GAME 19

812 15 1
                                    

AC's POV

Nagkkwentuhan at nanunuod ng movie habang nakahiga sa iisang couch ang nadatnan ko sa condo when I went home.

"Himala you're too early." Sabi sakin ni Beatriz na napalingon sakin when she heard the door opens.

"Freecut." Simple kong sagot kahit na nagulat ako sa nadatnan ko. I don't know they are close as this already "Kayo?"

"Mamaya pang 3pm. May smores sa kitchen, gumawa kami kanina. Baka gusto mo." It was ate Jho who answered. Tumango muna ako before pumasok sa kwarto para magbihis.

"You don't have class na?" Tanong sakin ni Bea when she noticed na nagpalit ako ng pambahay pagkalabas ko ng kwarto.

"Wala na. Himala ata, you don't know my sched." This is the first time na nakalimutan niya ang class schedule ko. "I'll eat first." Tumango sila pareho.

"Something's bothering her." Rinig kong bulong ni ate Jho kay Beatriz. "Kausapin mo."

Napahinto ako sa gulat pero agad din naman akong nagpatuloy sa paglalakad. Mahirap na baka mahalata nilang narinig ko.

Kumuha lang ako ng cereals sa ref at nung smores na ginawa nila at dali-daling bumalik sa living room kasi baka kung ano pa ang masabi nila about me.

"Yan lang lunch mo?" Napataas ang kilay ni Beatriz when she saw my food.

"Wala akong gana." Pilit akong ngumiti para hindi sila maghinala. Until now, they still don't know what happened between me and Anton.

"Movie tayo, you want?" Tanong ni Beatriz. I nodded."What movie?"

"Kayo bahala." Nagkatinginan ang dalawa sa sagot ko. The way they look at each other parang may something.

"Baka Bukas." Basa ko sa title ng piniling movie ni Beatriz.

"Have you watched na?" Tanong niya sakin. Umiling ako.

Bumalik si Beatriz sa tabi ni ate Jho. Seryoso lang akong nanuod ng movie habang kumakain. Habang sila, nagkwekwentuhan lang. I don't know if they are not interested or napanuod na nila to.

Pero bakit ito ang pinili ni Bea? Napapansin ko rin na she's looking at me from time to time

"Jasmine is so damn hot." Di ko mapigilang puri kay Jasmine Curtis.

"Weh? Nakakaappreciate ka ng mga ganyan?" Parang hindi makapaniwalang tanong ni ate Jho.

"Of course! Dami ko kayang girl crushes." Confident kong sagot, halatang pareho sila nagulat.

Ganun ba ako kastraight sa paningin nila?

"Bola mo. Sino-sino?" Between them, mukhang si ate Jho lang ang interesado. Si Beatriz kasi seryoso lang na nakatingin sakin.

"Emma Watson, Lily Collins and Denise Laurel. And ow! Dzi Gervacio." I smile.

"Ano ba yan puro showbiz
Si ate Dzi lang ang hindi." Reklamo niya. Pilit kong hindi binura ang ngiti sa labi ko.

Alangan namang sabihin kong Bea de Leon, di ba?

JEUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon