AC's POV
We stayed 1 week in Spain and 1 week in France. 1 week rin kami sa Maldives for a vacation.
Nasa Maldives palang, ate Ella and I planned to meet each other na pagbalik ko.
Sinabi ko kasi sa kaniya na may nadiscover ako. Sa lahat ng tao, kay ate Ella and ate Ki lang ako nagkkwento about Bea. Sila lang rin and my highschool friends ang nakakaalam about my feelings for her.
"As in super sweet? Baka naman echos echos lang. Kilala mo naman yung dalawa, di ba? Clingy talaga." That's ate Ella's reaction when I told her everything.
"Ate Els, Bea is not that sweet sa normal na kaibigan niya. Even sakin never naman siyang nagttext ng ganun."
"Hindii ba alam ni Jho yung nararamdaman mo kay Bea?" She asked and I shook my head.
"Eh gaga ka pala! Bat kasi di mo sinabi? Tapos ngayon iiyak-iyak ka!" And now she's scolding me.
"Why? Kung alam niya ba, tingin mo hindi magiging sila? Well, siguro nga, pero silang dalawa naman ang mahihirapan, di ba? Okay na yun na ako nalang. If they really love each other then okay. Pero sana man lang sinabi sakin ni Bea." I keep mixing my melted ice cream. Wala pa rin kasi akong ganang kumain.
"Masokista ka rin, ano? Yan ang nakukuha ng pakialamera, AC Montefalco." Binatukan ako ni ate Ella kaya napahawak ako sa ulo ko.
Wow naman. Masakit na nga puso ko, gusto pa rin akong saktan. I don't really get myself kung bakit dito ko napiling magshare.
"It's not being pakialamera. It's what you call curiosity." I defended myself.
"At dahil sa curiosity mo, nasasaktan ka!" Naparoll eyes nalang ako. How supportive, ate Els.
Hindi na ako nagsalita pa kasi totoo naman. Ako naman talaga ang rason kung bakit ako nasasaktan ngayon. Kung hindi sana ako nakialam, edi sana I'm still naive about that reality. And how I wish, I am that naive nalang.
Pinaglaruan ko nalang din yung blueberry cheesecake na inorder ko. Actually, since the night na nalaman ko yung kay Bea and ate Jho, nawalan na ng gana ang appetite ko. Ewan ko ba, weird din tong tiyan ko or baka nakikisama lang din.
"Gusto mo kausapin ko si Jho? Tatanungin ko lang kung totoo ba." Tanong ni ate Ella after a long stretch of silence.
"Wag na muna, ate Els. Let's wait na sila ang magsabi ng kusa. And besides, baka magalit lang si Bea if she knows na pinakialaman ko yung phone niya." I sigh heavily at ganun din ang ginawa niya. Both of us don't know what to do.
"Sakit pumana ni kupido, 'no? Sa tao pa talagang ayaw satin." She rubbing my back while her head is leaning on my shoulder. "Okay lang yan. Malay mo paglabas natin dito, may makita tayong gwapo tapos yun na pala si Mr. Right mo."
Natawa nalang ako sa sinabi niya and at the same time napaisip. Baka naman talaga we are not meant for each other. Na dapat hanggang best friend lang talaga.
"Pero, AC." Ate Ella speaks again, caughting my attention back.
Tingnan ko siya. "Nasan yung pasalubong ko? Tatlong bansa yung pinuntahan mo, oh."
"Akala ko pa naman ako yung pinunta mo dito. Pasalubong pala. Nasa car, kunin mo mamaya." I pinched her belly kaya napangiwi siya.
"Aray naman!" She reacted. "Ano ka ba? Syempre yung pasalubong talaga, second ka lang. Pero ayos na yun at least second, di ba?" Sira ulo mo, Ella De Jesus.
BINABASA MO ANG
JEU
FanfictionLife is like a huge arena where you need to face battles. It will take you lots of grit and passion to win it. But what will you do if destiny is playing with you? Are you willing to fight until the end or you will just quit if it's getting tougher...