𝑪𝒉𝒂𝒑𝒕𝒆𝒓 11

1.6K 37 0
                                    

Zaerus's P.O.V:

"Ano bang kailangan naming gawin para hindi na balikan si Ercole ng mga 'yon?" tanong ni Aikz habang sapu-sapo niya ang kanyang noo na para bang wala na siyang maisip na paraan para tantanan ng mga Moon Vampire ang mate ko.

Ako, matagal na kong may plano at sa tingin ko, mas makabubuti kung isasagawa ko na ang plano ko mamayang pagsapit ng dilim.

"Mamayang gabi, babalikan ko si Ercole."

"Akala ko ba, saka mo na lang siya kukunin kapag nakatapos na kayo ng high school?"

Oo, binago ko ang usapan namin ni Aikz. I fucking told him that I changed my mind, na hindi ko na muna kukunin si Ercole kapag nag-18 na siya, na after graduation na lang ng high school ko siya kukunin sa pamilya niya pero kailangan kong sirain ang napag-usapan namin, para na rin sa kaligtasan ni Ercole.

At saka isa pa, hindi naman namin na-inform ang pamilya ni Ercole at ang parents niya sa bagong usapan namin kaya sige, itutuloy ko ang unang  napag-usapan namin.

"I'm sorry, Aikz pero hindi na ako tutupad sa usapan natin." Huminga ako nang malalim. "Look, ayokong mapahamak si Ercole–ulit. Alam na ng mga Moon kung saan siya nakatira kaya posibleng balikan nila si Ercole nang paulit-ulit. Sa tingin mo, bakit madaling-araw silang sumusugod kahit na puwede naman silang sumugod sa gabi? Dahil sa mga oras na iyon, natutulog na tayong mga Sun Vampire. To make the story short, hindi mapoprotektahan si Ercole ng pamilya niya kapag sinugod siya ulit ng mga iyon."

"Pero Zaerus–"

"Please fucking understand me, Aikz. I just want Ercole to be safe."

"Pero paano si Ercole? Hindi siya sasama sa 'yo dahil hindi ka niya kilala."

"But she fucking remember my voice."

"Your voice is not enough reason para sumama siya sa 'yo. Introduce yourself to her, Zaerus. Tell her that you're the vampire who marked her, na ikaw ang mate niya."

"Fine."

"Ang mabuti pa, sabay na tayong pumunta sa kanila."

"Bakit hindi ka pa ngayong umaga pumunta?"

"Ayokong sirain ang bonding ni Ercole sa pamilya niya," sagot ni Aikz.

"Okay."

Mapapanatag ang loob ko sa buong maghapon. The Moon Vampire can't touch her or either her family. Bakit? Kasi takot sila sa sunlight. Matapat lang sila nang kaunti, nalalapnos na ang balat nila.

Ercole's P.O.V:

"Waahh!"

Napahiyaw ako dahil sa lapnos na natamo ko mula sa liwanag. Napag-alala ko tuloy ang parents ko.

"Oh my goodness! Anong nangyari, baby?" tanong ni Mommy.

Napatakip siya ng bibig nang makita niyang nalapnos ang magkabila kong braso. Bigla siyang umiyak na nagpakaba sa akin.

"M-Mommy, bakit?"

Inalis ni Mommy ang pagkakatakip sa bibig niya.

"B-bakit nalapnos ang balat mo, baby?"

"Natapat po kasi ako sa liwanag, Mommy."

"Kailan ka pa nagkakaganyan?"

"Kahapon lang po," sagot ko.

"No, hindi puwede ito!"

"Bakit po? Ano po bang ibig sabihin nito?"

Narinig ko ang pagbuntong-hininga ni Mommy.

When She's 18Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon