Ercole's POV:
"Sa wakas, nahanap na rin kita. Ikaw ang alay."
Paano niya nalaman na ako ang alay?
"Hinalungkat ko ang mga ala-ala at nakaraang pinakita sa akin ng mga mata mo. Simula pagkasilang mo hanggang sa magkaisip ka ay nakita ko."
"Nakita? Paano po? Eh hindi ba't nakapikit po kayo kanina?"
Tumawa siya. "Nakita ko iyon kahit na nakapikit ako. I'm a mind reader kaya huwag ka nang magtaka kung alam ko na ang buong pagkatao mo ngayon."
"Hindi niyo po ba nakita sa nakaraan ko ang kakambal ko? Isa rin po siyang alay kagaya ko."
"May kakambal ka, Ercole?" hindi makapaniwala si Zae sa sinabi ko. Imbis na sumagot ay lalo ko lang itinuon ang pansin ko sa Mommy niya, kay Queen Yzel.
"May kakambal po ako pero hindi ko po siya nakasamang lumaki dahil nasa poder po siya ng totoo kong ama."
"Si Meulbert?"
"Tama po kayo, siya po ang Papa ko."
****
"Dito kami magpapalipas ng gabi ng kapatid mo, Zaerus."
Kasalukuyan akong nagtatago sa pader. Gusto kong marinig ang pag-uusapan nilang pamilya. Wala eh. Nahawa ako kay Aikz sa pagiging tsismosa.
They both facing each other between the long table. Si Queen Yzel, ang lalim ng tingin niya kay Zae.
"Hindi ka pa rin ba makapaniwala na alay siya?"
"Mom, don't read my mind," pag-angil ni Zae.
So pinky maarte ha?
"Zaerus, kahit pigilan mo 'ko, wala kang magagawa dahil mababasa at mababasa ko pa rin ang laman ng isipan mo."
"Aish! Bakit kasi nagkaroon ka ng ganyang kapangyarihan?"
"Talento ang tawag dito, Zaerus."
"Mom!" Umangil na naman siya.
"But let me ask you, Zaerus. Bakit nasa iyo ang alay?"
"Dahil siya 'yong babaeng minarkahan ko."
Syete! Bakit niya sinabi?
"Anong sabi mo?" hindi makapaniwala si Queen Yzel sa narinig niya.
Aalis na sana ako sa pinagtataguan ko nang biglang...
"Alam kong nandiyan ka, Ercole. Lumabas ka na sa pinagtataguan mo kung talagang gusto mong marinig ang sasabihin ko," wala man lang emosyon na sabi ni Queen Yzel. Syete. Sa kanya pala nagmana si Zae.
Lumabas ako nang dahan-dahan sa pinagtataguan ko. Yumuko muna ako bago ako lumapit sa kanila.
"Ercole."
Tumingin ako kay Queen. Sinenyasan niya 'kong maupo sa tabi niya at kaagad ko naman 'yong sinunod.
Syete! Ninenerbiyos ako!
"Ngayong nandito ka na, gusto kong sabihin mo sa akin ang totoo," sabi niya dahilan para nerbiyusin ako lalo.
Ngayon alam ko na. Second version lang pala ni Queen Yzel si Zae dahil siya ang original na cold vampire.
"Can you please talk, Ercole?"
"Ano pong totoo? Wala po akong alam sa sinasabi niyo." Alam kong masamang magsinungaling pero ginawa ko pa rin, matakasan ko lang ang sitwasyong ito.
"Ercole, I'm a mind reader kaya alam kong hindi ka nagsasabi ng totoo. Gusto kong makita ang ebidensyang magpapatunay na totoo ang sinasabi ng anak ko. Can I see the mark in your neck?" seryosong tanong ni Queen.
BINABASA MO ANG
When She's 18
VampirosKilalanin si Ercole Marjery Santillan, ang babaeng nangarap na respetuhin at mahalin ng mga taong nakapaligid sa kanya. Ano nga kayang mangyayari kapag nalaman na niya ang tunay na dahilan kung bakit hindi siya nirerespeto ng mga ito? Patuloy niya p...