GAME 58

972 17 3
                                    

AC's POV

Gulong-gulo ako. Sabi ko sa sarili ko, laging sa kanya ang benefit of the doubt ko. Gustong-gusto kong maniwala pero ang sakit-sakit.

Parang nawala lahat ng sacrifices na ginawa ko when I heard her side kasi kahit siya hindi rin pala naging masaya. Na sobrang sakit din pala ng mga naranasan niya.

Pinili kong lumayo para wag na siyang mahirapan pero bakit parang mas nahirapan siya?

Nagsituluan na naman ang mga luha ko. Kung normal na araw to, hindi ko hahayaan na iba ang magpatulog sa anak ko.

Hindi ko hahayaan na umiiyak ang anak ko na wala akong ginagawa. Pero ayaw kong makita niya akong ganito kahina kasi gusto ko, malakas siya. Yung totoong malakas at buo ang loob, hindi katulad ko na fake ang lakas.

Ate Els and ate Jho try to hush me. Bakit hindi nila sinabi? Oo nga pala, I told them to listen to Bea, kahit wag na nila saking sabihin basta maintindihan nila si Beatriz.

Pero si Edmund? Alam niya ang lahat? Paano?

I wanna name my baby, Beatriz as well.

God knows na gustong-gusto ko kasi like Bea, she brings me joy.

Pero alam kong magsisiwalaan ang mga kaibigan ko kaya I name her Ysabelle nalang para hindi masyadong halata.

Ethan let her believe na galing kay Belle ang pangalan niya kasi she wanna know her name's origin at hindi ko naman pwedeng sabihin na galing kay Bea kasi baka hindi naman sila magkita at maguluhan lang ang anak ko.

They both give me happiness pero sa sobrang magkaibang paraan.

Si Bea ang kahinaan ko while Athena is my strength. Si Bea ang what ifs ko while Athena is my oh wells. Bea is my reliance while Athena is my hope.

Si Athena ang dahilan kung bakit ko nakayanan ang hirap sa med school at ng buhay. Yung mga tawa niya, halakhak niya at ngiti niya, yun ang nagsilbing lakas ko.

Simula noong dumating si Athena sa buhay ko, hindi ko na magawang magalit sa mundo. Kaya wala ako sa kanyang ibang naaalala kundi si Beatriz. Kasi pareho nila akong itinaas at pinakita sa akin kung gaano kasarap mabuhay noong dumating sila sa buhay ko.

Bea's POV

"You need to talk. Yung kayo lang." Ethan told me habang nakatingin kay Athena na natutulog sa bisig ko.

"I hurt her for the second time around." Malungkot kong saad kaya pareho silang umiling.

"Truth hurts. The fact that she's crying means she's hurting. The fact that she's hurting means she still cares. The fact that she still cares means she still loves you, na ikaw pa rin hanggang ngayon. Na totoo ang pagmamahal niya sayo." Belle assures me habang nakaupo sa tabi ni Ethan.

"Alam mo bang sayo ipinangalan si Athena? Alam mo bang kayo ang rason kung bakit ganyan ang pangalan niya?" Tanong ni Ethan kaya umiling ako.

"Athena told me kay Belle daw." Mahinang tumawa si Ethan sa sinabi ko at ngumiti din si Belle.

"It's not true. Pinaniwala ko siya na ganun, but that was just a lie. Alam kong mali pero hindi kayang banggitin ni AC ang pangalan mo sa anak niya because she's afraid na baka hanapin ka ng bata. She's afraid na aasa siyang makikita ka niya pero imposible. But, indeed walang imposible sa mundo kasi nandito ka sa harap nila, nandito ka sa tabi ni Athena ngayon." Ethan said na ikinakirot ng puso ko.

JEUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon