AC's POV
"Alam mo, yung grupo niyo ang layo sa mga mayayaman na nagpupuntahan dito." Manang Flor caught my attention with that. "Yung mga pumupunta dito, ang daming arte kasi wala daw ganito at ganyan. Yung ang daming reklamo kasi sa resort nalang daw sana sila nagstay kasi sigurado silang mas maganda ang buhay nila doon. Pero kayo halatang gustong-gusto dito. Kayo yung tipong mayayaman pero walang arte sa buhay."
"Siguro po sanayan lang naman yun. Mahilig lang po talaga kaming magtry ng mga bagong experiences kaya ganun. Mahihilig din talaga sa dagat kaya kahit san mo dalhin basta may dagat, masasaya na yung mga yun." Mas lumawak ang ngiti ni Manang Flor sa sagot ko.
"Nakakatuwa kayong mga bata. Ang ayos-ayos ng pagpapalaki sainyo. Ang dami kasi ngayon, nabubulag sa pera na hindi na nakukuhang tingnan ang ganda ng paligid basta komportable sila."
"I would never trade the world for money."
Magsasalita pa sana si manang Flor nung may narinig kaming ingay.
"Nandito na pala ang mga kasamahan mo." And she stands up. "Salamat sa pagpapaalala sakin na hindi lahat ng mayayaman masasama, AC." Nginitian ako ni manang Flor and nagpaalam na kasi magluluto pa daw siya.
"Hala, AC. Pati sa matanda kung ano-ano ang sinasabi mo." Ate Mich teases me, but I just smile.
Simple conversation about life like that will always have a place in my heart.
"San kayo galing? Why you guys left me?" Pero walang sumagot.
"Tara na! Kain na tayo, gutom na ako." Yaya ni Ate Ella and nagsipuntahan na sila sa loob ng bahay. Mga bastos to.
Kami ni Pongs ang nakaassign ngayon sa paghuhugas. Kaya lahat sila nagsiliguan na.
Hindi ko alam ang gagawin namin ngayong gabi kaya tamad na tamad pa akong tumayo. Si Ponggay din tinatamad pa daw.
Natapos ng maligo si Beatriz, ate Bets, ate Jia, kuya Miguel and ate Bea nung simulan namin ang paghuhugas.
Isa-isa na rin silang naglalabasan, siguro aayusin na nila yung bonfire. After namin maghugas nagpasama sakin si Pongs na maligo sa taas.
Pagkalabas namin ng bahay, wala na naman yung mga kasama namin. Ang hilig nila akong iwanan ngayon.
"San sila?" I look at ate Pongs who's smiling. She's weird.
"Baka dun sa place na nadiscover namin kanina. Tara?" We started walking papunta sa place na sinasabi niya.
Pero tumakbo si Ponggay kaya naiwan ako. Nagdecide nalang akong maglakad so long na di siya mawawala sa paningin ko. Pero nawala lang din.
Tumigil ako sa may poste kasi dun lang yung part na maliwanag. Mahirap na baka mawala ako.
"Anong meron?" I asked ate Jia because she's the only one who's here.
She didn't speak, but she gave me something.
"I was so happy the first time you talked to me na hindi ako tinatarayan." I roam around my eyes after reading what's in the note pero madalim kaya hindi ko masyadong naaaninag ang paligid.
BINABASA MO ANG
JEU
FanfictionLife is like a huge arena where you need to face battles. It will take you lots of grit and passion to win it. But what will you do if destiny is playing with you? Are you willing to fight until the end or you will just quit if it's getting tougher...