GAME 51

683 15 19
                                    

AC's POV

"AC!!!!!" Nakakabinging sigaw nila Yanna sa kabilang screen.

"Gustong-gusto kitang batukan, you know that?" Natatawa niyang sabi kaya natawa na rin ako.

"Paano mo nagawa yun? Fuck, AC! One of a kind!" Sam exclaimed na ikinatawa ko rin.

"I was just bored. Wala ako masyado ditong ginagawa kaya sinubsob ko nalang ang sarili ko sa acads." Natatawa ko ring saad.

Tinapos ko kasi ang pagtranscribe ng thesis namin kasi sila ang sa data gathering. And ang usapan namin 1/2 sakin and hahatiin nila ang kalahati pero tinapos ko na agad pati yung sa kanila.

"So you better go here ASAP. I can smell final defense already." Nakangiti ring sabi ni Casey.

"I will. Magpasched na kayo so that I know when will I go there. See yaaa, friends! OMG!" Pasigaw kong sabi.

"This is it! I'm so ready to march!" I can see Sam's dreamy face from here.

"To march with flying colors!" Sigaw din ni Casey.

"Well, nang-iwan ang isa dyan. Ms. Magna Cum Laude!" Bitter na saad ni Liam habang nakataas pa ang isang kilay.

"Hey! Cum Laude is not bad!" Saad ko naman kasi lahat sila Cum Laude.

"Lamang ka na nga ng isang paligo, lamang pa ng isang degree? Wow girl! Inangkin mo na lahat!" Sabi ulit ni Liam.

"Let's Go, Lee!" Yaya sa kanya ni Yanna.

"Where are we going?" Maarteng tanong ng muse namin na si Liam, yes he's gay also.

"Paliliguan at ipapasunog kita para mapantayan mo siya. Malay mo better pa right? 3rd degree burn is freakin hot!" Yanna said na ikinatawa namin.

"Corny, friend! Okay na ako, 'no? At least ako may love life." Wika ulit ni Liam kaya tinapunan ko siya ng middle finger sa kabilang screen.

Nagtawanan sila pero nagseryoso kaagad si Casey.

"In a more serious note, are you ready to see her?" She asked in a concern tone.

"I'll go there for thesis defense not for her." Defensive kong sabi kasi ang totoo baka hindi ko pa kaya.

I'm excited to see her pero natatakot din. Natatakot ako na baka pinapaniwala ko lang ang sarili ko na masaya na ako para sa kanya pero hindi naman pala.

Ate Els and ate Jho keep updating me about her life.

Official na daw sila ni Binni and they look so happy. I told them it's better pero deep inside, I'm still hurting. Di ko pa rin kayang magmove on kasi siya pa rin. Siya lang talaga ata.

"Basta girl, you gotta ace that defense. Look what you made me do dapat ang peg! Mugna Cum Laude plus Best Thesis is a perfect combo!" Saad ni Sam kaya natawa nalang ako.

Yung anemia ko muna ang ginagamot ngayon para yung nutrients that I'm getting, iabsorb ng katawan ko. With that, mas mapapadali ang pagcure sa cancer ko kapag wala na akong anemia.

JEUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon