Minsan akong naging si BabyKatana13 that's why Katanians ang tawag ko sa readers ko.
~Chancet_13
————
Ercole's P.O.V:
"Aray! Masakit!" daing ni sissy matapos dampian ni Nurse Cha ng bulak ang sugat na natamo niya.
Loko kasi siya eh. Isa laban sa lahat, magtaka siya kung manalo siya.
Noong una, hindi siya nilalabanan ng mga sinasabunutan niya pero nang malaman ng mga ito na marami sila ay ginantihan nila si sissy. Doon palang namin sila tuluyang naawat. Sa tulong ng pagiging Prince ni Aikz na kilala rin ng lahat ay tumigil ang mga nanabunot kay sissy at humingi pa ng paumanhin.
Matapos ang away, diniretso namin si sissy sa clinic. 'Yan nga at kasalukuyang nililinis na ni Nurse Cha ang mga sugat niya.
Titig na titig lang ako sa ginagawang panggagamot ni Nurse Cha sa kapatid ko. Expert talaga si Nurse Cha pagdating sa panggagamot.
Nang tapos na niyang linisan si sissy ay doon palang siya tumingin sa akin.
"Teka. Ikaw 'yong dinala ni Prince Zaerus dito noong nalapnos ang balat mo, tama?" nakangiting tanong ni Nurse Cha.
Sasagot na sana ako nang biglang sumingit si sissy.
"Oh my gosh! Nalapnos na naman ang balat mo? 'Yan ba ang dahilan kung bakit balot na balot 'yang suot mo?"
"Ah kasi, sissy–"
"What happened to her?" That sentence cut my line.
Napatingin ako sa nagsalita. Parang nagslowmotion ang paligid pagkakita ko sa kanya. Waahh! Na-miss ko siya!
Nandito lang naman ang nag-iisang lalaking nagpatibok ng puso ko na kasalukuyang tumatakbo palapit sa amin. Aminin ko man o hindi, pati pagtakbo niya, suwabe ang dating para sa akin.
Pagkalapit niya sa amin ay chineck niya agad ang lagay ni sissy.
"Anong nangyari, Ate Frances?"
Tama ba ang narinig ko? Tinawag niyang Ate si sissy?
"Ate Frances, do you hear me? Anong nangyari? Sabihin mo sa akin." Nag-aalala na si Zae para kay sissy.
Tumingin sa akin si sissy na para bang ipinababatid niya sa akin na kailangan na niyang magsumbong. Pakialam ko ba?
"Zaerus." Huminto saglit si sissy para huminga nang malalim. "'Yang kapatid ko kasi, hindi man lang ipinagtatanggol ang sarili niya sa mga nang-iinsulto sa kanya! Ayoko pa namang may iniinsulto sa pamilya namin kaya hindi ako nakapagpigil at sinabunutan ko sila! Sa sobrang dami nila, hindi ko kinaya! Pinagtulungan nila ako, Zaerus! Naku! Kung wala lang talaga d'on sila Aikz ay baka hindi ako tinigilan ng mga 'yon! Famous pala kayo sa buong VU 'no? Well eto nga, sa sobrang dami ng mga nakaaway ko ay marami akong sugat na natamo kaya hindi nagdalawang-isip sila Aikz na dalhin ako rito! Pagsabihan mo nga 'yang kapatid ko para magtanda!" Mas maingay pa pala sa sirena ng ambulansya kung magsumbong si sissy.
Tinignan ako nang masama ni Zae.
"Ercole."
"Oh?"
Bigla niya akong hinila palabas ng clinic at dinala sa isang room.
"Dito ang classroom natin. Kaklase natin sina Aikz at Tyron."
"Ah gano'n ba?"
Nakaramdam ako ng tensyon hindi dahil sa pagitan namin, kung hindi dahil sa mga bampirang nakatingin sa amin.
BINABASA MO ANG
When She's 18
VampireKilalanin si Ercole Marjery Santillan, ang babaeng nangarap na respetuhin at mahalin ng mga taong nakapaligid sa kanya. Ano nga kayang mangyayari kapag nalaman na niya ang tunay na dahilan kung bakit hindi siya nirerespeto ng mga ito? Patuloy niya p...