Bea's POV
Lahat kami natakot sa lamig ng aura ni AC. Walang nakapagsalita ni isa sa amin.
I'm still processing all those informations pero alam kong kulang at ang dami ko pang gustong malaman.
"Athena wants you there. Kayo nalang ni yaya ang magpaligo sa kanya." At naglakad na si AC papunta sa kitchen.
What was that? Konti nalang masasagot na sana ang mga katanungan ko.
"Depression." Maikli kong sambit at naramdaman kong nakatingin silang halat sakin.
"You'll know the whole story in the right time. Wag kang susuko. Sasaya rin kayo." Sabi ni Ethan sabay tap sa balikat ko at naglakad na patungo sa taas ng bahay.
Bakit hindi sa akin to sinabi nila Belle kagabi? Bakit hindi sakin sinabi nila ate Ella and Jho noon? Bakit hindi ko man lang nagawang damayan siya sa mga panahon na sobrang kailangan niya ako?
Lumabas ako ng bahay para lumanghap ng sariwang hangin.
I feel like I'm suffocating awhile ago. Hindi ako makahinga, sobrang sikip ng nararamdaman ko.
Hindi biro ang depression. Hindi ito basta-basta. Sa lahat ng tao, si AC ang pinaka-imposibleng makaranas nito kasi alam kong malakas siya. Siguro dati oo, ang laki ng galit niya sa mundo pero lumakas na siya, di ba? Ang imposible pero nararamdaman kong totoo.
Home sickness, ano ang ibig sabihin non? More than 2 years na siya that time dito, pero home sick pa rin siya? Longing? Kanino? Sa akin? Kaya ba sinasabi nilang ako ang gamot?
Gulong-gulo na ako. Habang sinisira ko ang buhay ko noon sa Macau, nasisira rin pala ang buhay niya dito. Habang nagpapakalunod ako noon sa alak, nalulunod na pala siya sa kalungkutan at dilim noon.
Isa-isa na namang pumatak ang mga luha ko. Ang sakit ang sakit-sakit ng mga nalaman ko.
*Flashback*
Sinundan namin ni Binni sila AC at ang mga kaibigan niya. Pumunta sila sa bar, para bang nagkakasiyahan sila.
AC is smiling and laughing with them pero hindi ito abot sa mata.
"Di ko ata kaya, Binni." I told her and she shakes her head.
"Kung aatras ka, okay lang naman. Wag mong gawin, kung hindi mo kaya." She's really nice para magpagamit.
She's aware of my situation kasi naabutan niya ako last time na lasing na lasing at papasok sana sa school pero pinigilan niya ako kasi daw baka masuspend or worst expelled ako and maalis sa team.
I told her everything including my plan and she told me na willing daw siyang gamitin ko siya.
Nakatingin ako kay AC at nagulat ako when I saw her look at our direction kaya nabigla ako at nahalikan ko si Binni.
"Martyr mo, Bea." Kinurot ako ni Binni sa waist kaya mapasmirk nalang ako.
Alam ko, pero yun ang kailangan. Hindi pa nagtagal at may humila na sa akin at inambahan ako ng suntok.
BINABASA MO ANG
JEU
FanfictionLife is like a huge arena where you need to face battles. It will take you lots of grit and passion to win it. But what will you do if destiny is playing with you? Are you willing to fight until the end or you will just quit if it's getting tougher...