𝑪𝒉𝒂𝒑𝒕𝒆𝒓 3

2.1K 41 0
                                    

Ercole's P.O.V:

Nang makaalis si sissy ay saka palang ako naglakad papasok ng university. Nakarinig na naman ako ng mga bulungan.

"Bakit nandito pa rin si Ercole?"

"Kailan ba siya mawawala sa university na ito?"

"Hindi nga siya nananakit pero nakakatakot pa rin siya!"

"Sana ma-kick out na siya hangga't maaga pa!"

"Sana nga! Para makahinga na tayo nang maluwag!"

Parang dinudurog ang puso ko sa mga pinagsasasabi nila. I can't take this anymore. They too much insulting me and every words coming out to their mouths are really hurting me.

Napatakip ako ng tainga ko nang bigla na lang um-echo sa pandinig ko ang lahat ng pang-iinsulto nila. What's going on with me? Arghh!

Imbis na mabawasan ang naririnig ko ay mas dumami pa ito. Lumakas pa ito nang lumakas hanggang sa hindi ako nakatiis na sigawan sila.

"Tama na!"

I got the attetion of everyone. They are now looking at me with fears. Hindi ko alam pero parang may nagdidikta sa akin na gumawa ng masama. Kaagad akong bumigay at sumunod sa kung anong idinidikta sa akin.

Dahan-dahan akong lumapit sa mga estudyante. In every steps I made, siya namang paglayo nila. Siguro, kung hindi nila ako ginalit, baka hindi ko sila nilalapitan ngayon pero hindi eh. Ginalit nila ako kaya ipaparanas ko sa kanila kung paano magalit ang tulad kong pinaulanan nila ng insulto.

Patakbo kong sinugod ang dalawang babaeng nakita ko. Pareho ko silang sinakal at itinaas sa ere.

Napahalakhak ako nang sunud-sunod at aaminin kong kinikilabutan ako sa pagtawa ko dahil ang taong nananakit ngayon ay hindi ako.

Parang may ibang pagkatao na namumuhay sa katawan ko na siyang gumagawa nito. Ang bad version na ako.

Aikz's P.O.V:

"Good morning, Sir Aikz!" masiglang bati sa akin ng school guard.

Ngumiti muna ako at pagkatapos, nilagpasan ko na siya. Habang naglalakad ako ay hindi nakaligtas sa paningin ko 'yong mga nagkukumpulang estudyante, hindi kalayuan sa puwesto ko.

Anong meron?

Biglang may kumalabit sa akin.

"Hi, Aikz!" binati ako ng babae pagkalingon ko sa kanya.

"Hello!" I leave a smile in my lips.

"Hindi ako makapaniwala na hindi mo 'ko ini-snob ngayon, Aikz," she said while the sparks are still on her eyes. Sa halip na 'yon ang pagtuunan ko ng pansin ay mas inuna kong bigyan ng halaga ang sinabi niya.

When She's 18Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon