture. Wanna know what happened? Read this chapter.
-Chancet_13
Harvey's POV:
Pagkatapos mawalan ng malay ni Princess Ercole ay binuhat ko na kaagad siya. Dinala ko siya sa likuran ng CR kung saan, gumawa ako ng maliit na lagusan para mailabas si Princess Ercole kung sakaling tumalab na sa kanya 'yong likidong itinurok ng mga Moon at nangyari na nga iyon. Nagkasya ako sa butas na ginawa ko kaya hindi na 'ko nahirapang lumusot palabas ng university.
Buhat-buhat pa rin ang walang malay na babae ay nilakad ko ang buong kabukiran. Mayamaya lang ay natanaw ko na ang mga Moon. Hindi ako nagdalawang-isip na tumakbo kahit pa nabibigatan na 'ko sa dala ko. Nang nasa harap na nila 'ko ay napangiti sila.
"Magiging masarap ang inyong hapunan kung siya ang inyong kakainin." Ngumiti rin ako.
"Inuulit ko, hindi ko gugustuhing kainin ang anak ko," matabil na sabi ng pinuno.
"Anak niyo ba talaga siya?"
"Oo. Anak ko si Ercole. Subukan mong pagtawanan ang nalaman mo at mababali ang maaring mabali sa 'yo."
Kinilabutan ako. Siguro, ito 'yong dahilan kung bakit wala ng pakalat-kalat na Sun Vampire sa paligid pagsapit ng dilim. Talagang nakakatakot ang mga Moon. Hindi mo kakayaning makipag-usap sa kanila sapagkat boses at pananalita palang nila, nakakapanindig-balahibo na.
Kinuha ng pinuno si Princess Ercole at saka niya ako tinignan.
"Umalis ka na."
Kesyo naduduwag ako ay dali-dali akong umalis at nagbalik sa university na para bang walang nangyari.
Dumaan ulit ako sa butas. Paglabas ko ng butas ay nadatnan ko ang isang hindi inaasahang babae.
"Piurne."
Lalapitan ko na sana siya kung hindi lang niya ako pinahinto.
"Saan ka galing, Harvey?"
"S-sa labas."
"Puwede namang sa main gate dumaan 'di ba? Bakit gumawa ka pa ng butas para lusutan? May ginawa ka bang hindi maganda kaya mo binutasan ang pader na 'yan?"
"A-ano bang sinasabi mo?"
"May hinala kasi ako na gumagawa ka ng katarantaduhan habang nasa piling ako ni Zaerus."
"Piurne–"
"Anyway..." Nanggigilid na ang mga luhang hinawi niya ang buhok na nagkalat sa mukha niya. "Happy ka na? Wala na sa akin si Zaerus. Nakipaghiwalay na siya sa akin. Masaya ka na ba kasi maso-solo mo na 'ko? Siguro naman ngayong mananatili na 'ko sa tabi mo, hindi ka na gagawa ng kalokohan?"
"Hindi ako gumagawa ng kalokohan, Piurne."
"Ang pagbutas sa pader? Hindi ba kolokohan 'yon?" Tinalikuran niya 'ko. Bago pa siya makalayo ay niyakap ko na siya patalikod.
"I miss you," sambit ko.
Wala akong natanggap na sagot. Hagulgol lang niya ang bukod tanging narinig ko. Wala na nga sila ni Prince Zaerus pero nananatili pa rin siya sa puso ni Piurne kaya hindi ko pa rin maiaalis sa akin ang magselos at mainis. Naiinis ako dahil mas minahal siya ni Piurne. Mas matagal niyang nakasama si Piurne. Mas naging masaya siya habang ako, nagdudusa at nangungulila pero ngayon, sisiguraduhin kong hindi na siya sasaya. Ngayong inilayo ko na sa kanya si Princess Ercole.
****
October 17, Tuesday.
4:00 am.
BINABASA MO ANG
When She's 18
VampireKilalanin si Ercole Marjery Santillan, ang babaeng nangarap na respetuhin at mahalin ng mga taong nakapaligid sa kanya. Ano nga kayang mangyayari kapag nalaman na niya ang tunay na dahilan kung bakit hindi siya nirerespeto ng mga ito? Patuloy niya p...